Chapter 13
Malapit ng matapos ang grading period at papalapit na rin ang exam. December na kaya ramdam na rin ang papalapit na pagtatapos ng third grading.
"Paki-pasa na 'yong project niyong scrapbook sa Friday ha? Sana tapos na lahat. Last week ko pa 'yon sinabi." Nagpapamigay ng mga papel si ma'am para sa long quiz namin sa Music and Arts. Kasalukuyang nag-iingay ang mga kaklase ko pero hindi pa naman sila binabawal ni ma'am.
"You have 50 minutes to answer your quiz. Nasa lecture naman lahat ng nasa tanong kaya sigurado naman akong matataas ang makukuha niyo."
Tahimik lamang ako sa pagsasagot at isa ako sa mga huling nagpasa. Nagpaplano pa lamang ako ng mga dapat kong gawin pag-uwi ay may lumapit nanaman sa akin.
"Ambagan sa Christmas Party."
"Magkano?" tanong ko sabay kuha ng wallet sa bulsa ko.
"Isang daan. Bayad na silang lahat, ikaw nalang---"
Agad kong iniabot sa kaniya ang ambagang hinihingi niya. Hindi niya kailangang ipamukha sa akin na ako na lamang ang hindi bayad dahil parte 'yon ng pang-iinsulto niya. Naturingang class officer grabe naman mang-maliit ng kapwa.
"Lucille, tapos ka na ba sa project?" tanong ni Ethan.
"Malapit na."
"Pupunta ako sa inyo mamaya, patulong kung ayos lang?" Nakatitig siya sa akin at nanininggkit ang mata habang naka-usli ang pang-ibabang labi na tila nakikiusap nang lubos. Hindi ko maitatangging kinikilig ako roon dahil bukod sa ang cute niyang tignan ay mas ipinakikita niya ang weakness niya.
Hindi umuwi si Ethan sa kanila, sa halip ay sumama siya sa akin pauwi. Hinayaan ko lamang siyang gawin ang dapat niyang gawin at bahala na siyang tawagin ako kung kailangan niya ng tulong. Nag-review na lamang ako sa ibang subjects namin.
"May installation na pala ng mga bagong lectors sa Sunday. Puro kabataan daw ngayon."
Napatigil ako sa sinabi niya. Napaisip nanaman ako nang malalim tungkol sa mga what ifs. What if may magustuhan siya sa mga 'yon? What if bigla niyang ligawan ang isa roon? What if maging sila?
Hindi eh, ang selfish kong mag-isip. Ano naman kung may ligawan siya? Choice niya 'yon, hindi ko siya pag-aari para pigilan.
Nasa simbahan ako ngayon dahil Sabado na at nagpapractice kami sa mismong choir loft habang nag-papractice ang mga gaganap sa installation ng lectors sa bandang altar.
Habang nagpapahinga kami at nakaupo lamang ako sa harap ng organ na 'to ay biglang lumapit sa akin si Ate Hope.
"Hindi ka ba nililigawan ni Ethan?" tanong niya.
"Hala, hindi po."
"Hindi ba siya nagpapakita ng motibo sa'yo? Actually bagay kayo." Pinili ko na lamang magpakita ng pilit na ngiti sa kaniya. Hindi ko hinihiling na ligawan ako ni Ethan, kung ano lang ang magpapasaya sa kaniya basta hindi ikasasakit ng damdamin niya, susuporta ako.
"Hindi po, ayoko lang din pong mashira 'yong nabuong friendship namin."
"Pero gusto mo?" Bakit ganoon ang tanong niya? Masyado niya akong hinuhuli. "Ang tagal ng sagot." Natatawa niyang sabi.
"Pero kung magkakagusto siya sa iba?" Napatigil siya bigla sa kaniyang sinasabi at pinili na lamang na umiling.
Kung magkakagusto siya sa iba, ayos lang. Wala akong lugar para hadlangan siya roon.
Naalala ko nanaman ang sinabi sa akin ni Ma'am Sofie na ako ang isasali sa showcase talent pero mayroon pang elimination bago 'yon. Sa Monday na raw ang elimination dahil ayaw naman sumali ng iba kong kaklase. Hindi ako ganoon ka-confident pero alam na 'yon ni Ethan at masaya siya para sa akin.
BINABASA MO ANG
The Hidden Music
Novela JuvenilMaraming kahulugan ang bawat isa sa itinuturing na "tahanan". May ilang magsasabi na komportable sila sa tahanang kinalakihan nila. May ilang nagsasabi na nahahanap nila ang tahanan sa kaibigan o katrabaho. May ilan din na ang pananaw sa tahanan ay...