Chapter 20

1 0 0
                                        

‎Chapter 20


‎Lucille's P.O.V.


‎Lumipas ang isang linggo, isinasabay pa rin naman ako ni Ethan kapag pumapasok at umuuwi pero hindi na nga lang kami madalas magkasama dahil kung minsan ay kasama niya si Carmel.


‎Isang linggo na rin ang lumipas simula noong nalaman ko ang totoo. Hindi ko pa rin lubos maisip na 'yon pala ang katotohanan pero handa na akong sabihin sa kaniya.


‎Nasa Math Park ulit kami at kasalukuyang kumakain ng lunch. Siomai ang ulam ko at half ng baunan ang kanin. Ngayon ko lang napagtanto na first time kong nagbaon ng lunch.


‎"May sasabihin pala ako," sambit ko kay Ethan. Binuo ko ang loob ko para sa araw na ito. "Anak ako sa labas. Anak ako ng babae ni papa."


‎Walang pagkagulat o pagtataka sa emosyon ng kaniyang mukha. "Alam ko."


‎Napatigil ako sa pagkain nang marinig ko 'yon mula sa kaniya. Tumitig lang ako sa kaning bawas at toyong sinipsip na ng siomai.


‎"Nadulas sa akin noon 'yong magulang ko kaya alam ko. Hindi ko lang sinasabi sa'yo dahil gusto kong sa kanila manggaling."


‎Nanatili ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. "Alam kong hindi ka okay, pero kumusta ka?"


‎"Mabigat pa rin pero hindi na ganoon kabigat sa dati. Mas naintindihan ko na si mama."


‎"Oo nga pala, salamat sa pagsundo mo sa akin last week. Siguro kung wala ka roon, baka wala ako ngayon dito."


‎Tinapik niya ang balikat ko at hinimas ang likod ko. "Kilala kita. Hindi ka nagpapaalam sa akin na umalis kapag may problema ka."


‎"Thank you kasi inaasikaso mo pa rin ako kahit may girlfriend ka na. Pero aaminin ko nasasaktan pa rin ako kasi gusto pa rin kita e."


‎Ngumiti lang siya sa akin at tumuloy sa pagkain. Alam ko naman agad ang sagot doon.


‎Umalis ako sa kinauupuang iyon nang hindi naglalabas ng kahit anong salita. Mali yatang binanggit ko pa 'yon.


‎Nang makauwi ako, tahimik pa rin sa bahay. Wala namang pinagbago simula noon. Ganoon pa rin, walang sasalubong kapag umuuwi ako. Ang pinagkaiba lang, nalaman ko kung sino ba talaga ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 20, 2025 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Hidden MusicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon