Chapter 14
Lucille’s P.O.V.“May mga pagkakataon din na parang hindi ako naniniwala sa Diyos.”
“Ako naman parang iniisip ko naging unfair talaga siya sa iba.”
“Kung nagdududa kayo, bakit nandito pa rin kayo?”
“Lifestyle siguro, isa pa naging parte na talaga ng buhay namin.”
Nakaupo lamang ako sa labas ng kumbento kasama ang iba ring baguhang youth. Karamihan sa kanila ay may kapatid at pinsan na miyembro ng iba’t ibang ministry. Hindi ko inaasahan na sa kabila ng ilang taon nilang paglilingkod ay naiisip pa rin nila ang pagdududa hanggang ngayon. Walang detalyadong impormasyon kung ano ang totoong mukha ng Panginoon, hindi rin detalyado ang pagkilos niya, pero kung ang mundo ay sinasabing “to see is to believe”, alam kong sa Diyos “believe and you will see”.
Naghihintay lamang kami ni Ate Hope sa susunod na wedding mass at narito pa ang ilan sa mga kasama namin. Christmas party na namin sa Sabado at last day na sa Friday bago ang Christmas break kaya marami na ring nagsiuwi dahil alam kong may exam pa. Tapos na rin naman ang bunutan para sa exchange gift at iyon na lamang ang aasikasuhin ko. Wala pa namang usapan sa choir tungkol sa final schedule ng Christmas Party, pero nagbabalak na sila.
“Hi, Ate Izzy!” Dumating ang isang babaeng pamilyar sa akin. Sa tingin ko ay dati siyang lector pero matagal na rin noong huli ko siyang nakitang active. Halos hindi ko na rin nakikita sa simbahan. Ang iniisip ko nga ay lumipat na ng tirahan o school.
“Kumusta kayo?” Lumabas din si Ethan na kumakain ng lugaw mula sa ambagan ng mga miyembro Knights of Columbus na katatapos lamang ng meeting. “Ikaw na ba ‘yan, Ethan?”
"Ate Gail!" Agad siyang niyakap ni Ethan at doon ay muli akong nakaramdam ng tuwa upang masaksihan ang walang humpay na pagpapakita ng pagmamahal sa isang samahan.
"Ate Hope, balita ko umalis si Aaron? Sinong pumalit sa kaniya?" tanong muli ni Ms. Gail.
"Si Lucille." Nilingon ako nina Ethan, Ate Hope, at Ate Izzy. Agad akong nagbigay sa kaniya ng isang ngiti at nakipag-kamay.
"Infairness, ang bata. Mukhang matalino ka." Tinitigan ko lang siya at agad din namang yumuko. Nahihiya ako sa approach niya. Hindi naman ako nakakakuha ng negative vibe, sadyang nahihiya lang ako.
"Anyway, sasali ako sa Christmas Party. Hindi nga lang ako makakasali sa exchange gift, pero sagot ko na ang carbonara and drinks." Nagpalakpakan silang mga narito kaya hindi ko rin napigilan ang sarili kong maki-palakpak.
Dumating na ang araw ng Christmas Party namin. Black and White ang theme. Kami ni Ethan ang kauna-unahang dumating sa simbahan. Sa Parish Hall ang venue dahil nasa 40 lang naman kami kasama na sina father at ang ibang seminaristang ininvite namin.
Naabutan namin ang mga ate at kuya ng ministry na nag-aayos ng table cloth at pati ang upuan ay may sariling balot.
"Kakaunti ang food kaya idadaan natin sa ganda ng venue. Aesthetic 'yan." Pagbibiro ni Ate Trina.
Bukod sa balot ng upuan ay mayroon pang tela na color black na siyang itinali namin na pa-ribbon para mas magkaroon ng buhay ang itsura ng mga upuan.
Nang matapos kami sa pag-aayos ay nagpaalam muna silang uuwi sila upang magbihis at kuhanin ang iba pa nilang gamit. Naiwan naman kaming dalawa ni Ethan, pero nautusan siyang kuhanin ang mga inorder na iba pang pagkain na malapit lang din naman sa simbahan.
Naiwan akong mag-isa kasama ng katahimikan sa buong parish hall. Patay ang air-con at tanging isang wall fan lang ang nakasindi. Inilagay ko ang bag ko sa isang lamesa at inilapit doon ang upuan ko.

BINABASA MO ANG
The Hidden Music
Novela JuvenilMaraming kahulugan ang bawat isa sa itinuturing na "tahanan". May ilang magsasabi na komportable sila sa tahanang kinalakihan nila. May ilang nagsasabi na nahahanap nila ang tahanan sa kaibigan o katrabaho. May ilan din na ang pananaw sa tahanan ay...