"CLASS DISMISS"
Nagsitayuan na ang buong klase at lahat ay excited na naman nang matapos ang panghuli naming subject sa araw na ito. Habang ako ay nanghihina kaagad. Iniisip ko pa lamang na uuwi na naman ay napapagod na ako.
Tumayo na ako at dahan dahang lumabas ng room. Muntik na akong masubsob sa mga upuan nang itulak ako bigla ni Lorraine. Siya ang leader ng mga bully sa loob ng room namin. Ako lagi ang trip niya dahil wala akong kaibigan at dahil na rin sa madalas akong tahimik.
"Huwag haharang harang sa daan ang mga pulubi" sigaw niya. Nagtawanan naman ang mga kasamahan niya.
Umirap sila at nilampasan ako. Malalim ang pinakawalan kong buntong hininga at bumangon sa pagkakatumba. Nagulat ako nang may umalalay saakin patayo. Tinulungan ako na ayusin ang mga nagulo kong gamit.
"Ayos ka lang?" Si Eva. Nag aalala ang mukha niyang nakatingin saakin. Isa siya sa mga alipores ni Lorraine pero hindi naman siya nambu-bully. Minsan nga ay sinasaway niya ito.
"A-ayos lang. Baka pagalitan ka pa ni Lorraine" ngumisi siya at umiling.
"Paduguin pa ang nguso nun pag minura ulit ako sa pagtulong sayo" tipid akong ngumiti at lumabas na ng room. Sumunod siya saakin at sinabayan ako sa paglalakad.
"Hindi ka dumalo nung foundation day natin kahapon. Hinahanap ka ni Aaron" napakamot ako sa batok sa sinabi niya. Hindi ako sanay na may kumakausap saakin sa school. Hindi ako sanay na may kaibigan at kasama sa paglalakad.
"Hindi ako pinayagan" nahihiya kong sagot.
"Kaya ang ganda ganda at puti puti mo, masiyadong mahigpit sayo ang mga kasama mo sa bahay" natatawa niyang komento. Mapakla akong ngumiti. Kung alam lang niya na hindi ko naman kasi kaano-ano ang mga kasama ko sa bahay.
Mabuti naman at pinakinggan ng boss nila ang hiling ko na huwag ng sumama sa loob ng school ang mga bodyguard. Napaka weird naman kasi nun. Para akong bilanggo na dapat bantayan sa lahat ng oras. Lalo akong mabu-bully nun. Pero si Dolores ay hindi pinayagan ni Hidler na ilayo ang paningin saakin. Kapag class hours namin ay nasa labas siya ng room at matiyagang naghihintay ng dismissal namin. Hindi ko alam kung ilan ang binabayad sa kaniya para magtiyaga siya ng ganito.
Sumama ako kay Eva nang yayain niya akong kumain sa cafeteria. As usual, nasa likod lang si Dolores at hindi naman na iyon pinansin ng kasama ko. Mukhang matagal na din niya iyong napapansin na madalas nakasunod saakin. Isang buwan na din ako ditong nag aaral at nagti-tiyaga sa ganitong buhay.
"Gusto mo um-attend sa birthday party ko? I'm turning eighteen next month. October 12th" Nakangiti niyang sabi. Kung pwede lang sana. Ramdam ko ang talim ng titig ni Lorraine saamin ni Eva nang makita kaming sabay na nag order at sabay na naglakad papunta sa may bakanteng upuan. Nasa may kabilang mesa lang si Dolores at kausap ang isa sa mga subject teacher namin na kumakain din.
"Di ko alam kung papayagan ako"
"Di ba magka-grupo tayo sa research? Gawin mo iyong dahilan na gagawin natin sa bahay namin tapos deretso ka na din attend sa birthday party ko." Napaka mapanganib naman ang suhestiyon niya saakin. Palibhasa hindi niya kilala ang taong kasama ko sa bahay.
"Susubukan ko"
"Si Dolores ba? Kakausapin ko mamaya" kinindatan niya ako na parang sure na sure siya na papayagan nga ako.
Nagkibit balikat lang ako at hinayaan na siyang magsabi ng mga plano niya.
"Papayag yan. Tsaka ayokong i-invite na kina Lorraine. Ang sasama ng ugali. Matagal na ako dung naiinis. Napaka self-proclaimed."
Umuwi ako at ginawa ang madalas na ginagawa pagkauwi. Kakain, maglilinis ng katawan at bubuklat ng mga libro at notebooks. Grade twelve na ako at research 2 na pala kami. Medyo nakalimutan ko na ang mga inaral noong grade 11 sa research 1. Sobrang stress ko kasi noon at madalas akong absent para sundin lahat ng utos ni tita. Kaya ang dami kong bagsak. Mabuti nga at tinanggap pa ako sa paaralan na iyon na makapag enroll ng grade 12. Sabi ni dolores ay may kapit lang talaga si Hidler sa head ng University.
BINABASA MO ANG
Trapped
RandomShe's an orphan and just wanted to live a normal life, when her cruel aunt sold her to a billionaire/stranger that she doesn't even know even just a single information. Standing in the middle of the big unfamiliar mansion, that's the moment she knew...