Chapter Twenty-six

84 2 1
                                    


"Ah anak ni Cecil, nandito. Sandali lang Hidler"

Pinatay ko kaagad ang tawag at kahit kabado pa rin dahil muntikan na ako dun  ay dali dali kong nilapitan si homie na kinukusot pa ang mga mata niya. Galing pa siya sa tulog at mukhang kagigising lang.

"Baby, what happened?" Lumuhod ako para magpantay kami. Umiiyak pa rin siya kaya binuhat ko siya at niyakap habang dahan dahang sinasayaw.

"I had a dream that y-you and dada was fighting, but then I w-woke up and realized that I don't have one. I'm so jealous of Rico. He have his own dada, he go to school everyday, his mama's not leaving him for w-work, he has pets, and he's having a baby sister. While I don't have any of that" sunod sunod niyang sabi habang umiiyak.

"Oh. Baby, I'm sorry. Shh. Mama's here" pagtatahan ko sa kaniya. Sa bawat hikbi niya ay ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya. Kahit sa panaginip niya ay binabagabag siya ng kaniyang insecurities. If only I could fill those things that he wants for himself. I can't watch him crying like this, it's breaking my heart.

Pinaupo ko muna siya sa kama para magbihis ako. Tsaka siya binuhat ulit papuntang kusina para ipagluto ng pagkain.

"Do you want to go see, Rico?" Pinapagaan ko ang loob niya habang nakakapit pa rin siya sa akin habang nagluluto ako.

"Yes mama"

Buti na lang ay dumating galing school si Cindy at nang makitang galing sa pag iyak si homie ay binuhat niya ito at dinala sa living room para manood sila ng paborito nitong mga cartoons habang sinusubuan ng niluto kong lugaw para sa kanila.

"Tita's here naman, baby. Tita loves you so so much." Rinig kong sabi ni Cindy sa anak ko. Unti unti na ding kumakalma si Homer at mas nababaling na ang atensyon niya ngayon sa kaniyang pinapanood. Minsan hindi ko malaman kung ano ang unang gagawin kapag nagta-tantrums ang anak ko. Natataranta na din kasi ako kapag nakikita na siyang umiiyak na parang gusto ko na ding maiyak.

Maya maya pa ay dumating si Aster. Ako kaagad ang hinahanap niya. Nasa may kusina ako at kumakain. Tiningala ko siya at nagtatakang tiningnan dahil may balita na naman siyang dala dala ngayon.

"Alam mo itong si Valentino sobrang halata naman talaga sa itsura na player siya at magaling sa babae pero akala ko talaga seryoso siya sayo" panimula niya at kinalikot ang cellphone niya bago pinaharap ito sa akin para ipakita ang mga nakalap niya na namang impormasyon at litrato. Nakita ko doon ang nag iisang nakaw na litrato ni Hidler kasama si Ayesha. Nakalapit ang mukha ng batang model sa pisngi niya. Ano bang ginawa nila after dito? Alam kong wala na naman akong karapatan pero naiinis ako. Parang nasa club sila base sa litrato.

Umirap ako at bumuntong hininga at iniiwas ang tingin sa cellphone ni Aster. Pinagpatuloy ko ang kinakain ko kahit na naiirita na naman ako.

"Samantalang kahapon lang, may nag-post ulit ng litrato niyong magkasama kayo sa lobby. Uubusin siguro nito ang mga alaga kong model" dugtong pa niya.

Hindi na lang ako umimik. Sunod sunod ang subo ko dahil kahit ako ay hindi ko gusto ang nararamdaman ko ngayon. Tuwang tuwa pa lang ako kanina dahil tumawag siya. Iyon marahil ang dahilan kung bakit hindi siya nakatawag kahapon kahit na magdamag akong naghintay. Magkasama siguro sila kahapon hanggang gabi. Tapos sinabi niya pa sa akin na may meeting sila sa Ilocos. Ano bang gusto niyang mangyari?

"Huwag ka nang magalit diyan teh. May photoshoot bukas ang mga models ng Certeza Agency. Gagawa marahil ng panibagong magazine cover si Tessa."

"Talaga ba, Aster? Pagkatapos mo akong hatidan ng masamang balita, tsaka mo sasabihin na may photoshoot?"

"Bakit boyfriend mo na ba si Valentino?" Pumamewang siya sa harap ko.

"Hindi, pero naiinis ako"

"Huwag kang ganiyan. Ikaw ang kawawa kapag masiyado kang naa-attach sa kaniya. Parang hindi mo naman kilala ang mga galawan ng ganoon kaguwapong lalaki. Magbihis ka na lang at magca-club tayo around BGC. Ayan ah, pinapayagan na kita mag club kahit may photoshoot"

TrappedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon