"Bitiwan mo ako!" Sigaw ni Shanty. Nagpupumiglas siya sa pagkakahawak sa kaniya ni Hidler ng mahigpit. Natanaw ko din di kalayuan ang mga kasamahan ng pinsan ko na napaatras at mukhang natakot nang makita si Hidler na nandito."What do you want from her?" Kalmadong tanong ni Hidler pero masama ang tingin ngayon sa pinsan ko.
"Pera, pera. Pero pinagdadamutan niya ako na parang wala kaming pinagsamahan." Parang baliw na sagot ni Shanty. Bakit ba adik na adik sila sa pera pero hindi naman nagtatrabaho para magkapera?
"Is this an order from your mother again? You both are making it so easy to earn money huh." Kita ang gulat sa mukha ni Shanty dahil sa sinabi ni Hidler. Nagtataka kung paano siya nito nakilala.
"K-kilala mo ako?—ikaw? S-sayo binenta ni mama itong si Celestina ah. Totoo ngang may relasyon kayo hanggang ngayon" napaawang ang bibig ko sa sinabi ni Shanty.
"How could I not know you? You asked too much money from me by using Celestina's name. Now, get out from here before I called the cops" naalarma naman si Shanty at dali daling umalis sa pagkakahawak ni Hidler para kumaripas ng takbo. Pinagtitinginan na siya dahil sa itsura niya ngayon.
Napabuntong hininga ako habang pinagmamasdan ang pinsan ko na yayain ang mga kasama niya at sumenyas na wala siyang nakuha. Ang tatanda na nilang lahat pero ayaw magtrabaho. Mas pinipili pang gumawa ng kasamaan para makakuha ng pera.
Hinawakan ako sa bewang ni Hidler at na realize ko na nakayakap pa rin ako sa kaniya. Inalis ko ang kamay ko sa katawan niya at saka tumikhim.
"Bakit hindi mo na lang siya binigyan ng pera? Pano kung hindi ako dumating?" Nag aalala niyang tanong. Napanguso naman ako at nag iwas ng tingin.
"Eh ayaw niya maniwala na wala akong pera ngayon"
"Really? Where's your money? I gave Aster the money you earned from Ilocos' festival"
"Exactly. Na kay Aster"
"Hindi ka binibigyan?"
Umiling ako. "Siya ang humahawak "
He licked his lower lip na parang nag iisip kung anong magandang gawin sa problema ko.
"Send me your bank account. I'll send you money later—"
"Hidler, huwag. Huwag mong gagawin yan" he chuckled sexily and looked at me.
"Why? It's just money. I'm not asking for anything in return"
"Kahit na. Magmumukha kang sugar daddy ko" pabulong kong sinabi iyon pero dahil sa sobrang lapit namin ay narinig niya. Tumawa siya ng malakas at nakagat ko na lang ang labi ko sa kahihiyan. Bakit ko pa ba sinabi yun? Dapat sa isip ko lang iyon sasabihin eh.
"The what? Am I that old to you?"
"Hindi"
"Fine then. Sugar daddy it is, if that's what you want"
"H-huh? Wala akong sinabing ganiyan"
"But you came up with the idea" he said jokingly. Napailing na lang ako at hindi na nakipagsagutan sa kaniya. Bahala siya kapag pinagpiyestahan kami ulit sa social media. Ako nga lang ang kawawa sa amin.
Niyaya na niya ako papasok ng building namin. Sa may lounge kami tumuloy at may mga dala siyang paper bag. Iyon ba ang ibibigay sana ni Eva sa akin?
"Bakit hindi si Eva ang pumunta?" Tiningnan ko siya habang inaayos ang mga dala dala niya. Inutusan ba siya ni Eva? Ganun siya kadali mautusan?
"Bumalik siya ng Ilocos, nagkaproblema"
"Bakit hindi si Conrad ang inutusan niya?" Tanong ko pa. Hindi na naman ako matahimik gayong nandito siya dahil sa utos ni Eva sa kaniya. Sandaling nangunot ang kaniyang noo na parang pina-process pa sa utak niya ang naging tanong ko.
BINABASA MO ANG
Trapped
RandomShe's an orphan and just wanted to live a normal life, when her cruel aunt sold her to a billionaire/stranger that she doesn't even know even just a single information. Standing in the middle of the big unfamiliar mansion, that's the moment she knew...