Wala akong tulog. Kung saan saan na ako napadpad pero hindi ako makatulog. Hanggang sa nakarating na ako sa kuwarto ni Homie at niyakap siya hanggang umaga pero dilat pa rin ako. Hindi mawala wala sa isip ko lahat ng nangyari kahapon. Pati na rin ang solusyon kung paano ko mababayaran si Hidler ora mismo bago matapos ang araw na ito.
Dahil sa hindi na din naman ako makatulog ay bumangon na ako para maghanda ng almusal. Syempre para sa tatlo kong kasama lang ang lulutuin ko dahil cereals lang ang kakainin ko ngayong umaga. Hindi din naman ako makakakain ng mabuti sa dami ng tumatakbo ngayon sa utak ko.
Paano kung hindi ko maibigay kaagad ang perang sinabi niya? Ano kayang gagawin niya? Posible kayang ipakidnap niya ulit ako? Alam kong kasalanan ko din naman dahil ako ang nagpumilit na magbayad kahit hindi naman siya naniningil. Yun naman kasi ang alam kong tamang gawin eh. Malakas lang ang loob niya ngayon na lapitan ako kahit kailan niya gusto dahil may malaki akong utang sa kaniya at talagang sinadya niya iyong palakihin ng ganun para mahirapan ako ng ganito. Hindi pa naman ako ang humahawak ng pera ko. Anong ira rason ko sa manager ko? Na may malaki akong pagkakautang na hindi ko naman winaldas? Ngayon pa lang nagda-doubt na ako na bibigyan ako ni Aster.
Natatakot lang ako na kapag ganitong nagpapakita na lang siya basta ay bigla niya na lang malaman ang tungkol sa anak ko. Lalo pa ngayon na alam na niya kung saan ako nakatira. Ayokong malaman niya na nagkaroon ako ng anak sakaniya. Baka palayuin niya kami dahil sa anak siya sa labas. O di kaya baka malaman ng papa niya, tapos baka kung anong gawin kay Homie. Oh God! He's just an innocent child.
"Anong iniisip mo? Para kang tanga dyan." natatawang pukaw sa akin bigla ni Aster nang maabutan niya ako dito sa kusina na nakakunot noo sa dami ng mga iniisip. Sinimangutan ko lang siya; siya ang dahilan ng lahat ng ito. Hindi sana kami magkikita ni Hidler kung hindi niya ako pinapunta doon. Dagdag pa ang pagpayag niya na pasamahin ako sa lalaking yun kahapon.
"Bakla ka, pinahamak mo ako. Sa lahat ng tao na tutulak sa akin kay Valentino, ikaw pa talaga." tinawanan niya ulit ako nang ma realize kung anong tinutukoy ko.
"Kay Certeza siya unang nagpaalam bago sa akin. Sabi ni Tessa pumayag na daw ako dahil governor yun ng Ilocos at nakakahiya naman. Pumayag din ako dahil ang pogi niya nung kinausap ako. Jusko hindi ako makatanggi bakla." inirapan ko siya sa kaniyang rason. Kahit pumayag si ma'am Tessa, pwedeng pwede siyang tumanggi eh. Talagang ginusto niya din na pasamahin ako. "Huwag ka ng bumusangot diyan, bibili tayo ng kahit na anong gusto mo." malakas ang loob niya dahil malaki ang nakuha niya kahapon. Inis ko siyang inirapan. Hindi nga siya aware na namomroblema ako ng pera ngayon. Kailangan kong makakuha ng pera ng hindi niya nalalaman.
"Ayoko, may pupuntahan ako."
"Saan?" Takang tanong niya habang sinusubo ang apple.
"Maghahanap buhay ako."
"Saan?"
"May na-suggest sa akin si Eva."
"Saan?" Sinamaan ko siya ng tingin. Mukhang hindi naman talaga siya interesado, tanong lang ng tanong.
"Wala ka na bang ibang itatanong bukod diyan?"
"Eh hindi mo naman sinasagot kung saan."
"Basta"
"Hindi mo ako isasama?"
"No. Mag shopping ka na lang." sarkastiko kong sabi ngunit sineryoso niya.
"Naku! Thank you naman. Si Keith na lang isasama ko."
"Bahala ka"
Pagkatapos ko magluto ay ginising ko na ang dalawa kong alagang bata. Weekend ngayon at walang pasok si Cindy kaya malaya akong makakaalis ng walang iniisip. Pinaghanda ko silang dalawa at nagmamadali pa nga si Homie dahil manonood daw siya ng cartoons. Ayaw niyang kumain mag isa, nagpasubo siya sa akin para hindi matagalan.
BINABASA MO ANG
Trapped
RandomShe's an orphan and just wanted to live a normal life, when her cruel aunt sold her to a billionaire/stranger that she doesn't even know even just a single information. Standing in the middle of the big unfamiliar mansion, that's the moment she knew...