Chapter Twenty-two

88 3 1
                                    


Where am I? Paano na nga ako nakaabot dito? O my God! Anong nangyari kagabi? Bakit ako nakahubad? Anong—

"Are you still sore?" Halos mapatalon ako sa gulat nang may lalaking pumasok ng kuwarto, na walang iba kundi si Hidler. May dala dala siyang tray. Pagkalapag niya ng pagkain sa mesa ay naupo siya sa kama at pinanood akong magbihis.

"Tumalikod ka nga!" inis kong utos sa kaniya.

"I've seen everything." sagot niya pero tumalikod din naman.

Hindi na ako mapakali. Ano bang katangahan ang ginawa ko na naman? Gusto kong pukpukin ang ulo ko nang mag echo sa utak ko bigla yung sinabi ng anak ko na 'I want a baby sister, mama'.

Naglakad ako palapit kay Hidler at malakas ang loob na hinarap ko siya. Nagtataka niya naman akong tiningnan.

"Aksidente lang ang nangyari kagabi. Pareho tayong may impluwensya ng alak. Hindi natin sinasadya iyong mangyari. Pwede naman nating kalimutan na lang na ginawa natin yun." Bigla na lang siyang tumawa sa mga pinagsasabi ko. Anong nakakatawa doon?

"I wasn't drunk last night. I know you weren't too." Natatawa niyang sabi. Hindi ba?

"Bakit ikaw pa ang may alam?" Lumapit ako sa tray na nilagay niya sa may mesa at kumuha ng isang tinapay doon para kainin.

"Aster and your friends are downstairs." halos mabulunan ako sa sinabi niya. Oo nga! Yung mga kasama ko. Ano na lang ang sasabihin ng mga iyon sa akin?

"Hinanap ako? Anong sinabi mo?" Natataranta kong tanong.

"You're still asleep "

"Bakit mo sinabi yun?"

"I said we slept in separate rooms. Don't worry, they thought you really hate me, they're not aware how badly you want me."

Inirapan ko lang siya habang nakangisi lang siya sa akin. Naupo ako sa may isang upuan kaharap ng study table at kaharap niya na sa may kama nakaupo. Hinigop ko ang gatas na hinanda niya at ang sarap sa pakiramdam. Parang nabawasan yung sakit ng ulo ko na dulot ng alak kagabi.

"Hindi ka ba kumain kagabi? You look hungry." nilingon ko siya habang subo subo ko pa ang isang buong tinapay at may naghihintay pa sa kamay kong cookies para isunod sa bibig ko.

"Kumain ako pero diet nga lang. Binabawal ni Aster sa akin itong mga carb foods, nakakataba kasi."

"Anong pinapakain sayo?"

"Puro gulay, cereals sa umaga at boiled egg kapag gabi na."

"Aster's going to kill you"

"Huwag mo na lang sabihin na kinain ko itong lahat." he slightly chuckled and nodded as he watches me eat all the foods in the tray.

Nang makatapos ako ay tumayo na ako at inayos na ang aking sarili. Para naman hindi masiyadong halata na nakipag sex ako kagabi. Sinilip ko ang sarili ko sa may salamin at okay pa naman ang itsura ko kahit wala na yung make up ko. Sinuklay ko ang magulo kong buhok gamit ang mga daliri ko.

"Mauuna na akong bababa. Huwag kang sumunod kaagad para hindi halatang magkasama tayo."

"Alright" He smirked while he's crossing his arms. Nagkatinginan kami. Bakit parang ayoko pa umalis? Pakiramdam ko kasi once na umalis na ako dito, hindi na niya ako hahanapin o lalapitan pa. Ewan ko pero yun ang nafe feel ko. Siguro dahil sa nakuha na niya yung gusto niya sa akin. His playful smirk says it all that he did it.

Oh God. Ano naman kung hindi na niya ako hanapin at lapitan pa? Hindi ba iyon naman talaga ang gusto ko? Ang layuan na niya ako at huwag na akong papakialaman sa buhay ko. What's happening to me again?

TrappedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon