Chapter Thirty-one

44 4 1
                                    

Para akong uod na hindi mapakali habang nasa van na ako papuntang Ilocos Sur. Kaka-landing lang kanina ng eroplano sa Laoag Airport. Nag rent ako ng van para mas mabilis ang biyahe.

I checked my message. There's so many unread messages. Yung bagong dating lang ang binuksan ko. It's from Christina. She said, 'girl ano 'to?'. Next is an attached photo. It's Hidler walking inside NAIA in his business suit, wearing an aviators, with his tall and dark image, but the most eye-catching part is he's carrying my son. My son looks comfortable with him. In this photo, it says that it was posted a week ago. Bakit hindi ko ito kaagad nakita? Eh di sana nalaman ko kaagad na patungo sila ng Ilocos. Akala ko dadalhin ni Hidler sa lugar na hindi ko alam para lalo akong magalit.

Inihanda ko ang sarili ko nang makita ko sa labas na nasa Bantay na kami. Bago kami makapasok ng Alta Mira ay hinarang muna ang van na sinasakyan ko. Kinailangan kong buksan ang bintana at magpakita ng mukha kaya kami pina-deretso na papasok. Bago ako bumaba ay binayaran ko muna si manong driver at nagpasalamat dahil pumayag siyang ihatid ako kahit mag isa lang ako sa van.

Nandito na naman ako sa mansyon ni Hidler. Kahit na anong gawin ko, dito pa rin ako dinadala ng mga paa ko. This inclosure he made for me is inescapable.

Naglakad na ako papasok. Sa malaking entrance pa lang ay may naririnig na akong nag uusap sa loob. Kaagad kong binilisan ang lakad ko. Sa malaking silid tanggapan ay naabutan ko doon si Dolores at Lauro na nag uusap, nasa gilid nila si Aki na naglalaro mag isa. Nagulat sila sa bigla kong pagsulpot.

I smiled awkwardly and greet the three of them. Mukhang family time pa naman nila ito ngayon, umepal pa ako.

"Miss Yolanda. Nasa taas po si boss-" si Lauro na hindi pinatapos ni Dolores. Tumayo si Dolores at lumapit sa akin. Hinila niya ako palayo sa mag ama niya. Sa pagkakahawak niya sa akin ay may halong gigil. Pero nagpadala lang ako.

"Nagkaanak kayo ni boss." Pauna niya.

Kinakabahan akong tumingin sa kaniya at tumango ako. Lumingon ako sa may couch at nakatanaw sa amin si Lauro na mukhang curious kung anong pinag uusapan namin. I wonder what her reaction was when she saw Hidler came home with a child and figured out it's mine.

"So may nangyayari sainyo noon?" Tiningnan niya ako ng seryoso. Nag iwas ako ng tingin. Kahit na ilang taon na ang nakalipas at wala naman na ako sa puder niya ay nandito pa rin ang takot ko sa kaniya kapag ini-intriga niya ako ng ganito.

"Dolores"

"Sagutin mo ako." Tinaasan niya ako ng kilay.

"O-oo"

"Di ba sabi mo, wala kayong relasyon noon?" Napalunok ako sa sama ng tingin niya sa akin. "Umamin ka sa akin Celestina, pinilit ka ba niya o ginahasa?"

Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya. Kaagad akong umiling.

"Kahit na hindi ka niya pinilit. Disi siete anyos ka pa lang noon. Bakit mo hinayaang mangyari iyon?"

"D-dolores, walang ginawang masama sa akin si Hidler. Ginusto ko ang nangyari." Wika ko. Tsaka ano namang laban niya kay Hidler kung magtatangka siyang i-reklamo ito? Ayoko ng gumawa pa ng gulo sa pagitan namin dahil may anak na ako.

"Alam mo bang maaari siyang makulong sa ginawa niya?" Pumamewang siya at nagbago rin ang ekspresyon ng mukha niya. "Wala kang pinagkaiba sa mga babae na nahuhumaling kay boss. Akala niyo special na kayo kapag binalingan ng atensyon. Hindi siya ganoon Celestina. Wala kang aasahan sa kaniya." Napanguso na lang ako at nag iwas ng tingin. Alam ko naman yun kahit noon pa. Sinasamantala ko lang ang pagkakataon na interesado pa sa akin si Hidler. Dahil darating din ang araw na wala na siyang pakialam sa akin. It's stupid, I know.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: a day ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TrappedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon