Chapter Twelve

147 4 1
                                    

Sobrang busy ng mga tao sa mansyon. Pababa pa lang ako at nakapag ayos na ng sarili. Ngayon lang muling lumitaw si Dolores makalipas ang ilang araw na pagkawala bigla. Maputla ito at mukhang walang kagana gana sa trabaho. Pero siya pa yung gumising sa akin kanina para sabihan na maligo na at mag ayos dahil sasama ako kina Hidler.

Pinaghanda niya ako ng almusal at tahimik akong kumakain habang pinapakinggan lang ang ibang mga tao na nasa may silid tanggapan. Ang iba ay nakilala kong mga tauhan ni ma'am Daniela at ang iba ay kay Hidler, lumilinga pa ako sa ibang parte ng mansyon pero hindi ko siya makita.

"Miss Yolanda, tapos ka na ba?" Tanong ni Randolph. Sakaniya siguro ako sasakay ngayon.

"Ah oo" kahit hindi pa. Sumubo ako ng panghuli at iniwan na sa mesa ang pinggan ko.

Sumenyas siya na sumunod ako sa kaniya. Naka shorts na black lang ako at fitted na t shirt at sandals. Baka mangangampanya lang naman ulit. Mas komportable ako dito kaysa mag dress.

Pinagbuksan ako ni Randolph ng pinto ng sasakyan sa may backseat. Naghihintay na lang ako na umalis dahil sobrang busy pa ng mga tao. Ganiyan nila kamahal si governor.

Nagulat ako nang lumabas sa mansyon si ma'am Daniela. Saan siya galing? Hindi ko naman siya nakita kanina. May tinatanong siya kay Randolph. Tumango siya at nilampasan ang bodyguard ni Hidler at dumeretso sa sasakyan kung nasaan ako. Bumukas ang pinto at malawak ang ngiti niyang sumalubong sa akin.

"There you are, pretty girl. Buti na lang pinayagan ka na ni Hid. Here's yours" binigay niya sa akin ang isang bungkos ng fliers na ipapamigay ulit mamaya. Kinuha ko naman iyon.

Nang pumasok na ng sasakyan si Randolph ay umandar na kami, hindi na hinintay yung iba. Napansin ko na may sasakyan na sumunod sa amin, mga bodyguard siguro iyon ni ma'am Daniela.

Ilang minuto ang naging biyahe namin. Nabanggit ni ma'am Daniela na Candon ang lugar na pangangampanyahan namin. Marami daw ang populasyon doon kaya mainam na makarating din kami sa lalong madaling panahon.

Pagkababa namin ay tumulong ako na ipamigay yung mga pagkain na naka pack sa may mga plastic. Ito siguro ang mga pinagkakaabalahan kanina. Madaming pumila sa may gawi namin, nasa may malaking plaza kami ng lugar na Candon at marami nga ang mga tao na narito. Sa may kabila si tita at ako rin sa may bandang kanan niya, nagpapamigay ng fliers at yung food pack.

Napansin ko na dumarami ang nakapila sa may sa akin, karamihan nga lang lalaki. Kapag napapadaan sila ay pumipila na kahit siguro hindi alam kung anong pinunta namin dito.

"Please vote for Governor Herbert Valentino again" paulit ulit kong sabi para mas maintindihan nila na nangangampanya ako.

"Hi miss, anong pangalan mo?"

"Celestina po" ngumiti ako at nagtulakan naman sila. Kahit mga mukhang nasa may edad forty's at fifty's na ay narito pa rin pumipila sa may sa akin.

Nilingon ko si tita at mukhang tapos na siya. Nakangiti lang siyang pinagmamasdan ako.

Nakakapagod. Parang walang katapusang kampanya ito. Maya maya ay may pumaradang mga black SUV sa parking lot ng plaza. Bumaba doon si Gov Herbert, napapaligiran ng bantay, sumunod naman si Hidler na nakasuot ng aviators, nakakapanindig balahibo ang kaguwapuhan niya. Sa kabilang Van ay matandang lalaki naman ang lumabas. Medyo mahina na ito kaya may mga nakaalalay.

Tinapos ko muna ang ginagawa ko at inayos ang ilang fliers na natitira at ang mga pagkain.

Nilingon ko si Hidler, nagkatinginan tuloy kami dahil kanina pa siya nakatingin sa akin pagkaba niya ng sasakyan. Hindi ko nga lang makita ang mga mata niya dahil sa aviators niya. Sa akin ba talaga siya nakatingin, hindi naman siguro.

TrappedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon