Chapter Nineteen

99 4 2
                                    

The next day ay maaga akong ginising ni Eva. Sabi niya ay madami pang event ngayon dito sa Ilocos at huwag na muna akong umuwi para sabay sabay kaming tatlo na manood. Ilang beses na akong tumanggi dahil uwing uwi na ako. Hinahanap na ako ng anak ko. Sabi nila ay ngayon lang ito at kahit mamayang hapon na ako umuwi. Hindi na ako nakipag argue at pumayag na lang ako. I texted my sister na hindi pa ako makakauwi. Ayos lang daw dahil sabi niya ay niyaya sila ngayon ni Aster na lumabas para mamasyal at mag shopping.

Hanggang ngayon hindi pa maubos ubos ni Aster ang perang nakuha namin kay Hidler. Siya na talaga ang pinaka wais na manager sa balat ng lupa. Ilan kayang nagastos nila ng jowa niya kahapon? Ang dami ko ding mensahe at tawag na natanggap mula sa kaniya. Kesyo alalang alala na daw siya sa akin, kung anong ginagawa ko, at nasaan akong lupalop ng mundo. In the end hindi din ako napauwi kaya sabi niya mag iingat ako lagi. Feeling ko isang malaking cash ang tingin sa akin ni bakla.

I know that he knew it all along. May sa manghuhula kaya siya? Na kahit ganoon yung estado ng buhay ko noon, parang may nakikita na siyang pera sa noo ko at alam niyang mapagkakakitaan niya ako ng malaki. O talagang sadyang malaki ang tiwala niya sa ganda ko? Pero alam naman niya na hindi puro ganda lang dapat.

Habang naghihilamos ako at naglilinis ng sarili bago lumabas ng kuwarto ay naaalala ko pa rin ang gulat na itsura ni Hidler dahil sa sinabi ko kagabi. Bakit? Akala niya ba sobrang galing na niya magtago? Gulat ba siya na may isang bagay akong nalaman sa napakamisteryoso niyang personal na buhay? O baka nagulat siya dahil hindi na niya ako kayang manipulahin ngayon? Mukha lang siyang totoo sa lahat ng oras pero madami din siyang sekreto na akala niya walang makakaalam. Kahit siguro kina Dolores ay hindi alam na pamilyado na siya.

Alam din kaya nila kung anong uri ng trabaho meron siya? Matagal na panahon na ang lumipas pero hindi ko malaman laman kung saan nagmumula ang yaman niya. Hindi pa nga nakontento at pumasok pa sa politiko para mas madali niyang mamanipula ang mga bagay bagay. Tsaka madami ding pera ang kaya niyang makuha dahil sa kaniyang posisyon. This is how scary the world is, about how it works, how wealthy people can buy everything including the decisions of people. It's truly disgusting.

Yung pag uusap namin kagabi dahil nasabi ko naman na kung bakit galit na galit ako sa kaniya, sana naman tigilan na niya ako. Sana naman makaramdam na siya na hindi ko maatim na tumingin sa mga mata ng lalaking sumira ng buhay ko.

Matapos ko iyong sabihin sakaniya kagabi ay saktong dumating kina Eva at Cris para yayain na akong umuwi. Gusto niya pa akong mag stay para mag usap kami pero tinalikuran ko na siya. What made him think that I wanted to talk to him anytime? Nakita ko pa kung paano lumitaw sa mukha niya yung usual niyang ekspresyon. Madilim na mukha at pag igting ng kaniyang panga. That was just very him.

"Nakakaproud ka naman Celes. Naaalala ko pa noon sobrang bata mo pa nung pumunta ka dito ng Ilocos Sur. Nagagandahan na ako sayo pero madalas ka lang tahimik at nadadala ka lang nito nina Evangeline at Christina sa kadaldalan." Wika ni tita Evelyn. Nanay ni Eva. Bihira ko lang siyang makasalamuha noon pero mabait siya sa tuwing pumupunta ako dito sa kanila.

"Kahit ako gandang ganda talaga ako noon pa man kay Celestina. Para siyang may ibang lahi kung tingnan. Napaka natural ng skin niya na sobrang puti, nakakainggit. Halata naman na wala kang pinagawa." Si ate Elena naman. Nahihiya na tuloy akong sumubo ng pagkain na puro sila papuri sa akin. Ngayon lang kasi ako nakadalaw  ulit dito.

"Nagpa retoke yan" si Eve naman.

"Oo?" Gulat na tanong ni tita.

"Yung ugali niya. Biglang lumakas ang loob at nababara na niya si governor na noon ay hindi niya ginagawa." natawa si tita at ang kapatid niya sa sinabi ni Eve. Ang gaga talagang ito kahit kailan. Akala ko may pinaretoke talaga ako ng hindi ko nalalaman.

TrappedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon