Chapter Twenty-eight

109 4 2
                                    


Her usual serious face and straight look has never change. Tuwid na tuwid lang siyang nakatayo di kalayuan sa amin at nakatingin sa amo niya na naiinis sa kaniya ngayon. It's been years since I left her without a word. Hinanap niya kaya ako nung araw na yun? Nagalit kaya siya sa akin?

My questions answered itself by looking at Dolores's expression. Dinaanan niya lang ako ng tingin na parang hindi niya ako kilala at wala siyang pakialam kahit na sino pa man ako. Hindi kagaya nung tatlong goons na galak na galak ang reaksyon nang makita ang mukha ko dito sa Ilocos. Nagalit ata talaga siya sa akin. Siya kasi ang huling taong kasama ko at ni hindi ko man lang sinabi sa kaniya ang nangyari sa akin at hindi pa ako nagpaalam. Sino nga ba naman ang hindi magagalit sa ginawa ko?

Lumusong na kami ng pool ni Hidler para magbihis at mag almusal. Gusto ko sana siyang tanungin tungkol kay Dolores pero kinipot ko na lang ang bibig ko.

Pagpasok namin ng mansyon ay ganoon pa rin, tahimik pa rin ito. May mga hang over pa yung mga kasamahan ko at talagang napasarap ang mga tulog nila. Umakyat muna ako para mag shower. Inaalala pa rin ang nangyari sa amin ni Hidler kanina, na kung hindi dumating si Dolores baka kung saan na naman kami umabot.

Lumabas ako ng shower room at sinuot ang damit na si Aster ang naglagay sa bag ko. A pair of jeans and racer back with my boots. Mas nag mukha ako ngayong cow girl. Hindi kagaya kahapon na parang binebenta ko na ang katawan ko. Kuhang kuha ang hubog ng mahahaba kong binti dahil sa suot kong hapit na pantalon. Hindi ako masiyadong sanay mag-pantalon; I'm a dress girl.

Habang inaayos ko ang mga kalat ko sa kuwarto ay napansin ko ang lumang sticky note na maayos na nakaipit sa may mga gamit na nasa study table. Nang kunin ko ito ay naalala ko kaagad kung ano ito. I think it's the sticky note from the gift box I opened five years ago before I left this mansion. Nahulog ko nga pala ito nang buksan ko yung regalo bago ako nagmamadaling umalis. I can still read his beautiful and clean handwritten; 'Happy Birthday, Celestina Arkia. From: HDV. That was his first ever gift to me. Kahit nga hindi ko na masiyadong sinusuot yung dress, nakasilid pa rin siya sa closet ko hanggang ngayon. It always reminds me of him.

Unang beses ko iyong sinuot na makinang na dress sa isang gala when I was still nineteen. Everybody was talking about that dress and wanted to hear further explanation about how I got the dress, who made it, and who's my stylist. Yet I couldn't spread the details since I couldn't even tell that it was just a gift from the man that gave me so much pain. I couldn't blame them, that dress was just so gorgeous and elegant. Its look was giving a pricey-look. The kind that could probably left you broke if you buy something like that. But I guess Hidler didn't; to him it's just a coin.

Nang baliktarin ko itong kapirasong papel na hawak hawak ko ay may nakasulat pa pala sa likuran nito na ngayon ko lang napansin. Hindi ko ito nabasa noon dahil sa pagmamadali ko. It simply says, 'I'm sorry'. Para saan ba itong sorry niya, kung hindi naman sila kasal ni Sophia? Yun lang naman ang iniyakan ko noon eh. What was his sorry for? Siguro nung hindi siya nagpakita ng ilang buwan bago ako umalis sa bahay niya. Guess that's it. Ibinalik ko ang papel sa dati nitong kinalalagyan at bumaba na.

Gising na kina ma'am Tessa at ang ibang mga model. Kumakain na silang lahat sa may hapag. They're all happily talking. Ayesha obviously sat beside on Hidler on purpose. Feel na feel niya masiyado ang atensyon na nakukuha niya. I didn't know that she got an attitude like this. Masiyado pa naman akong naging mabait sa kaniya nung nagsisimula pa lang siya.

Habang nakatanaw ako sa kusina ay napansin kong may mahinang yabag ang papalapit ngayon sa puwesto ko. Paglingon ko sa likuran ko ay nagkatinginan kami ni Dolores. Tiningnan niya ako ng walang kaemo-emosyon niyang mga mata. Ito yata ang natutunan niya sa kaniyang amo sa ilang taon na paninilbihan.

TrappedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon