Chapter Twenty-three

83 3 1
                                    


"Maupo kayo. Sakto kakain na kami ni, Celestina" Christina's trying to keep it cool; for all I know she did it on purpose. Kaya hindi niya masabi kung bakit niya ako gustong papuntahin ng biglaan dito. Sinabayan ko na lang siya at hindi nagpahalata na ibang klase na naman ang epekto sa akin ng presensya niya.

Si Sergio ay napangisi na lang. Mayabang at proud silang naupong dalawang lalaki sa may hapag. "Nandito pala si celes. Magca-club sana kami mamaya" hindi ko pinansin ang sinabi ni Sergio.

Matapos kong maasikaso ang mga pinggan ay naupo na kami ni Christina sa harap nila. Nilabas na din ni Hidler ang laman ng paper bag na dala dala niya. Mga pagkain pala yung ni-take out nilang magkaibigan.

"Ito kainin niyo, love. Puro damo kinakain niyo pareho" si Sergio. Nilagay sa gitna ang mga dala nilang pagkain. Hindi ko iyon pinansin at patuloy lang ako sa pagsubo ng niluto naming gulay ni Christina. Hindi ako pwede niyang kumain, kakakain pa lang namin nina Cindy at Homie niyan kahapon. Sabi ni Aster ay palipasin ko naman ng ilang linggo bago ako kumain nito ulit.

Kahit anong iwas ng mga mata ko ay hindi ko pa rin napipigilang hindi mapatingin sa harapan ko. Nakatitig sa akin si Hidler at pinapanood ang pagsubo ko ng pagkain. Napangisi lang siya nang makitang nataranta ako dahil sa nahuli ko siyang nakatingin. Tuwang tuwa pa siya na ganito ang epekto niya sa akin.

"Try this, celes" nilagyan ni Hidler ang pinggan ko ng steak. Umiling ako pero mapilit siya.

"Try mo girl. Masarap siya"

And I tried it, masarap nga naman. Tumango ako at ngumiti ng pilit.

"You want more?" He asked and he's ready to put more foods on my plate.

"No. Aster won't like it kapag dumagdag ang timbang ko"

"Seriously? And he's free to eat anything he wants with his boyfriend?"

"She's not a model though"

Tumayo si Christina. May kinuha siya sa refrigerator at pagbalik niya ay may dala na siyang mga bote ng alak. Nagulat ako dahil pagtingin ko sa brand ng alak, it's the same whiskey na sobrang sarap nung mag attend kami ni Aster ng birthday party ng pinsan ng boyfriend niya.

"Oh, it's the HDV's bourbon whiskey. I've tasted it before and it's so tasty. Where'd you buy it?" I looked at Christina and she just smiled while sitting down next to me.

"Hindi ko ito binili"

"A gift?"

"Supply lang galing kay, Hidler" sinulyapan niya si Hidler at kumindat siya. "Hindi mo alam?"

Na ano? Sinubukan kong hindi masiyadong magmukhang curious. Sinalinan niya ang baso ko at sumenyas siya na inumin ko iyon. Napanguso ako at ininom naman kaagad iyon.

"Hidler's the owner of this whiskey"

For real? And I just realized it by now  where the HDV name comes from.

"Huwag kang magselos. Di ako type ni Hidler noh, naging endorser kasi ako nitong alak niya" natatawang sabi ni Christina, kahit ang boyfriend niya ay nakitawa din, nakatingin kasi sila sa reaksyon ko.

"Baliw"

"Magsabi ka lang, celes, papadalhan ka nito ni Hidler ng karton ng mga alak" si Sergio naman.

"Tss"

"Ayaw mo?"

"No, thank you"

Pansin kong hindi umiinom ng alak si Hidler kahit na inaalok ito ni Sergio. Nakaupo lang siya sa harapan namin at pinapanood kaming magpalitan ng shots.

TrappedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon