Chapter Thirteen

111 4 1
                                    


Patuloy sa pag iyak si Dolores. Pinapaalis na siya ni Hidler dahil bawal iyong ginawa nila. Wala daw iyon sa rules. Kung gusto niya daw manatili sa trabaho ay kailangang ipalaglag ang bata at kalimutan ang relasyon nila ni Lauro. Hindi din naman kaya ni Dolores kaya pinapaalis na siya ni Hidler, kaso saan naman pupulutin si Dolores? Siya pala ang bumubuhay sa pamilya niya. Kaya ganiyan siya katatag na babae.

At may relasyon sila ni Lauro? Kaya ba—O my god! Parang napagdugtong dugtong ko yung mga naiisip ko noon. Parang nagkalabuan sila nang mabuntis na siya at malaman na may fiancee na pala si Lauro. Oo may ibang babae daw talaga at si Dolores ang ginawang kabit.

"Hidler, huwag mo namang gawin ito" lumapit ako sa kaniya at hinawakan siya sa braso. Umigting ang panga niya at matalim akong tiningnan. Parang sinasabi niya sa mga tingin ko na huwag akong makikialam sa trabaho niya.

Nakatingin sa amin si Randolph, Arthur at ang letsugas na si Lauro. Bakit si Dolores lang ang nag sa-suffer dito? Gago ba sila? Parang ang tingin sa akin ng tatlo ay ang tanga ko para makialam at umasa na makikinig sa akin ang amo nila.

"Arkia, don't"

"Alam mo bang illegal ang abortion? Kasi papatay ka ng inosenteng bata? Pano kung anak mo yan?"

"It's not mine, okay?"

"Kaya nga. Eh pano kung ikaw din nasa katayuan niya? Hindi niya din kakayanin kung palalayasin mo. Please huwag mo namang gawin ito"

"It's not in my fucking rules, you can't change my mind" matigas niyang sabi.

Tumayo si Dolores at tiningnan ako na parang pinapatigil ako sa ginagawa ko. Siguro kung kaming dalawa lang dito ay nasermunan na niya ako.

"A-aalis na lang po ako" nahihirapan siyang tumayo at hawak hawak ang tiyan niya.

Naiiyak ko siyang tiningnan. Naaawa ako sa kalagayan niya. Bakit walang ginagawa ang tarantadong Lauro na ito? Talaga bang wala lang sakaniya ito?

Dahan dahang naglakad palabas si Dolores, iika ika. Humikbi ako dahil awang awa ako sa kaniya. Tumakbo ako at sumunod sa kaniya.

"Sasama na lang po ako sa kaniya"

"Arkia!" Galit na tawag sa akin ni Hidler.

"Kung kaya niyong lahat na paalisin siya, puwes ako hindi. Pano pag may nangyaring masama sa kaniya sa labas? Buntis pa naman siya. Ganon ba kayo ka mga walang puso? At bakit siya lang ang pina parusahan mo? Di ba si Lauro din dapat? Ang ga-gago niyo ah" umiiyak kong sabi. Hindi ko kayang panoorin kapag may ginaganito sa harapan ko. Lalo na kapag napalapit na sa akin. Kahit na hindi sweet na tao si Dolores, alam kong nag aalala din siya sa akin minsan.

Inalalayan ko si Dolores na pababa ng hagdan at hirap na hirap.

"G-gaga ka. Bumalik ka doon. Kaya ko ang sarili ko, ikaw ang hindi" nanghihina niyang sabi.

"Sa lagay natin ngayon, mas malakas ako kesa sayo" nagpunas ako ng mukha.

"Konting pahinga lang ito"

Hindi pa kami nakakaapak sa panghuling hagdan ay humarang na sa harapan namin si Hidler.

"Fine. I'll let you stay, Dolores and let you have that baby. Just break up with Lauro"

Natigilan kaming pareho.

"Matagal na silang wala" ako na ang sumagot.

Bumaling ang tingin niya sa akin at tinaasan ako ng kilay. "You're crazy" hinawakan niya ako sa braso at hinila pabalik sa loob ng mansyon.

"Pumayag si boss?"

"Imposible"

"Oo ngaa"

"Ayaw niya lang iwan ni miss Yolanda"

TrappedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon