Chapter Fifteen

106 4 0
                                    


"One, two, three and walk" uminom ako ng tubig at ngumuso habang pinapanood si Aster na istriktong nagtuturo sa mga baguhan sa kaniyang management. "That's good. Turn around. Slowly!"

Napahawak ako sa bibig sa gulat nang matapilok si Ayesha dahil sa taas ng heels na suot suot niya. Kahapon lang kasi sila na recruit kaya marahil ay talagang naninibago pa.

"My god! Ayesha! Step aside muna at i-practice ang suot mong heels. Sinabi ko na, na bago sumabak rito make sure na kaya i handle ang matataas na takong."

"Sorry po." Inalalayan ko siya sa pagtayo.

"Thank you po ate." magalang niyang wika sa akin. Ngumiti lang ako. Bumalik ako sa may gilid ni Aster at pinagpatuloy niya ang pagtuturo sa iba pang mga naroon.

"Diyos ko. Patanga ng patanga ang mga bagong generation ngayon ng modeling."

"Hoy!" Saway ko sa kaniya. Habang tumatagal din umiikli ang pasensya niya. O talagang ganito siya magturo. Hindi naman kasi siya ganito sa akin noon. Nung sumali ako sa pageant nung highschool ako, mabait naman siya. Lalo pa nung tanggapin ko ang alok niyang sumali sa management niya ay doble ang pagiging mabait niyang tagaturo sa akin. Tsaka madali lang naman kasi ang mga pinapagawa niya.

Naaalala ko na naman tuloy kung paano ako tinulungan ni Laster nung panahong lugmok na lugmok ako. Para siyang anghel na naghihintay noon sa akin para sunduin ako at ilayo sa mga taong nanakit sa akin. Hindi niya ako pinabayaan. Sobrang laki ng tiwala niya sa akin na darating ang panahon ay magiging sikat at magaling akong model. Nag iisa lang siyang naniwala sa akin na kahit ako ngang sarili ko ay nagduda ako sa kakayahan ko. Lalo pa nang dalhin niya ako sa Paris kung saan mas maraming magagaling na model.

"A-aster" umiiyak kong bungad nang sagutin niya ang telepono. Nagulat siya nang marinig ang boses kong umiiyak.

"Anong nangyari? Ayos ka lang?"

"N-nagbago na ang isip ko. T-tatanggapin ko na yung alok mo."

"Totoo ba? Nasaan ka? Susunduin kita. Sakto, paalis na ako bukas. Babalik na ako ng Paris para hayaan sana muna kitang makapag isip. Sigurado ka na ba?"

"Oo"

Pinunasan ko ang mukha ko at hinintay ko si Aster sa may boundary ng Cabugao. Tinext ko sa kaniya ang saktong address kung nasaan ako. Ilang minuto din akong naghintay bago ko nakita ang kulay puti niyang sasakyan.

Nakiusap ako sa kaniya kung maaari akong idaan muna sa may Bantay, sa mansyon ni Hidler. Tinuturo ko lang sa kaniya ang daanan. Sa ilang buwan kong pabalik balik dito ay nakabisado ko na ang daanan. Na kahit lakarin ko pa ito ay malalaman ko kung saan ang daan pabalik.

"Gaga ka. Tatakas ka ba? Kapag tayo nahuli dito ni Valentino, talagang iiwan kita. My god! Ayoko pang mamatay. Gusto ko pang gumawa ng pera"

"Mabilis lang po ako. Tsaka walang tao dito"

Sa labas ng gate siya gumarahe at tinakbo ko ang distansya patungong kuwarto ko. Kaagad kong hinanap ang pera kong inipon sa pagco-crochet. Kinuha ko ang iilan kong damit. Yun lang. Baka maakusahan pa akong nagnakaw eh halos lahat naman ito kay Hidler na pera. Isinukbit ko ang backpack at palabas na ako ng kuwarto nang may masipa akong karton na nasa may tabi lang ng pintuan.

Naka gift wrap ito at may nakasulat na 'Happy Birthday, Celestina Arkia' From HDV. Mabilis ko itong binuksan at isang formal na long dress ito at heels. Napaganda ng disenyo ng dress at may mga kristal itong nakapalibot. Bakit ganito-

May narinig akong kaluskos sa baba kaya kinabahan ako. Inayos ko ang bag sa likuran ko at binitbit ko na ang karton na iyon. Total para sa akin naman, sayang kung iiwan ko.

TrappedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon