Hindi na tuloy maubusan ng mapag-chi-chismisan si eve at Chris dahil sa mga ganap ngayon at mas naging proud pa sila sa akin sa pag sabunot ko kay Lorraine kanina. Hindi ko talaga kayang pigilan ang sarili ko at punong puno na ako sa babaeng yun. Hindi pa nga ako nakaka-get over sa naabutan ko kanina sa court tapos may pahabol pa siya na gagawing paninira saakin. Tama naman kina eve dahil kahit ako ay hindi makapaniwala na nagawa ko iyon. Sanay kasi ako na kinikimkim ang galit na nararamdaman. Iba lang talaga ang galit na mararamdaman mo kapag harap-harapan kang niloko ng taong hindi mo aakalain na makakayang gawin saiyo.Nakita namin kanina si Aaron na akmang lalapit sa amin pero sabay-sabay naming iniwasan. Hindi ako makapaniwala na nagawa niya iyon sa akin. Buong akala ko siya na ang pinakamabait na lalaking nakilala ko. Akala ko ang suwerte ko na dahil siya ang manliligaw ko, pero hindi pala. At talagang sa lahat ng mga babae, si Lorraine pa ang napili niya. Minsan ko pa namang naisip na galit din siya kay Lorraine dahil sa mga ginawa nun sa akin simula pa lang. Pero isang pang aakit lang sa kaniya, nalimot niya lahat. Kung nagtataka siya na kinamumuhian namin siya ngayon ay mag isip isip muna siya sa kaniyang buhay.
"Mga beh, kaarawan bukas ni ate Elena. Sama na kayo oh. Sabi niya kasi kung a-attend daw ako, magsama ako ng friends tsaka maa-out of place ako dun"
Palabas na kami ng campus nang sabihin iyon ni Eva. Umiling kaagad ako sa paanyaya niya. Natatanaw ko na rin kina Dolores at hindi ako papayagan nun na pumunta kung saan, lalo pa ngayon na mukhang madalas siyang bad trip. Tsaka nanghihina ang katawan ko sa mga ganap kanina. Gusto kong magpahinga at mapag isa, siguro hanggang bukas pa ito o mga isang linggo bago mawala ng tuluyan sa isipan ko ang nakita kanina.
"Taraa. I'm g!" Si Christina na as usual laging go sa mga gala. Nagtilian silang dalawa at sabay na tumingin saakin.
"Huwag mong sabihing ayaw mo sumama" si Eve sabay taas ng kilay niya sa akin. Pinakita ko lang ang pagod kong mukha at wala ako sa mood na lumabas pa
"Naku, celes. This is the perfect time na sumama ka at kung hindi ka umiinom, iinom tayo. Ano, magmumukmok ka sa kuwarto mo dahil sa ginawa sayo nina Aaron at Lorraine? Samantalang yung dalawa panay harutan. Huwag kang ganiyan, ipakita mo na hindi ka nila maba-bother kahit kailan. Sus, ang ganda ganda mo eh" sunod sunod na talak ni Christina.
"Malay mo pag sumama ka mahanap mo na yung lalaking para sayo at pogi pa"
"Oo nga. Sama na beh"
Kahit naman gustuhin kong sumama kung hindi ako papayagan, ano namang magagawa ko?
Nang hindi pa sila tumigil sa pamimilit saakin ay tinuro ko sa kanila si Dolores at si Arthur na naghihintay sa akin sa may parking lot.
"Bakit ba ang higpit-higpit nila sayo?" Mabilis na nagpaalam saamin si Eve at binilisan ang lakad niya. "Ako ang bahala" nilapitan niya si Dolores na abala makipag-usap sa bago naming driver. Hindi ko alam kung bakit hindi na niya kinakausap si Lauro kaya't si Arthur na ang bagong taga hatid-sundo sa akin ngayon.
"Kapal moks talaga itong si Evangeline kahit kailan" natatawang komento ni Chris habang tinatanaw namin ang kaibigan namin kung paano kalabitin si Dolores at bumulong ng kung anu-ano. Ano kayang kadramahan ang sasabihin niya?
Nakita kong hinagilap ako ng mga mata ni Dolores habang nakikinig sa mga sinasabi ni Eva sakaniya. Kung hindi ako payagan, ayos lang naman. Pero gusto ko din namang sumama dahil kagaya ng sinabi ni Chris, baka kapag nagkulong lang ako sa bahay ay mas isipin ni Lorraine na sobrang apektado ako sa ginawa nila sa akin. Eh di mas lalong matutuwa yun na nagtagumpay siya sa lahat ng kasamaan niya sa buhay. Kaniyang kaniya na si Aaron kung gusto niya dahil wala na akong balak na makasama pa ang lalaking yun. Pakialam ko ba sa kanila.
BINABASA MO ANG
Trapped
AcakShe's an orphan and just wanted to live a normal life, when her cruel aunt sold her to a billionaire/stranger that she doesn't even know even just a single information. Standing in the middle of the big unfamiliar mansion, that's the moment she knew...