Chapter Sixteen

64 3 0
                                    


"Remember, Duncan? Yung pomo porma sayo noon sa Paris. Nandito din siya sa BGC. Nagkasalubong kami kanina, hinahanap ka" ani Aster habang abala siya sa paghahalo ng kaniyang kape. Bumuntong hininga lang ako at umiling.

"Hindi ako interesado sa kaniya" mahinang boses kong sagot habang karga karga ko si Homer at pinapatulog sa braso ko. Pagod na pagod siya sa pakikipaglaro sa anak ni Cecil. Kung hindi pa sinundo si Cecil ng asawa ay hindi pa titigil ang dalawang bata sa kaka pasaway.

Matanda lang ako ng isang taon kay Cecilia pero mas maaga siyang nagkaanak kesa sa akin. Sobrang natakot daw siya noon na ipapakasal siya ni tita shin sa matandang lalaki kahit na sobrang bata niya pa. Kaya mas pinili niyang magpabuntis sa nobyo niya noon kaya siya pinalayas, pati si Cindy na sobrang bata pa ay dinamay. Nasa highschool pa lang ngayon si Cindy at sobrang pasalamat niya nang natagpuan ko sila dahil nakapag aral ulit siya sa halip na nagbabanat ng buto sa murang edad.

Sa mga naging lagay namin noon ay masasabi kong mas masuwerte pa pala ako sa kanila. Maayos yung buhay na napuntahan ko. Maayos ang trato sa akin ng mga tauhan ni Hidler, lalo na si Dolores. Kamusta na kaya sila? Ano kayang naging reaksyon nila nang malaman nila na lumayas na ako? Marahil ay nagpa party ulit si governor dahil successful yung pagpapaalis niya sa akin.

"Eh kanino ka interesado?" Pukaw ni Aster sa mga iniisip ko.

"Wala. Masaya ako sa mga nangyayari sa buhay ko. Tsaka bakit pa ako mag aasawa eh may anak naman na ako"

"Alam ni Duncan na may anak ka na, tanggap niya naman ah"

"Eh ano naman?"

"Alam mo, Celestina, minsan hindi talaga kita maintindihan. Ang ganda ganda mo nga, one of the highest paid model simula nung mag debut ka. Pero di mo ba nami-miss yung may nagpapaligaya sayo gabi-gabi kagaya nung pinaranas sayo ni—"

"Bahala ka sa buhay mo, Laster" inis kong sabi sa kaniya. Tinalikuran ko na siya bitbit ang natutulog kong anak.

"Sino si Laster?! Hoy!" Sigaw niya.

Ganito na kami kakomportable sa isa't isa na kayang magbiro ng mga ganitong bagay. Sanay na siya sa akin at syempre sanay na din ako sa kaniya. Nung naninibago pa lang ako sa kaniya ay hindi ako ganito kakomportable tuwing nagbibiro siya. Pero ngayon ay kinasanayan ko na lang. Ganito talaga siya magbiro. Kahit nga si miss Tessa na boss niya ay kaya niyang biruin ng kung anu anong maruruming bagay.

Dumating si Cindy galing school at kahit halata sa mukha niya ang pagod ay kinuha niya sa akin ang anak ko para siya na ang maglagay sa kuwarto. Mahina akong nagpasalamat dahil may hinihintay din akong bisita. Maingay pa naman ang mga iyon at baka magising pa si homie at iyakan ako.

Naikuwento sa akin ni Cindy minsan na nakita daw niya si tita Shenshi at sinabing nais ako makita at makausap. Mabait daw ang awra nito at nakangiti sa kaniya kaya mas creepy daw tuloy tingnan. Sabagay kailanman ay hindi iyon ngumiti sa amin. Laging galit kahit na anong gawin naming pagsunod sa gusto niya.

Masiyadong mabilis kumalat ang balita lalo pa't madami ang endorsement ko sa television pati na rin ang mga nakahubad kong larawan sa magazine ay marahil nakita na nila. Hindi na ako magugulat na alam na nilang malayo na ang narating ko.

Alam ko naman na pera lang ang habol ni tita shin kaya niya ako hinahanap kay Cindy. Sinabi ko na lang sa kapatid ko na sa susunod na makita niya ay ibigay na lang ang numero ko para magkita at magkausap kami ng maayos. Kahit na ganun ang trato niya sa aming magkakapatid noon ay hindi ko ugaling magtanim ng sama ng loob sa isang tao. Total ayos naman na ako ngayon. Kung pera ang hihingiin niya ay ibibigay ko kaagad.

Nagpapasalamat pa din ako sa kaniya dahil isa siya sa mga naging dahilan kung bakit naabot ko ang mga bagay na meron ako ngayon. Siya ang unang tumulak sa akin palayo. Tinulak ako patungo sa ibang lugar para doon gumawa ng panibagong buhay kasama ang mga taong hindi ko lubos na kilala. Kung hindi nga naman dahil sa kaniya ay baka nabulok lang ako sa Tondo kasama siya. Baka miserable na ang buhay ko ngayon kasama ang matandang lalaking ipapakasal niya sa akin kung nagkataon.

TrappedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon