Chapter Seventeen

110 4 1
                                    

Kahit kailan hindi ako nawalan ng kumpiyansa sa sarili ko habang naglalakad sa gitna ng entablado. Ngayon lang. While he's watching me darkly and intently. Di ko kinayang magpanggap na malakas ang loob ko dahil sa tingin niya pa lang ay parang nanlalambot ang tuhod ko. Para akong mawawalan ng balanse kaya kahit na nais ko pang magtagal sa gitna ay kaagad kong tinapos ang pagrarampa.

Mabilis akong napahawak sa dibdib ko nang makabalik ako sa back stage. Akala ko ba mga CEO ang mga nasa VIP ngayon? O baka CEO naman talaga siya. I can still remember how insanely rich he is. Oh Lord, hindi ko inaasahan na makikita ko siya doon. What is he doing here?

Nang sabay sabay kaming rumampa pagkatapos ay halos hindi ko magawang maglakad ng maayos. Iniisip ko na sana matapos na kaagad ito. Nang i-announce ng host na tapos na ay nauna na akong bumalik ng back stage at dali daling umalis doon. Nagpalit kaagad ako ng damit, yung dress na bigay ni Aster na halos kita ang buong kaluluwa ko sa sobrang ikli at sleeveless pa.

"May after party daw." rinig kong sabi ng ibang mga model. Hindi na ako a-attend. Usually kapag ganitong may mga after party pagkatapos ng fashion show ay si Aster lang naman lagi ang kasa-kasama ko. Lagi niya akong sinasamahan. Pero ngayon kahit samahan niya ako ay uwing uwi na ako. Nasaan na kaya iyon? Naka ready na ako't lahat pero si Aster naman ang hindi ko mahagilap. Sabi niya hihintayin niya lang ako dito sa backstage pero wala naman siya.

"Celestina, pupunta ka sa after party?" Tanong sa akin ng isa sa mga model. Gulat muna akong napatingin sa kaniya at nag isip saglit ng isasagot.

"Hindi ko sure. Hindi ata"

"Bakit?"

"Inaantok ako" mahina akong tumawa at tumango lang yung babae.

Sinubukan kong tawagan si Aster at nagri ring naman ang phone niya. Habang naghihintay akong sagutin niya ang tawag at nakatingin ako sa may pintuan ay bigla naman siya doong pumasok. Nakahinga ako ng maluwag at  tinigil ang pagtawag sa kaniya.

Nagulat lang ako dahil mukhang nagmamadali siya. Parang pumunta lang dito para may sabihin sa akin.

"Saan na yung mga gamit mo?" Tinuro ko yung maliit kong backpack na nakasabit na sa balikat ko. "Halika muna."

Hinila niya ako patungo sa may malayo sa matatao. Tumigil kami sa may hallway at nagtataka ako nang hawakan niya ako sa balikat at tiningnan ako sa mga mata.

"Listen, Celestina. May gustong kumausap sayo, isa sa mga CEO na attendees kanina —"

"Aster—" umiling na kaagad ako sa paunang sinabi niya pa lang.

"Teka lang. Kakausapin ka lang naman. Tsaka hindi na tayo pwedeng tumanggi dahil nauna ng nagpaalam kay Tessa, mahal ang binayad basta daw makausap ka lang ngayon."

"Laster! Uuwi na ako!" Pinandilatan ko siya ng mga mata.

"Don't worry, after nito magsha shopping tayo bukas." ngumiti siya na parang ang dali lang nito sa kaniya at pinisil pisil pa ang pisngi ko.

"Sa tingin mo maaakit mo ako niyan?"

"Bilisan mo na. Mas madami ang pera natin na mauuwi bukod pa sa kinita mo kanina sa pagrampa. Nandito siya sa dressing room, pumasok ka na lang at mauuna na ako sa Taguig, naghihintay si Keith." at nagkabati na pala sila kaya good mood na naman.

"Iiwan mo ako?! Nababaliw ka na ba, Laster? Ayaw mo akong papuntahin sa club pero binubugaw mo naman ako."

"Anong ayaw papuntahin? Sabi ko kailangan muna nating palampasin itong fashion show. Tsaka anong binubugaw? Anong akala mo sa akin manager ng mga pokpok? Kakausapin ka nga lang eh. Baka madami kayong kailangang, I catch up like you know." natatawa niyang sabi at kahit na sinisigaw ko ang totoo niyang pangalan ay wala siyang pakialam. Basta na lang niya ako doong iniwan.

TrappedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon