We stepped out of the farmhouse so that he could teach me how to ride the horse. First thing, pinakilala niya ng maayos sa akin ang alaga niyang kabayo. He said its name, Acasia. Maswerte daw ako at mabait ito, hindi mahirap amuhin.
Hinahaplos niya ng paulit ulit si Acasia at ganun din ang ginagawa ko para mabilis ko siyang makapalagayan ng loob. Sinabi niya pang hindi naman daw mahirap mangabayo. Siguro dahil sanay na siya sa mga ganitong activity. Samantalang ako ay walang alam sa mga ganito kaya mahirap talaga itong matutunan.
"Just don't be scared" wika niya bago ako isampa mag isa sa kabayo. Nakaalalay siya sa baba habang ako ay natatakot na dito sa ibabaw na baka tumakbo ito bigla.
"Nakakatakot!"
"You don't wanna look terrible in your photoshoot, do you?" Natatawa niyang sabi.
"Sabayan mo kaya muna ako. Baka tumakbo na lang ito bigla"
"Just hold the rope if it runs"
"Hidler!" He barked a laughter and I bet he's enjoying it how afraid I am right now.
Sumampa din naman siya at dahan dahan niyang pinatakbo ang kabayo. Paikot ikot lang dito. Sanay na sanay na siya na parang wala na lang sa kaniya kahit na mahulog pa siya ngayon. Ilang beses kaya dapat mahulog dito bago ko maging kasing galing siya mangabayo?
"By the way, I like your necklace. Did you buy that?" Napatikhim ako nang magsimula siya ng mapag uusapan habang paikot ikot lang kami dito sa may dulo ng lupain nila. Siguro iniisip na niya ngayon na siya itong pendant na suot suot ko.
"A gift from Cindy. So parang galing na din naman sayo dahil sayo galing yung perang pinambili niya"
"Really? She's so thoughtful. I thought she'll prioritize her personal needs"
"Oo ganoon talaga yun lagi."
"So how did she know my full name? She's now already my favorite sister-in-law"
"Aba malay ko. Tsaka anong sister-in-law?" He chuckled and didn't answer back.
Sobrang nakaka enjoy din naman pala mangabayo lalo pa kapag gustong gusto mo ang nagtuturo sayo at pogi pa, hindi ka mabo-boring. Kahit naman na alam niyang takot ako ay nagtiyaga siya na dahan dahan akong masanay sa loob ng ilang oras. I didn't know that he has this kind of long patience of teaching someone. Hindi naman kasi siya nagagalit kapag nagrereklamo akong natatakot sa tuwing iniiwan na niya ako mag isa.
Alas dose na ng tanghali at nagyayaya na siyang bumalik para kumain na, pero ayoko pa dahil gusto kong matuto bago kami bumalik. Tama naman siya, ayoko namang magmukhang tanga sa photoshoot namin. Baka tanggalin ako kaagad ni ma'am Tessa at palitan na yung mukha ko sa kaniyang kompanya. Hinayaan lang niya ako. Nakaalalay siya sa baba habang tuwang tuwa ako na dahan dahang nangangabayo at unti unti nang natututo.
"O my God! Ang bait ni Acasia!"
"Told you"
Nang makita niyang medyo marunong na din ako ay sumampa na siya sa may likuran ko para bumalik na kami sa mga kasamahan ko. Sobrang nakakarelax maglibot libot sa farm ng ganitong oras tapos nakasakay ka pa ng kabayo. Feel na feel mo ang pagiging haciendera at mayaman sa sobrang peaceful ng buhay. Sana may ganito din kami. Hindi puro building at city lang ang nakikita. Kaya marahil sobrang kontento na ni Hidler sa buhay niya dahil ang ganda ganda talaga ng buhay na meron siya. Wala na siyang hihilingin. Ito yung uri ng pamumuhay na madalas na pinapangarap ng lahat.
Pagkarating namin sa dating puwesto ay naroon na silang lahat. Nag uusap usap. Napatingin sila sa amin nang mamataan ang paparating na kabayo. Bumitaw din ako sa mahigpit na pagkakahawak sa braso ni Hidler para iwas issue. Pero sa mga tingin pa lang ng bawat isa sa kanila ay parang jinu-judge na nila kami.
BINABASA MO ANG
Trapped
AcakShe's an orphan and just wanted to live a normal life, when her cruel aunt sold her to a billionaire/stranger that she doesn't even know even just a single information. Standing in the middle of the big unfamiliar mansion, that's the moment she knew...