Chapter Twenty

93 3 1
                                    


Iyon pa rin ang laman ng utak ko hanggang ngayon. Parang bumalik lang ako sa pagiging seventeen years old dahil ganitong ganito ang pakiramdam ko sa kaniya noon. Am I still not over? Because I'm too freaking obvious. Kaya ang dali kong mabilog at maloko dahil ganito ako palagi sa kaniya. Isang hawak niya lang, tumitiklop kaagad ako.

Nagpapatulong ako ngayon kay Aster na i arrange ang mga laruan ni Homie sa kaniyang playroom. Masiyadong makalat kasi kapag sa living room siya naglalaro. Ang dami niyang biniling laruan sa anak ko kahapon, dagdag pa itong malalaking kotse na kanina pa gustong sakyan ni Homie. Baka kung sa sala niya ito patakbuhin ay mabangga niya ang mga gamit doon.  Tapos ang mamahal pa ng lahat ng ito. Iba talaga kapag siya ang gumagastos, talagang sobra sobra.

"Nagkita ba kayo kahapon ni Valentino?" Tanong ni Aster. In the end, nalaman niya din sa pinsan niyang si Eva na galing akong Ilocos Sur kahapon. Hindi nga ako nagkamali, inasar asar din ako ni bakla. Mas malala pa naman siya mang asar kumpara kina Christina. "Asus, ayaw pa aminin. Yung totoo bakit ka pumunta ng Ilocos kung nagrereklamo kang ayaw mo makita si governor?"

"Tama na nga teh"

"Gusto mo din makita eh"

"Guest nga ako sa event nila, di ba?"

"Sus ang dami mong tinatanggihang provincial events kapag naiimbita ka, tapos sa Ilocos Sur biglang nakisingit ka sa list of guests?"

Bwisit. Pati ba naman yun sinabi pa ni Eva? Pare pareho lang talaga sila. Kahit saan na lang ako magpunta ay ganito na lang ako kung asarin. Sa inis ko ay pinalabas ko ng playroom si Aster at sinabing ayoko na magpatulong. Tawang tawa lang siya habang nililisan ang kuwarto. Nakakunot noo ako habang mag isang inaayos ang mga laruan ni Homie.

Lumingon ako sa may pintuan at nakita ko ang anak ko doong nakasilip at hawak hawak ang train niyang laruan. His innocent-curious look is so cute. Nagtataka ata siya kung bakit ako galit at bakit ko pinalabas ang tita Aster niya.

Napangiti na lang ako at tumigil sa ginagawa. I motioned him to get inside. He walks towards me with his small steps.

"Are you mad at tita Aster, mama?" Malungkot niyang tanong sa akin. Ngumiti ako sa kaniya at umiling.

"Of course not, baby. Mama is just tired and tita Aster is so makulit."

"So you get mad at me too if I'm being makulit?"

"No. Mama can't get mad at you"

Tumango tango siya at ngumiti na parang nakampante siya sa sagot ko. He looks so much exactly like his dad when he do that. Oh God! This child in my arms is the main reason why I can't get over with Hidler. Parang araw araw ko lang din siyang kasama at araw araw ko siyang naaalala. Every simple moves of Homie always reminds me of his father. Pero hindi ko kayang magalit sa kaniya kagaya ng galit na nararamdaman ko sa tatay niya, he's just an innocent child and clueless about our history.

I played with my son for an hours. I promised that I'll spend half of my time today with him. Kung alam ko lang talaga na hindi din naman na tatanggapin ni Hidler ang bayad ay hindi na ako nagpakahirap at nagpakatanga sa paghanap ng pera. Hindi ko na din sana tinanggap ang bagong endorsement. Talagang sigurado siya na hindi ko iyon mababayaran kaya binigyan niya ako ng pagkakataon na makabayad kahit isang araw lang ang palugit. Hanggang ngayon kilalang kilala niya pa rin ako. Alam niyang hindi ko iyon magagawang sabihin sa manager ko.

"Run mama!" Homie's contagious laugh is echoing inside this room. He's using and driving his car off-road toy to chase me while I'm running around the room and panting. Sa sobrang lampa ko ay ilang beses niya akong nabangga sa paa ko. I'm pretending that it didn't hurt since for sure he'll feel bad and will stop playing with me. Sa sobrang sakit ng paa ko ay hindi na ako makatakbo ng maayos kaya nabangga niya ulit ako. Nagpanggap akong napapagod na at napahiga sa may soft ball pit na maraming mga plastic little balls.

TrappedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon