Chapter Fourteen

127 5 2
                                    


Nagising ako ng sobrang sakit ng ulo at katawan. Nagsimula akong maiyak sa takot nang mapansing mahigpit akong nakatali sa upuan. Papatayin ba nila ako? Sino ba ang mga lalaking ito? Wala akong ginagawang masama pero bakit ako nandito?

Mukhang luma at abandonado na ang lugar na ito kaya marahil ay liblib na lugar na ito sa Ilocos Sur. Walang pupunta sa ganitong klase ng lugar para lang iligtas ako. Ito na ba ang katapusan ko? Hanggang dito na lang ba ako? Simula ng pumasok ako sa panibagong buhay dito kasama kina Hidler ay tanggap ko naman na kahit anong oras ay maaaring may mangyaring masama sa akin. Ngunit sa mga oras na ito ay hindi ko tanggap. Hindi ko tanggap na ngayon na ako mamamatay.

Patuloy ako sa pag iyak at mabuti na rin at mukhang walang tao dito malapit sa akin. Paniguradong maiinis sila sa ingay ko. Mas natatakot pa ako na baka gahasain nila ako bago patayin. Ayokong mamatay na sobrang duming babae.

Napansin ko na mayroong orasan na nakasabit sa dingding malapit sa akin. Pilit ko itong inaninag at mas natakot ako nang makita na alas dies na ng gabi.  Baka isipin ng mga tao sa mansion na tumakas na ako at nagpakalayo layo na at hindi na nila ako hanapin. Pano kung hinayaan na lang nila ako?

Sana pala nagpasama na lang ako kina Eva na maghintay. Sana hindi ako sumama. Sana tumakbo na lang ako nang pilitin nila akong sumama kanina. Puro sana. Hindi ko naman na iyon mababalik dahil desisyon ko ang nagdala sa akin dito. Kung subukan ko namang tumakas, paniguradong mamamatay pa rin ako. Mahigpit ang tali sa kamay ko at hindi ko alam kung saang lugar ito. Kabisado nila ang lugar samantalang ako ay maliligaw lang at kung saan pa mapapadpad.

"Manahimik ka diyan. Maya maya ay papaligayahin mo daw si boss. Kaya humanda ka na" lalo lang lumakas ang iyak ko nang sabihin iyon ng isang tauhan na biglang pumasok sa kung nasaan ako. Rumo-ronda siya kahit gabi na. Wala talaga akong takas dito.

Hahayaan ko na lang ba na dito matapos ang buhay ko? Na wala man lang akong ginagawa para subukan na iligtas ang sarili. Sabi nga ni papa sa amin noon na, de bale ng mamatay ka ng lumalaban, huwag lang mamatay ng walang kalaban-laban. Hindi ko pa iyon naiintindihan noon. Ang mini-mean niya dun dati, ay dapat may ginagawa ka para solusyunan ang problema mo hindi yung hinihintay mo na lang na kainin ka ng problema.

Sinubukan kong magpakatatag. Nilibot ko ang tingin sa buong paligid para i check kung nandito pa ba yung lalaking nagbabantay. Nang makita kong wala ay sinubukan kong tanggalin ang tali sa kamay ko ngunit napangiwi lang ako sa sakit na dulot nito. Baka kapag pinilit ko ito ay maputol ang kamay ko dahil sa higpit nito. Pero sinubukan ko ulit, walang mangyayari sa akin kung—

Nagulat ako nang makarinig ako ng matinding putukan sa labas ng lumang gusaling ito. Nabuhay na naman ang kaba sa dibdib ko. Nagpapatayan na ba sila? Umiyak na naman ako habang pilit pa rin na tinatanggal ang tali sa kamay ko. Kapag nakapasok silang lahat dito ay maaari akong mamatay.

Gusto kong takpan ang tenga ko dahil patuloy ang palitan ng putukan sa labas. Ilang segundo itong tumigil at maya maya ay barilan ulit. Nagulat ako nang pumasok yung lalaking rumu ronda kanina. Akala ko lalapitan niya ako pero sumisigaw siya patungo sa kabilang kuwarto.

"Boss. Boss. Pinasok tayo!" Ang daming nag react sa kabilang kuwarto sa narinig.

"Marami?" Rinig kong tanong ng isang lalaki.

"Isa lang po"

"Gago ba kayo? Eh di patayin niyo. Labas na!" Sigaw ng boss sa lalaki. "Mga bobo. Isa lang pala, magsusumbong pa."

Walang nagawa ang lalaking tauhan kundi bumalik sa labas at makipag palitan ng putok ng baril. Pumikit na lang ako at nagdarasal na sana matapos din ito. Sana makalabas pa rin ako ng buo at buhay sa gusaling ito. Sana hindi pa ito ang katapusan ko. Pinapangako kong magiging mabait na akong tao. Susunod na ako lagi sa lahat ng gusto ng mga tao sa paligid ko. Huwag lang akong mamatay ngayon. Ang dami ko pang gustong gawin. Ang dami ko pang pangarap sa buhay. Gusto ko pang mahanap ang mga kapatid ko.

TrappedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon