Chapter Six

130 4 1
                                    


Todo hiyawan ang mga lalaki nang i-announce na swimming attire na ang susunod. Gusto ko ng tumakbo paalis dito at magkulong na lang sa kuwarto. Hindi man lang ako sinabihan ni Dolores na magiging judge ngayon ang boss niya. Sinabi ko kasi sakaniya kanina nang malaman ko iyon, hindi naman siya nagulat. Mukhang inaasahan na niyang mangyayari ito ngayon. Kahit na alam kong wala lang iyon kay Dolores pero pakiramdam ko, pinagtaksilan niya ako. Pwede niya naman akong warning-an bago ako pumunta dito pero hindi niya ginawa.

Nag-o-overthink pa naman ako dahil sa hindi ako nakapagpaalam kay Hidler kasi hindi ko naman siya nakita ng ilang linggo kahit nung nag-eensayo pa lang kami para dito. Ang galing talaga makipaglaro ng panahon. Dito ko pa siya makikita eh ilang araw ko siyang inabangan na matiyempuhan man lang kahit saan.

Kailangan kong mag focus ngayon. Nai-survive ko na ang ilang mga pag-rampa kahit na alam kong nandiyan siya. Ilang set na lang, matatapos din ito.

Black na one piece at kitang kita ang likod ko sa suot ko ngayon. Ito ang napili ni Aster para saakin. Pina-try na din naman niya sakin ito para hindi na bago sa pakiramdam ko pagdating dito. Pero bakit parang wala lang lahat ng mga practice namin nitong buong linggo? Pakiramdam ko nasira lang lahat ng iyon dahil sa presensya ni Hidler.

"Candidate number 5" since girls muna ang inuna ay paniguradong ako na yan. Nang marinig ng audience ang number ko ay hindi magkamayaw ang hiyawan para saakin. Pinilit ko ang sarili kong huwag tumingin sa may pinaka unahan. Ngumingiti ako at taas noong naglalakad na parang hindi kinakabahan sa mga oras na ito.

"I love you, Celestinaa!"

"Ang sexy mooo, akin ka naa"

"Babyyy"

Kung anu-anong mga hiyawan ang naririnig ko sa dagat ng mga manonood ngayon. Kahit na nakakaramdam ako ng hiya dahil alam kong pinapanood ako ni Hidler ay pinapalakas naman ng mga nagche-cheer saakin ang loob ko.

Ngiti dito. Ngiti doon. Ang daming flash ng camera at mga nag-vi-video. Nakaka-conscious pero sabi ni Aster isa iyan sa mga bagay na dapat masanay ako. Sa oras na lumabas ako dito at magpakita sa mga tao, dapat handa din ako sa mga magiging opinyon nila para saakin.

Dapat daw tumingin din sa judge dahil sa kanila nagpapa-impress. Kahit isang tingin lang. Tiningnan ko sila isa-isa habang nakangiti. Kahit na malayo ako sakaniya ay tagos sa buto ko ang diin ng mga titig niya saakin at sa katawan ko. Hindi siya umiiwas ng tingin habang pinapaikot-ikot ang ballpen sa daliri niya.

Siguro iyon na ang huling beses na tumingin ako sa kaniya sa buong pageant. Hindi na ako sumubok muli na nakipagtitigan dahil natatakot ako na bigla na lang bumigay ang tuhod ko.

Hanggang sa umabot sa question and answer. Sobrang pasasalamat ko na nakaabot ako sa top five. Buong akala ko hindi na ako aabot dito dahil sobrang bothered ako sa presensya ng isa sa mga hurado ngayon. Iniisip ko na naman na pagagalitan niya ako maya-maya. Ano na naman kaya ang parusa na gagawin niya. Ayoko ng ma-grounded dahil humahabol pa lang ako sa mga lessons na na-missed ko nung last last week.

Habang nakikinig sa mga katunggali ko ngayon na pinapabunot ng tanong ay nawawalan na ako ng pag asa. Ang gagaling nila mag deliver ng speech answer. Ang dami pang cheerer at supporters. Nakatayo lang ako, magkatabi kami ni Aaron. Parehong kinakabahan. Sino bang hindi kakabahan dito eh mukhang sanay na sanay na sa mga ganito ang mga kalaban namin.

Hanggang sa matawag ang numero ko. Dahan dahan akong naglakad palapit sa host.

"Hello again, miss Celestina. How are you feeling?" Nakangiti niyang bati saakin. Kanina ko pa napapansin ang host na ito na kapag ako na ay panay tanong ng kung anu-ano, samantalang yung ibang model pinapabunot kaagad ng tanong.

TrappedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon