Chapter Twenty-nine

91 5 2
                                    


Pagkarating ko ng condo unit ay nakaabang kaagad sa living room si Homer. Kasama niya ang tita Cindy niya. Niyakap ko siya at paulit ulit na hinalikan sa pisngi bago siya pinakawalan.

"I missed you so much, baby" I said it sweetly and he smiled in a very cute way.

"I missed you too, mama" pagkasabi niya nun ay natawa na lang ako dahil pasalubong kaagad ang hinanap niya matapos naming magyakapan.

Inilapag ko ang mga pasalubong ko sa kanila at tinulungan siya ng tita niya na buksan ang mga ito isa-isa. Both of them are so excited to find out what's inside.

"Nasaan ate si ate Aster?" Tanong ni Cindy.

"Dumaan sa boyfriend niya" hindi ko din alam ang problema ni bakla kung bakit ayaw na sumama sa akin pauwi dito sa condo. Sabi niya lang, gusto niya makasama ang boyfriend niya palagi kaya doon sila sa bahay niya na tumitira. I respect her decision; they need privacy tho.

Tuwang tuwa kina Homie at Cin sa dami ng mga pagkain na binili ko at lahat yun matatamis. Pero mas tuwang tuwa si Homer sa kaniyang bagong train set na ang mahal mahal. May bago na naman daw siyang pagdidiskitahan. Thanks to Hidler dahil pinagpilitan niyang bilhin yan kahit ayoko ng kunin sa sobrang mahal.

Nagpaalam muna akong magbibihis at magpapahinga dahil nakakapagod sa biyahe. Iniwan ko silang dalawa na kumakain habang nanonood ng TV. Gustuhin ko man silang sabayan ngayon ay para akong hinihila ng kama  sa antok na nararamdaman ko ngayon. Ganito ako lagi kapag galing akong trabaho. Masiyado akong nami-miss ng kuwarto at kama ko.

Matapos kong mag hot shower ay nagbihis lang ako ng pantulog at binagsak ang katawan sa kama. Hindi pa man ilang minuto ay nakatulog kaagad ako. My body needs it so damn much today; a good rest.

Nagising na lang ako ng may nakayakap sa akin. Kinusot ko ang mga mata ko at bumungad sa paningin ko ang nakangiting mukha ni ni Homie. My little angel is being sweet again. Hindi siya madalas na pumupunta dito sa kuwarto ko. Ako lagi ang nauunang bumisita sa kaniyang kuwarto especially every morning.

"Good morning mama. Your cellphone is so noisy, it keeps ringing." morning? Umaga na kaagad. Ganoon kahaba ang naging tulog ko kahapon. Can't believe it.

Inabot ko ang cellphone ko na nasa table at nakitang alas siete na ng umaga. Sabi ko gigising lang ako ng gabi. Masiyadong napasarap yung tulog ko dahil naabutan na ako ng umaga. Nakailang missed calls si Hidler kagabi at kaninang alas sais ng umaga. O my God! Do I need to call him too and inform him that I fell asleep? Or maybe I'll just wait for him to call again. I don't know, nahihiya naman akong tumawag sa kaniya.

Iniwan ko muna ang anak ko para maghilamos at maglinis ng sarili. Pagkatapos ay kinarga ko na siya at lumabas kami para magluto ng almusal. Sa haba ng tulog ko ay napabayaan ko na naman siya. Morning person pa naman siya at siguro kanina pa siya gising.Just like his dad.

Pumunta na ata ng school si Cindy dahil anong oras na din. Nakakakonsensya na hindi ko man lang na naipagluluto ng almusal si Cin o binibigyan ng pera tuwing may pasok siya. Masiyado na ata akong pabayang magulang. Siguro kailangan ko muna ulit na maging taong bahay ngayon ng mga ilang araw para mabantayan naman silang dalawa.

My son keeps talking while he's sitting on one of the chairs as I cook our breakfast. Siguro nagugutom na siya and like I said masiyado akong pabayang ina. Minamadali ko na lang ang niluluto kong sinangag, bacon, at itlog. Sabay kaming kumain ni Homie dahil nagugutom na din naman ako. Hindi ako nakakain kagabi dahil sa sobrang pagod. Wala akong pahinga, sunod sunod ang trabaho ko nitong mga nagdaang araw.

Pinaliguan ko na si Homie matapos naming kumain at maya maya pa ay dumating na nga ang tutor niya. He seems excited to learn something again today. Kahit na ganito lang ang way ng pag aaral niya as a pre-school child ay nakikita kong mabilis siyang matuto at maka adapt ng mga new learnings. What more pa kaya kung pumapasok siya sa school araw araw.

TrappedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon