CHAPTER 23: UNINTENDED VOICES

4.1K 112 53
                                    

CHAPTER 23: UNINTENDED VOICES

"We have ahm ..a team building here." Actually it took a while bago nya nasagot ang tanong ko.

What a coincidence na dito rin ang place ng team building ng Liondelle Corp. And to think na present ang CEO nila sa isang team building. I guess hindi ko pa talaga alam ang kayang gawin ng isang Cross Liondelle.

"How 'bout you?" Dumaan sya sa harap ko at umupo sa kabilang sun bathing chair.

"Ako? Hmn.." Lumanghap muna ako ng sariwang hangin bago tumingin sa kanya at nagpatuloy magsalita. "Corner sa isang unexpected trip."

I tried my best para makangiti but I know it came out as a sarcastic one.

He smiled too. And as I was staring at his face, hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sa labi nya.

Sh*t! Naalala ko tuloy yung nangyari sa family day sa school ni Gun! Hala! Nagkakasala ako neto eh!

I bit my lower lip as I looked away.

Biglang lumakas ang tibok ng puso ko. I know kinakabahan lang ako. Tense.. I mean awkward kase ang situation! Hala ano bang nangyayari sa akin?!

Ganun na ba ang epekto ng presence niya sa akin ngayon?!

"You're with Kelvin?" I heard him asked.

"O-oo. Kasama din namin si-- Gun?" Napatayo ako nang hindi ko mahagilap sa paligip si Gun.

"Is there something wrong?"

Halos ma-out of balance na ako sa pag-ikot sa paghahanap kay Gun.

I caught my breath nang makita ko syang tumatakbo papasok sa restaurant na katabi lang ng lobby.

"Gun!" Ni hindi na ako nakapagpaalam kay Cross. Tumakbo na ako papunta sa pinasukan ni Gun.

Nadatnan kong naka-upo na sa isang table na malapit sa counter bar si Gun, kasama ang Daddy nya.

Ugh.. so kaya pala sya tumakbo. Nakita nya pala si Kelvin.

"Mommy! Over here!" Winawagayway ni Gun ang dalawa nyang kamay sa akin.

Pagkalapit ko otomatikong tumayo si Kelvin at inisod ang upuan sa tabi nya.

I ignored him. Dun ako umupo sa tabi ni Gun.

Bumalik sa pagkakaupo si Kelvin with a disappointed look.

"Mommy I want pancakes!"

Pinagmasdan ko ang mga pagkain na inilalapag ng waiter sa table namin.

Sheez walang pancake.

"They don't have pancakes here." I heard Kelvin said.

"But I want pancakes mommy! Pancakes pancakes!"

I gasp at napasandal na lang ako as I realized na hindi titigil si Gun hanggat hindi nya nakakain ang gusto niya. Halos araw araw kase pancake ang kinakain nya sa umaga. Kahit nga sunog ang luto ko kinakain pa rin nya.

"Gun?! You eat what's on the table okay?!" As expected, si Kelvin lang ang nakakasaway sa kanya.

Tumigil sa pagsigaw ng pancake si Gun. Umupo sya nang maayos at nakapout na kinuha ang glass of milk.

Somehow.. Namiss ko itong scene na to. Ang ma-otoridad na tono ng boses ni Kelvin kapag makulit si Gun.

I didn't touch any of the food na nasa table. Pinapanood ko lang kumain si Gun. Same with Kelvin. Pansin ko na hindi nya rin ginagalaw ang pagkain sa harap nya. Hindi ko lang sigurado kung kanino siya nakatitig. Kay Gun ba o sa akin.

Triple Danger: Treacherous Couple! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon