CHAPTER 6: THE SHOW

4K 115 20
                                    

CHAPTER 6: THE SHOW

Classical music playing ♪

I'm dancing with my ex kidnapper while staring at my husband.

Kasayaw nya ang babaeng ipinakilala nya bilang asawa nya.

This is the worst birthday gift ever.

Gusto ko ng matapos ang gabi.

Gusto ko ng makausap si Kelvin.

Somehow, may natitira pa ding pag-asa sa puso ko na may dahilan sya kung bakit nya ito ginagawa sa akin.

Until I noticed na nasa gilid na namin ni Cross ang dalawa.

Nagtama ang mga mata namin ni Kelvin.

He suddenly stopped dancing.

Tinanggal din nya ang kamay nya sa beywang ni Thea.

At aktong lalapit na sana..

Pero hinila ako ni Cross palayo.

And yet, I can still see him kahit na nahaharangan na sya ng mga sumasayaw.

Nawala lang ang tingin ko kay Kelvin nang pumalit si Niegel kay Cross bilang kasayaw ko.

"Are you okay?" I heard him asked.

Umiling na lang ako as an answer. Iyon naman talaga ang totoo eh.

"I'm sorry. I didn't know na magiging ganito ang situation. Hindi na dapat kita dinala dito."

I closed my eyes as I remembered something.

"Niegel, pinasundo ba talaga ako ni Kelvin?" I said pagkamulat ko.

Iniba nya ang direksyon ng tingin nya.

Okay.

I got it.

"I' m sorry Glazy--"

"Don't be. Kung hindi dahil sayo baka naghihintay pa rin ako na parang timang sa bahay. At least ngayon nakita ko ang lahat."

He looked at me straight into my eyes.

Ang bigat ng tingin nya.

Para bang may gusto syang itanong.

"Pwede bang umupo muna tayo?" Pangunguna ko sa kanya para makaiwas.

He nodded, then umalis na kami sa dance area.

Paupo pa lang ako sa pinakamalapit na table nang may mga lumapit na tatlong lalaki. Mukha silang nasa 50's na at talagang professional ang dating. May hawak silang champagne at nakangiti sila sa akin.

And so I remained standing.

"You're Mr. Cross Liondelle's fiancee, right?" Tanong nung isa.

I cleared my throat. Agad din akong tumingin kay Niegel para sa sagot.

He was about to opened his mouth nang may magsalita mula sa likuran ko.

"Yes Mr. Gil. She's my fiancee." Si Cross.

Hindi ko alam kung bakit ginagawa nya to.

Wala rin akong idea kung anong pinaplano nya.

Honestly.. hindi ako makapag-isip ng maayos.

Wala ako sa sarili ko para ifigure out ang lahat ng bagay.

Isa lang ang nasa isip ko.

Kelvin..

Triple Danger: Treacherous Couple! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon