CHAPTER 18: THE LAST THING I WANNA DO
"Glazy, nandito na tayo." Halos hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko. Pakiramdam ko naninigas ang buo kong katawan. Hindi ko kayang kontrolin.
Bumaba na ng kotse si Niegel. Pinagbuksan niya ng pinto si Gun sa backseat at binuhat ito palabas. Atsaka niya ako pinagbuksan ng pinto.
"Are you okay, Glazy?" Bakas sa boses niya ang sobrang pag-aalala.
I looked at him. Pinipigilan kong bumagsak ang mga pesteng luha na naiipon sa mga mata ko. Please.. ayoko nang umiyak. Hindi ako iiyak.
"Salamat Niegel. Salamat."
"You know that I don't deserve your thank you. Nasasaktan ka at hindi ko alam kung paano kita ico-comfort. I'm a useless jerk."
"Hindi Niegel. Kung hindi dahil sayo, malamang hanggang ngayon, nagpapakatanga pa rin ako. Salamat kase nalinawan na ako." Alam ko na ngayon kung anong mas mahalaga para kay Kelvin. At hindi kami yun ni Gun. Hindi kaming pamilya niya.
Buong lakas akong bumaba ng kotse. Pakiramdam ko hinang-hina ang buo kong katawan. Walang sapat na lakas para suportahan ang bigat ko. Kaya muntikan na akong magtaob. Mabuti na lang at nagawa akong alalayan ni Niegel.
"Okay na ako. H'wag kang mag-alala." Nakangiti kong sabi sa kanya pagkapasok ko sa gate at naiwan siya sa labas.
Alam kong nag-aalala pa rin siya para sa akin, kaya pinilit ko ang sarili ko na h'wag alisin ang ngiti sa mga labi ko kahit na ang totoo, nahihirapan na ako. Hanggat maaari, ayoko ng may nag-aalala sa akin. Ayokong maging pabigat at alalanin.
"Call me kung kailangan mo ng panyo, yakap, o kahit driver. I'm one call away." At naghand sign pa sya ng telephone sa tainga. Pero hindi pa rin nawawala ang worried look sa mukha niya.
I just nodded. Kahit hindi niya yun sabihin, alam kong nandiyan siya palagi para sa akin. Iyon ang kilala kong Niegel Liondelle.
Hinihintay ko siyang sumakay sa kotse. Pero nang maglalakad na siya papunta sa kabilang side, bigla siyang tumigil at humarap muli sa akin. Para bang nahihiya siya na ewan.
"Bakit?" Nagtataka kong tanong.
"Ah.. Glazy, kung kailangan mo rin ng substitute, pwede akong maging tatay ni Gun." Nakakaloko yung ngisi niya. Loko talaga.
Napangiti tuloy ako.
"Tawagan mo ako ha." Tsaka siya tumakbo pasakay sa kotse niya.
Pinanood ko munang makalayo ang kotse ni Niegel bago ako tuluyang pumasok sa loob ng bahay ni mama.
Oo dito ako nagpahatid kay Niegel. Pagkatapos kong marinig ang kwento nya, hindi ko na yata kakayanin pa na umuwi sa bahay namin at hintayin ang pagdating ni Kelvin.
'Around 5am magjo-jogging sana ako. Palabas na ako ng unit ko nang makita ko si Kelvin. Akala ko nga namalikmata lang ako. But it was really him. Babatiin ko sana siya kaya lang hindi ko siya naabutan. Pinapasok kasi siya agad ng tenant ng katabing unit ko. I never knew that kapitbahay ko pala ang secretary niya.'
Shit. Shit ka Kelvin! Siguro nga balewala na talaga kami ng anak mo para sayo. Kahit na binigyan kita ng chance at sinabing kakalimutan ang lahat ng ginawa mo, mas pinili mo pa rin si Thea?! Ano ba talagang nangyayari sayo? Gusto kong malaman. Gusto kong intindihin. Gusto kong bumalik ka na sa dati.
Wala sa sarili akong umupo sa mahabang puting couch sa salas. Sa ngayon, gusto ko na munang lumayo. Nagdesisyon akong lumayo kasama si Gun. Baka sakaling, sa paglayo namin na ito, bumalik na ang dating Kelvin na kilala ko, ang Kelvin na asawa ko. Sana nga maramdaman niya ang pagkawala namin. Dahil kung hindi, baka kung ano nang tuluyan na pumasok sa isipan ko.
BINABASA MO ANG
Triple Danger: Treacherous Couple! (COMPLETED)
RomanceBOOK 3 of DANGER SERIES 'Mamahalin mo pa rin kaya ako, kung malaman mo ang lahat ng katotohanan na inilihim ko sa'yo? Hindi mo ba ako iiwan at kamumuhian?' Samahan sina Glazy at Kelvin sa huling libro ng kanilang buhay. ♥sayonara_chinji♥