CHAPTER 28: END OF THE ROAD

1.4K 40 6
                                    

CHAPTER 28: END OF THE ROAD


GLAZY POV

"Glazy!"

Dali dali kong pinunasan ang mga basa kong pisngi at nakangiti kong hinarap si Niegel.

He stood in front of me na para bang may gustong sabihin pero walang salitang lumalabas sa bibig niya. Kaya he just held a deep sigh.

"Akala ko nakaalis na kayo?" He's now looking at Gun's direction. Gun's busy digging a hole sa white sand. Walang kaalam alam na nakaalis na ang Daddy niya.

"Naunang umuwi si Kelvin. Kailangan kasi siya sa Company."

"I see. Pauwi na din sana kami. But if you want, magpapaiwan ako para may kasama kayo ni Gun."

"Hindi na kailangan Niegel. Alam mo okay nga 'to eh. Ngayong maiiwan akong mag-isa dito at si Gun lang ang kasama ko, mas makakapag-isip ako ng maayos. Although hindi naman ako sigurado kung may dapat pa ba akong isipin. Kase parang wala naman na. Alam mo yung pakiramdam na sa sobrang daming nangyari, mga decisions na bigla ko na lang nagawa, naghalo halo na eh. Sa sobrang gulo, hindi ko alam kung may dapat pa ba akong isipin? May dapat pa ba akong gawin?" I gasped nang maramdaman kong nababasa na naman ang mga mata at pisngi ko. Pinunasan ko na lang hoping na tumigil na itong mga pesteng mata ko sa pagluha.

"Glazy.."

"I'm sorry Niegel. Hindi dapat ako umiiyak ng ganito sa harapan mo eh. Hindi ko lang talaga mapigilan. Natatakot ako. Takot na takot ako na baka isang araw, pirmahan na lang ni Kelvin ang divorce papers namin."

"A-Akala ko buo na ang desisyon mo na makipaghiwalay sa kanya? I heard ikaw mismo ang nagbigay kay Kelvin ng agreement?" Halatang halata sa boses niya ang pagtataka. Yes he's right. Ako nga mismo ang nagbigay kay Kelvin, but still I'm feeling like this.

Tumango ako kasabay nito ang pagtulo ng mga luha sa mga mata ko.

"Ako nga. Pero Niegel, hindi ko pa yun pinipirmahan. I just want to give him an option. A way to get out of this mess. Kasi kung mahal niya talaga si Thea, then he could be with her. Naisip ko na, pipirmahan ko na lang yung papel na yun kapag nauna si Kelvin. Kung pipiliin niya si Thea, I'm willing to let him go. Kasi gusto ko siyang sumaya. Kasi mahal na mahal ko siya. Ganoon ko siya kamahal Niegel. Okay lang na maging tanga, talunan. Okay lang na ako ang maiwan. Okay lang.. Okay lang sana, pero paano si Gun? Paano ang anak namin kung magpapaubaya ako?"

Tumayo ako at tumalikod na kay Niegel nang bigla niya akong hinawakan sa kamay.

"This.. will not solve everything that's going on between you and Kelvin, but you deserve to know this Glazy."

I looked at him.

"I've been wanting to say this to you but my selfishness always acts out. But I can't bear to watch you crying like that anymore. Glazy, remember the day I told you that I saw Kelvin at Thea's place?"

I just nodded.

"What are you two doing here? Glazy? Why are you still here?" Pareho kaming napatingin ni Niegel sa biglang nagsalita. It was Cross. He's carrying a big bagpack behind.

"Uncle!" Nabigla na lang ako nang dumaan na sa tabi ko si Gun at dumeretso kay Cross.

"Are you going home uncle?" Gun

"Yes and you should go home too." Cross

"Glazy, I think it's best if you just stay here for a couple of days--" Niegel

"You need to go home right now for things to progress." Hindi ko na masyadong inintindi ang magkaibang opinion ng magkapatid na nasa harapan ko ngayon. Aktong kakargahin ko na si Gun nang unahan ako ni Cross. After that ay ako naman ang hinila niya palayo kay Niegel.

Triple Danger: Treacherous Couple! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon