CHAPTER 4: THINKING ABOUT THE PAST

4.9K 93 8
                                    

Bago ang lahat, hayaan nyo muna akong ipromote ang 1st published book ko. BILI NA KAYO NG DANGER MISCHIEVOUS COUPLE! NOW NA! BWAHAHAHA! 129.75 lang po sya. So please grab your own copy :)) pagnakabili na kayo pm nyo ako xD

CHAPTER 4: THINKING ABOUT THE PAST

TOM'S POV

"Sya ang unang babae na naglakas loob kumalaban kay Kelvin."

12 years ago..

St. Dominic University

"Ikaw ba ang sumira ng painting ko?!" Padabog na inilapag ni Thea ang basang basang painting sa lamesa na kinaroroonan ng grupo namin.

Pareho kaming napatingin kay Kelvin, na kasalukuyang umiinom ng tubig.

Imbis na sumagot ay ngumiti sya ng nakakaloko. I am not expecting na susugurin pa nya dito sa Cafeteria si Kelvin.

And with her strong voice I already knew na magiging interesting ito.

Pareho naming ineksamen ni Marky ang basang basang painting. As in tumutulo pa talaga.

Um-echo sa buong cafeteria ang malakas na paghampas ni Thea sa lamesa.

"Mahalaga para sa akin ang painting na sinira mo! Wala akong pakialam kung ikaw ang anak ng may ari nitong University o kahit na ikaw pa ang may ari ng buong mundo! Ang sama ng ugali mo! Hindi mo man lang iniisip kung anong nararamdaman ng iba sa mga kalokohang pinaggagagawa mo!" Halatang paiyak na. Tsk Tsk.

Tumigil ang oras sa loob ng cafeteria sa biglaang pagtayo ni Kelvin. Bakas sa mga mata nya ang hindi pagsang-ayon.

Triple Danger: Treacherous Couple! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon