CHAPTER 37: CAN SOMEONE TELL ME

1.3K 38 20
                                    

CHAPTER 37: CAN SOMEONE TELL ME

Hindi ko alam kung ano nang gagawin ko. Hindi ko na alam kung saan ako pupunta. Lahat na yata ng pwedeng hingian ng tulong nalapitan na namin ni Kelvin. May mga pulis ng naghahanap kay Gun. Pati mga tauhan ng mga Vergara naghahanap na din. Pero hindi ako pwedeng manatili sa iisang lugar! Kinidnap ang anak ko! At hindi ko alam kung nasasaktan ba siya ngayon! Nagugutom ba siya? Hindi ba siya tumitigil sa pag-iyak? Natatakot ba siya ngayon?

Gun! Hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyari sa iyong masama! Anak sana okay ka lang. Sana hindi ka nila sinasaktan.

“Glazy, anak magpakatatag ka. Marami na ang naghahanap kay Gun. Sigurado makikita na rin siya. Wag ka ngang mawalan ng pag-asa d'yan! Kapag tumawag yung kidnaper ako mismo ang sasagot! Hindi ba sila nanonood ng balita sa tv? Trending na ang banckruptcy ng kompanya ng asawa mo ah! Dapat alam nila na wala na kayong pera! Mga dimonyong yun!”

I stood up. Hindi tama na naka-upo lang ako dito sa Mansion habang naghihintay ng balita tungkol sa anak ko. Dapat may gawin ako!

Si Thea! Baka siya ang nagpadukot sa anak ko!

“Glazy! Saan ka pupunta? Bumalik ka dito anak!” Sorry Ma. Kailangan kong hanapin si Gun. Kailangan ko siyang mabawi sa kahit na anong paraan.

Katulad ni Kelvin na hindi tumitigil sa paghahanap sa anak namin, hindi rin ako titigil.

Alas onse na at sa bawat segundo na lumilipas ay para akong nauupos na kandila. Nasaan ka na ba anak?

“Miss kanina pa tayo paikot ikot. Saan ka ba talaga papunta?” Napatingin ako sa driver ng taxi na sinasakyan ko ngayon. Nakatingin siya sa akin through the rearview mirror. Bakas sa salubong niyang kilay ang pagkainip.

Then doon ko lang narealize na hindi ko nga pala alam kung saan nakatira si Thea de Guzman. Ano nang gagawin ko?

“Miss?”

Si Niegel! Ang sabi sa akin dati ni Niegel ay kapitbahay lang niya sa condo si Thea! I have to call him!

Dali dali kong tinawagan si Niegel. Thank God dahil isang ring pa lang ay sinagot na niya.

“Niegel! Nasaan ka? Saan nakatira si Thea? 'di ba sabi mo magkatabi lang ang unit niyo?”

'Calm down Glazy. What's wrong? Okay ka lang ba?'

“I'm not okay! Nawawala si Gun! Kinidnap ang anak ko! At malakas ang kutob ko na may kinalaman si Thea! Kaya Niegel please sabihin mo na sa akin kung saan siya nakatira! Please Niegel!”

'What? Okay. Okay. RVX Condominium. Wait me at the lobby Glazy. Papunta na rin ako.'

“Thank you Niegel.”

Then I hang up the call. Sinabi ko na agad sa driver yung name ng condominium and it was a relief na alam niya kung saan yun. Kaya madali kaming nakarating agad.

Niegel was already at the lobby nang makapasok ako sa loob ng building. He was wearing a worried face at alam kong marami siyang gustong itanong sa akin, but he kept his mouth shut. Nakarating kami sa tapat ng pinto ng unit ni Thea without talking.

I hurriedly knocked at the door. Halos magiba ko na ang pinto sa sobrang lakas ng katok ko, pero walang Thea na nagbukas ng pinto.

“Thea! Thea lumabas ka dito! Harapin mo ako! Ilabas mo ang anak ko!”

“Glazy, tama na. It looks like wala siya d'yan.” Niegel was holding my hand para tumigil na ako sa pagkatok. Pero binawi ko ang kamay ko at nagpatuloy pa rin ako.

Triple Danger: Treacherous Couple! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon