CHAPTER 10: THE LOST CHILD

3.6K 94 16
                                    

CHAPTER 10: THE LOST CHILD

Nagising ako sa kirot na naramdaman ko sa bandang ulo ko. Parang pinipiga ang utak ko sa sobrang sakit. Naliliyo ako na hindi ko maintindihan.

"Ma'm Glazy gising na po kayo? Okay na po ba ang pakiramdam nyo?"

Ano bang nangyare sa akin?

Unti unti kong binuksan ang mga mata ko at mukha ng isang maid ang bumulaga sa akin.

"Nasaan ako? Anong nangyare?" Tiningnan ko ang paligid at mukhang alam ko na kung nasaan nga ako.

"Nasa hospital po kayo ngayon Ma'm Glazy. Nawalan po kase kayo ng malay kaya sinugod po kayo ni Sir Kelvin dito."

"Si..  Kelvin? Nasaan si Kelvin? Si Gun? Nasaan ang anak ko?" Kinapa ko ang ulo ko at naramdaman kong may bandage na nakabalot dito.

Ano ba talagang nangyare sa akin?

"Nako ma'm, kakaalis lang po ni Sir. May pupuntahan daw po syang mahalaga. Pero babalik din daw po sya agad."

Mahalaga? Mas mahalaga pa sa akin?

Teka-- don't tell me..

Doon sya pupunta?

Mas uunahin pa talaga nya yung babaeng yun kaysa sa asawa nyang nasa hospital?!

Ugh!

"Nasaan ang cellphone ko? Akin na!"

In a flash ay iniabot nya sa akin ang cellphone ko.

Number 1 si Kelvin sa speed dial ko kaya madali ko syang nadial.

Isa..

Dalawa..

Tatlong ring bago nya sinagot.

[ Yes hello? Nasa rest room si Josh. He can't answer your call. Tumawag ka na lang later. ]

Halos mahulog ang panga ko dahil sa narinig ko.

So magkasama nga talaga sila?!

Kelvin..

Bakit mo nagagawa to sa akin?

"Ma'm Glazy.. ayos lang po ba kayo? May masakit po ba sa inyo? Tatawagin ko po yung doctor."

Doon lang ako naging aware na may tumutulong luha na pala sa mga pisngi ko.

I wiped it.

Tsaka ako pilit na ngumiti.

"Itong sakit na nararamdaman ko.. hindi kayang gamutin ng doctor."

***
THEA'S POV

I hurriedly put down his mobile phone as I saw him walking towards me.

I flashed a wicked smile.

"It seems like everywhere you go sinusundan ka ng trabaho. Mr. Rousvan.. executive representative of Hallman Corporation. He's actually a big catch." I was referring  about the big man in suit he was talking to a while ago.

But it seems like he's not interested about my made up topic. I can actually see it through his dark eyes.

My poor Kelvin..

He's already tied up in my fingers.

"There's an exclusive painting exhibit tomorrow. I can't let that pass Josh."

***

GLAZY's POV

I can't believe na nakatagal ako ng isang gabi dito sa Hospital without saying goodnight to my son. Even si Kelvin hindi na bumalik dito para dalawin ako.

Triple Danger: Treacherous Couple! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon