CHAPTER 16: FAMILY DAY

3.9K 101 22
                                    

CHAPTER 16: FAMILY DAY

Inihatid na lang ako ni Hero pauwi sa bahay. Ang sabi ko kasi masama ang pakiramdam ko kaya hindi ko na kakayanin na bumalik sa Global hotel. Sinabi niya din sa akin ang totoong pakay niya kaya niya ako pinuntahan. Nagkausap daw sila ni Niegel. Ikinuwento daw nito ang lahat sa kanya, kaya biglaan niya akong pinuntahan. Nag-alala daw kasi siya para sa akin. Ang sabi pa niya malamang daw nasa Global Hotel na din ngayon si Niegel. Hinahanap ako.

In the end sinabi ko sa kanya na kahit hindi pa ako okay, kakayanin ko pa rin naman. Ako kaya si Glazy Jean Himenez! Walang inuurungan!

"Mommy? Mommy? Mommy!!"

Nagulat ako sa pagsigaw ni Gun. Halos mahulog pa nga ako sa upuan! Ngayon ko lang narealize na kanina pa pala ako nakatulala sa kawalan.

"What is it baby?" Lumuhod ako at tinabihan siya sa sahig. Pinagagawa ko kasi sa kanya ang homework niya. Kinukulayan niya ang iba't ibang klaseng prutas sa homework book.

"What's the color of mango? Is it green or yellow?"

Tiningnan ko ang ginagawa niya. Yung mango na nga lang ang walang kulay.

Teka.. napaisip din ako dun ah. Green siya kapag hilaw, tapos yellow kapag hinog. So parehong tama. Pero ano kayang best?

"Wait, I'll just ask your Dad--" Ako na din ang pumutol sa sasabihin ko. Wala pa nga pala si Kelvin. At malamang gabing gabi na ang uwi nun. Or worst.. baka magpa-umaga na naman siya kasama ng first love niya.

"But Daddy's not here. He's always busy. Busy busy busy!" Halos maputol na ang crayon sa sobrang diin ng pagkulay niya.

"Gun?! Busy ang daddy mo dahil gusto niya.. mabili niya ang mga laruan na gusto mo. Para makakain ka ng mga favorite foods mo--"

"But I don't like it Mom! I hate him!"

"Gun!" Hindi ko siya nagawang pigilan sa biglaan niyang pagtakbo paakyat sa taas.

Sinundan ko na lang siya.

Natagpuan ko siya sa sulok ng kwarto niya kung saan nahaharangan sya ng standee ng mga laruan nya.

"Gun? Baby?" I kneel infront of him.

He immediately hug me. Yung yakap niya sobrang higpit.

At base sa bilis ng tibok ng puso niya pati ng paghinga niya, alam kong umiiyak siya.

We just stayed there for a moment.

At nang kalmado na ang anak ko, iniharap ko na siya sa akin. Pinunasan ko ang basang basang pisngi niya.

"Baby? Anong problema? Sabihin mo sa akin baby." I said habang inaayos ko ang nagulo niyang buhok.

"I showed him that card mommy." Sinundan ko ang itinuturo ng mumunting hintuturo niya. At nakarating ang paningin ko sa colorful card na nakapatong sa side table ng kama.

Binuhat ko si Gun paupo sa kama. Then kinuha ko ang card na itinuro niya.

Family day?

Invitation ng school para sa family day? Tiningnan ko ang date at sa monday na ito.

"Daddy said, he's busy. He didn't even look at the card. That's why I hate him. Because of him I can't join the family day. Teacher said, we must be a whole family. The one with a father, mother and baby. But Daddy can't come." I hate to see that face. Ayokong nakikitang nalulungkot ang anak ko.

Kelvin, pati ba naman si Gun dinadamay mo na?!

"Listen baby, don't worry. Pupunta tayo sa family day. I will make sure na makakarating ang Daddy mo. So don't hate him. Understand baby?"

Triple Danger: Treacherous Couple! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon