CHAPTER 35: WHEN EVERYTHING'S MADE TO BE BROKEN

1.3K 42 28
                                    

CHAPTER 35: WHEN EVERYTHING'S MADE TO BE BROKEN

"Kelvin! Kelvin bumaba ka d'yan!" Ni hindi ko man lang magawang lumapit sa kanya dahil pati tuhod ko ay nanghihina. Alam kong lasing si Kelvin dahil sa mga nakakalat na bote ng alak dito sa rooftop.

Sandali niya akong sinulyapan at agad din siyang tumingin sa ibang direksyon.

"Glazy, akala ko hindi ka na dadating. Ikaw talaga ang gusto kong huling makita pati si Gun. Pero mabuti na rin na hindi mo sinama ang anak ko. Ayokong.. ayokong makita niya ang gagawin ko. Patawarin mo ako Glazy. Ang hina hina ko. Habang nabubuhay ako, masasaktan ka lang. Masasaktan kayo ni Gun." Kelvin ano bang sinasabi mo?

"Hindi totoo yan! Bumaba ka na please! Kelvin kailangan ka ng anak mo! Wag mong gagawin yan!" Paunti-unti ay nagagawa ko na rin mas lumapit pa sa kanya. I want to hold him. I want to hug him.

"I'm sorry Glazy--"

"Kelvin wala na ang Lolo mo! Nakausap ko siya bago siya mawalan ng buhay. Naipaliwanag na din sa akin ng mga magulang mo lahat. Kaya please lang bumaba ka na d'yan! Alam kong wala kang kasalanan Kelvin! Ako! Ako ang may kasalanan sayo kase hindi na naman ako nakinig sa paliwanag mo. Kung may mawawala sa atin dapat ako yun hindi ikaw! Ginawa mo lang lahat ng yun para protektahan ako. I'm sorry Kelvin, ngayon ko lang naintindihan ang lahat. Wag mo kaming iwan ni Gun please."

Now he's looking at me. Halata ko sa mga mata niya na pagod na pagod na siya.

"Wala na si Grandpa?" Kasunod ng tanong niya ang pagpatak ng mga luha mula sa mga pagod niyang mata.

"Oo Kelvin. I'm sorry." Kahit ako ramdam ko yung sakit. Paano pa kaya si Kelvin?

He started to pour out all his tears. I grabbed that chance para hilahin siya pababa dito sa loob ng rooftop. Now he's above me. Mabigat at masakit sa likuran pero hindi ko yun ininda. Pagkabangon naming dalawa ay agad ko siyang pinagpapalo sa balikat at dibdib.

"Wag mo ng uulitin yun ha! Kung magpapakamatay ka doon ka pumunta sa lugar na hindi ko alam at hindi ko mapupuntahan! Akala mo ba nakakatuwa yun? Hindi biro ang pagpapakamatay Kelvin! Hindi mo man lang kami inisip ng anak mo! Ang selfish selfish mo talaga!"

Hinuli niya ang mga kamay ko at niyakap niya ako ng mahigpit. I can smell the scent of alcohol. Lasing nga ang loko! Paano kung na-out of balance siya dun kanina? Napakaselfish talaga!

"Mangako ka na hindi mo na uulitin yun. Tinakot mo ako Kelvin. Akala ko mawawala ka na sa amin ni Gun."

"I promise."

When everything's made to be broken, buong puso pa rin akong maniniwala sa pangako niya.

* * *

NIEGEL POV

"Cheers for the death of Vergara Corporation." Thea and Cross were celebrating the sudden downfall of Vergara Corporation. Laman ng balita ngayon worldwide na namatay na ang Grandfather ni Kelvin. Balitang balita din ang bankruptcy ng Company nila dahil sa mga nagsisialisan na investors and share holders.

I don't even know kung bakit ako nandito, watching Cross and Thea laughing the success of their plan. I mean I'm not even a part of it.

I decided to look for Glazy. I wanna know if she's okay. Ngayong alam na niya ang katotohanan, I hope she's still fine. Sana mabilis siyang makapag adjust, 'cause I will blame myself kung may mangyari man na masama sa kanya. Hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

I was in the middle of traffic when I noticed the passengers on the other car just beside mine. Hindi tinted ang window ng taxi kaya kitang kita ko sila. I want to think na namamalikmata lang ako. But I can clearly see them. Hawak hawak ni Glazy ang kamay ni Kelvin at nakasandal pa siya sa balikat nito.

Triple Danger: Treacherous Couple! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon