CHAPTER 40: BECOME EACH OTHER'S TEARS

1.5K 41 6
                                    

CHAPTER 40: BECOME EACH OTHER'S TEARS

GLAZY POV

Limang buwan na ang nakalipas. Wala pa rin si Gun. Miss na miss ko na siya, pero wala akong magawa kung hindi tingnan at yakapin ang mga litrato niya. Lahat ng bagay na nakikita ko ay nagpapaalala sa akin ng mga panahon na kasama ko pa ang anak ko. Hirap na hirap na ang kalooban ko. Gusto kong umasa na balang araw magkikita ulit kami. Makikita at mayayakap ko ulit siya. Pero halos lahat na ng tao sa paligid ko ay ramdam kong sumuko na. Maging si Kelvin.

“We're doing this for the better. Glazy, kailangan din nating mabuhay. We have to go on with our lives.”

I can't even looked at him. Hindi ako makapaniwala na gusto na niyang iwan si Gun. Ang alaala ng anak namin.

“Paano si Gun? Titigil na lang ba tayo sa paghahanap sa kanya? Kelvin, h'wag mo namang sukuan ang anak natin oh.” I wiped my tears using the back of my hand.

Kinuha niya ang kamay ko at hinawakan niya ito ng mahigpit. Ibinaling ko ang tingin ko sa bintana ng van na sinasakyan namin ngayon. Hindi ko matanggap na lalayo na kami, dahil alam ko na sa paglayo naming ito, unti-unting mawawala ang pag-asa na pinanghahawakan ko na makikita ko pa si Gun.

Napagdesisyunan kasi ni Kelvin na magbukas ng Hotel sa Baguio City at doon na kami maninirahan for good. Kahit tumutol ako sa desisyon niya, wala pa rin kwenta dahil simula noong muntik na akong mapatay ni Thea, si Kelvin na ang nasusunod. Wala ng halaga ang desisyon ko. Iniisip ko na lang na para sa ikabubuti ang lahat ng desisyon niya, pero ibang kaso ang biglaang paglipat namin ngayon.

“Hindi ko sinusukuan si Gun--”

“Pero ano itong ginagawa natin? Para saan itong paglayo na 'to? Kelvin, dito siya nawala! Malaki ang possibility na baka nandito lang rin siya! Kapag lumayo tayo, paano pa natin mahahanap si Gun?”

“Glazy, hindi lang tayo ang naghahanap sa kanya--”

“Yung mga pulis? Yung mga tauhan niyo? Eh ang tagal-tagal na wala pa rin silang nakukuhang lead! Pati nga si Thea hindi nila makita eh! Hindi ko maipagkakatiwala sa iba ang paghahanap kay Gun! Kelvin, h'wag na lang tayong umalis!”

“I'm sorry, but we have to.”

I poured all my tears. Naramdaman ko na lang na yakap yakap na niya ako. I just want to stay. Dito sa lugar na malapit sa alaala ng anak ko. Ayokong umalis.

“Sir, nasiraan ho yata tayo.”

Noon lang bumitaw sa pagkakayakap si Kelvin sa akin. He went out of the van kasunod ng driver na ngayon ay sinisilip ang bawat gulong ng van.

Maybe it's a sign na hindi dapat kami umalis.

Pinunasan ko muna ang mga luha ko bago ako lumabas.

“Glazy, stay inside the car.”

Hindi ko pinansin si Kelvin. Pumunta ako sa likuran ng van at binuksan ito. I'm now unloading our bags. Hindi ako aalis, dahil tadhana na ang pumipigil.

“Glazy, what are you doing? Ibalik mo lahat yan!” Inagaw sa akin ni Kelvin ang maleta na hawak-hawak ko. Ibinalik niya rin sa loob ng van lahat ng bags.

“Hindi ako aalis. Nandito si Gun! Nararamdaman ko!” Tumakbo ako papalayo without looking back.

“Glazy!” I'm sorry Kelvin. Hindi ko kayang iwan at pabayaan ang anak ko.

Biglang may tumigil na kotse sa harapan ko. May dalawang lalaking lumabas mula dito at pilit akong isinakay! Hindi ko magawang sumigaw dahil sa tinakluban nila ang bibig ko.

Triple Danger: Treacherous Couple! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon