CHAPTER 3: I DON'T LIKE HER

4.6K 94 6
                                    

CHAPTER 3: I DON'T LIKE HER

I'M HIS WIFE!

Without a second thought, lumapit ako.

But since nakatayo pa rin si Thea, kinulbit ko na lang sya.

Then our eyes met. At alam ko nakatingin na din sa akin si Kelvin.

"Anong sinabi mo?" Actually kalmado naman ako eh. Hindi ako eskandalosa.

"Glazy--" Napansin kong tumayo na si Kelvin. Aawatin yata ako. Subukan nya lang na kumampi sa babaeng to! Makikita nya!

"Excuse me? Who are you?" Grrr! Hindi pa nga pala ako kilala nitong bruhang to! Ni hindi man lang kase ako ipinakilala ng magaling kong asawa. Tsk tsk.

"I'm his wife! Ang kapal ng mukha--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sa hinigit na ako palabas ni Kelvin.

Sinabi ko bang hindi ako eskandalosa? Aisht kalimutan nyo na! Natuto na ako kung paano protektahan ang akin.

"Kelvin ano ba?! Nasasaktan ako!" Pilit akong kumakawala sa mahigpit na pagkakahawak nya. Grabe gusto nya ba akong pasaan?!

Pagkarating namin sa labas tsaka nya lang ako binitiwan.

"What do you think you're doing?! For pete's sake wifey I'm in the middle of that f*cking meeting!"

"Ugh! So yun na pala yung meeting?! Kaya ba hindi mo ako ginising kase yung babaeng yun ang plano mong ipakilala na asawa mo?! Ibang klase ka talaga Kelvin!" Sa totoo lang gusto ko na talaga syang kalbuhin! Grrrr!

"What the hell are you saying?!" Sige lang magpaka-inosente ka pa!

"Ewan ko sayo!" Tsaka ko sya nilayasan. Dinali ko pa nga sya sa balikat eh.

Baluga ka talaga Kelvin! Kung ganun naman pala ang plano mo dapat hindi mo na ako sinama dito sa Singapore!

Bumalik ako sa hotel pagkatapos nun.

Actually sinundan ako ni Kelvin pero hindi ko sya pinapansin.

Nakakabwiset kaya! Ba't hindi na lang sya bumalik sa bagong wife nya?!

Badtrip talaga!

Magkukulong sana ako sa banyo pero agad akong hinarangan ni Kelvin sa pinto.

"Let's talk." Wow ha. Parang anghel ang boses nya. At ano daw? Let's talk? Magkausap na kaya kami kanina!

Tatalikod na sana ako nang pigilan nya ako sa braso.

I looked at him.

That stupid expression na hindi ko matanggihan! Argh!

Dahan-dahan bumaba sa palad ko ang kamay nya. Pinaupo nya ako sa gilid ng kama. While sya naman, lumuhod with one knee sa harap ko and he's still holding my hand.

"Wifey, I'm sorry."

"Bakit kase hindi mo ako ginising? Mas.. mas maganda naman ako sa Thea na yun ah!"

He smiled and that's when I realized na para pala akong bata sa sinabi ko. Aisht!

Napapout tuloy ako.

"Of course, mas maganda ka sa kanya." pero hindi pa din nawawala sa labi nya yung nakakalokong ngiti!

Binawi ko nga yung kamay ko.

"Sinungaling! Alam ko yang ngiti mong yan! Bumalik ka na nga sa first love mo!" Aktong tatayo na ako pero naunahan nya ako.

He grabbed my pulse at umupo pa sa tabi ko.

"Listen wifey, she's not my first love. Not even a friend. So don't act as if I'm cheating on you."

Maniniwala ba ako sa mokong na to?

"Eh bakit nung tinanong kita kung first love mo sya--"

"Hindi ako sumagot." in fairness ang bilis nyang sumagot.

But..

"Silence means yes." Naniniwala ako sa simpleng kasabihan na yan.

"Wifey, Thea is my new executive secretary."

Ugh!

"A-ano?!"

"Since it's an important meeting, pinadala sya ni Dad to help me."

"Ganun ba? Pero naiinis pa din ako sa kanya! Bakit sinabi nyang sya ang asawa mo?!"

"It's because founder si Mr. Upton ng HCC."

"Anong HCC?"

"It's a club for married couples. Naniniwala sya na hindi magiging successful ang isang tao kung wala syang kasama sa buhay. I've decided na sabihin na lang kay Mr. Upton that you're still resting, kaya hindi na kita ginising. The truth is, nagulat din ako sa introduction ni Thea."

"I don't like her."

I mean it.

May something sa kanya na hindi ko gusto.

At dahil dyan, babakuran ko si Kelvin.

Kahit anong mangyare, hindi sya makakalapit sa hubby ko hmp!

♥ ♥ ♥

Akalain mong may talent sa pambobola si Thea!

Napapayag nyang mag-invest sa Vergara Corporation si Mr. Upton para sa project na gagawin sa China.

Ano kayang ginawa nung babaeng yun? Aisht bakit ko ba iniisip?! Bahala sya sa buhay nya!

Nakauwi na kami ni Kelvin sa Pilipinas. Nakakainis nga eh kase kasabay namin sa eroplano yung executive secretary nya! Hindi ba pwedeng sa Singapore na lang sya tumira?

Yung mga malalagkit nyang tingin sa asawa ko, akala nya hindi ko sya nahuhuli!

At yung suot nyang palda sarap hilahin pababa! Micromini skirt ba naman?!

Thea de Guzman..

malalaman ko din kung sino ka ba talaga.

"THEA DE GUZMAN?!" magkasabay na bulyaw ni Tom at Marky sa mukha ko.

Yung totoo, nagpractice ba silang magduet?

"Gusto ko lang iconfirm kung first love sya ni Kelvin so please sabihin nyo sa akin ang totoo."

Dinayo ko pa sila sa bar na lagi nilang pinagtatambayan kahit na marami pa akong dapat gawin.

"First love? Hahaha! First love ni Kelvin?! Hahaha-ha.ha." Maybe napansin ni Marky na seryoso ako kase tumigil sya sa pagtawa.

Ibinaling ko na lang ang tingin kay Tom. Hoping na mas may sense ang sagot nya.

"Gusto mo ba talagang malaman kung sino si Thea?" Tom asked.

I cleared my throat and nakaramdam ako bigla ng kaba.

Gusto ko nga ba talagang malaman?

Paano kung mas malala pa pala sa first love?

Glazy. Glazy. Glazy. Ano ka ba?! Para saan pa at pumunta ka dito?!

"Oo. Sabihin mo na." Wala ng atrasan.

Nagtinginan muna sila Tom at Marky bago ako nakakuha ng sagot.

"Si Thea.. sya ang.."

♥♥♥

AUTHOR'S NOTE:

Bitin ba? Hahaha sarreh! Abangan nyo na lang ang next chapter kung gusto nyo din na makilala si Thea. xD araso?

Out na po sa PHR, NBS at iba pang bookstores ang DANGER MISCHIEVOUS COUPLE! ---> ang book 1 po neto. Be sure to get your own copy *_= para naman maging masaya ang maganda nyong Author. xD

sayonara_chinji

Triple Danger: Treacherous Couple! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon