CHAPTER 36: TOMORROW'S JUST A DREAM

1.4K 39 19
                                    

CHAPTER 36: TOMORROW'S JUST A DREAM

GLAZY POV

Madaling araw pa lang ay ginising na ako ni Kelvin. Nagpaalam siya na dadalawin niya ang lolo niya at to pay respect na din. Hindi na ako nakatulog after that. Pinanood ko na lang si Gun habang mahimbing siyang natutulog.

Bandang alas otso na ng umaga nang makauwi si Kelvin dito sa Mansion. Pinagbihis niya kami ni Gun ng hindi man lang sinasabi sa akin kung saan kami pupunta. It was just a short drive. At napangiti na lang ako nang makababa kami ng sasakyan at makita ko kung saan kami dinala ni Kelvin.

Tamang tama, Sunday ngayon. May misa at maraming pamilya ang laman ng simbahan. I can't remember kung kailan kami huling sumimba na kumpleto kaming tatlo. Noong mga nakaraang araw kasi ay kami lang ni Gun ang pumapasok sa Simbahan at wala si Kelvin. Those were the days na sobrang hirap na hirap ang kalooban ko at talaga namang kinukulit ko si God sa dami ng trials na ibinabato niya sa akin at sa pamilya ko.

But look at us now. Hindi ako pinabayaan ni God na malugmok na lang sa sakit, hirap at hatred. God will make a way, kung sa tingin natin ay wala ng ibang paraan pa. We just have to believe in Him at hindi niya tayo pababayaan.

“Nadalaw mo na pala ang parents mo. Next time let's visit them as a family.”

Naglalakad na kami papasok sa Simbahan nang napatigil ako sa sinabi ni Kelvin. Paano niya nalaman na binisita ko na ang puntod ng mga totoo kong magulang? Hey Glazy! Quit thinking! Malamang sinabi sa kanya ng Mommy niya.

I smiled. “Okay. Para mapakilala na din kita sa kanila.”

“How 'bout me Mommy?” At talagang nakapout pa ang anak ko! His cute facial expressions will surely melt your heart. Kahit sino pang makakita sa kanya. Sometimes I wonder, kanino kaya nagmana itong super cute na batang 'to? I'm sure kase na hindi sa akin. Kaya napapaisip talaga ako.

Then I suddenly burst into laughter nang mapatingin ako kay Kelvin. Karga niya si Gun at nakapout din ang loko! Niloloko ang anak niya! Gayahin ba!

Dahan dahan tiningnan ni Gun ang luko-luko niyang Daddy at automatic na nagsalubong ang dalawang kilay nito nang makita niyang ginagaya siya. Okay. Kahit gusto kong itanggi, kitang kita ang proof. Kaya aaminin ko na, kay Kelvin siya nagmana.

“Of course kasama ka baby. Yang luko luko mong Daddy ang hindi natin isasama.” Sabay kindat kay Gun kasi nakasimangot na talaga siya. Ayaw na ayaw niya kasi yung ginagaya siya ni Kelvin. D'yan sila nag aaway.

Gun's face brightened. Agad din niyang dinilaan si Kelvin. At dahil magkalapit lang ang mga mukha nila ay kitang kita kong tumalsik ang laway ni Gun sa mukha mismo ng Daddy niya! Hindi lang kasi basta dila ang ginawa niya, may pag-ihip pa na kasama.

Tawa tuloy ng tawa si Kelvin at pinunasan na lang niya ng kamay niya. But I saw na may part na hindi niya napunasan kaya using my own handkerchief ay ako na ang nagpunas sa kanya.

“Mommy me too!” Inilapit ni Gun sa akin ang mukha niya. Hay! Manangmana talaga sa pinagmanahan oh!

Kunwari na lang ay may pinunasan din ako sa kanya.

After that, we went inside. It was a peaceful mass. At least that's what I thought. Nasa kalagitnaan na kasi ng misa nang biglang sumigaw si Gun ng “I hate you Daddy!”

Tumigil ang pag ikot ng mundo. Kahit hindi ako lumingon sa paligid ay alam ko na nakatingin silang lahat sa amin. Nakakahiya anak! Nakakahiya din sa Pari na nagmimisa! Parang gusto ko ng matunaw! Hindi ko alam kung paano ko nagawang higitin si Gun papalabas ng Simbahan. Umiiyak na din kasi siya ng sobrang lakas!

Triple Danger: Treacherous Couple! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon