CHAPTER 5: UNINVITED

4.3K 110 32
                                    

CHAPTER 5: UNINVITED

After the negative vibes yesterday, here comes the opposite.

I'm feeling so positive today.

Wanna know why?

It's my birthday today! The past years lagi kong nakakalimutan ang birthday ko.  Thank you sa sweet kong asawa dahil lagi syang may surprise every year. Ano naman kayang surprise nya sa akin ngayon? Haha excited na ako!

Since nakafile pa rin ako ng leave hanggang ngayon, kami ni Kelvin ang naghatid kay Gun sa school.

Simpleng bagay pero sobrang saya ko na.

Pagkatapos nun, pumasok na din sa office si Kelvin.

Hindi pa nya ako binabati pero okay lang ganyan naman talaga sya taon taon eh. Kailangan ko na lang hintayin mag-gabi para sa sweet surprise nya.

Speaking of surprise..

May nakita akong invitation sa drawer ng office nya dito sa bahay. Nakita ko yun by accident. May pinakuha kase sya sa akin kanina doon bago sya umalis that's why nakita ko.

It's an invitation para sa isang exclusive party. If I'm not mistaken, once in a blue moon lang nagkakaroon ng ganoong party para lang sa mga kilalang tao sa business industry.

I remember hindi kami nakapunta ni Kelvin sa party na yon dati. Nasa ibang bansa kase si Kelvin at ako naman ay nagbabantay kay Gun sa hospital na nilalagnat noon.

Pero ngayon ..

Ngayon mukhang makakapunta na kami! Hindi naman obvious na masaya ako di ba?

Sabi kase ni Mom Vira, sa party na yon daw pinapakilala ang bawat pamilya ng mga tycoons which is why I'm excited.

Ang sarap kase sa pakiramdam na pinapakilala ako ni Kelvin bilang asawa nya. Gustong gusto ko yon. Tumataas ang confidence ko sa sarili.

Sa tingin ko kase iyon ang kailangang kailangan ko ngayon.

Self confidence, para mapanatiling positive ang tingin ko sa mga kaganapan ngayon sa buhay namin.

At syempre, sobrang gandang regalo non para sa akin.

I'm sorry hubby, nabuking ko ang surprise mo haha!

"Oh bessy napatawag ka?" Iniwan ko muna sa kusina si Yaya Simang. Tinutulungan ko kase syang magluto since wala din naman akong ibang gagawin.

[ Happy birthday bessy kong love muah! Saan ang lakad mo ngayon? ]

"Wala akong lakad--"

[ Perfect! Mag-girl bonding tayo now. Wait kita dito sa salon okay? ]

"Saang salon?"

[ Honestly I don't know kung anong salon to bessy. Bagong bukas kase that's why naattract ako. Anyway you just have to turn left sa first stop light na pinakamalapit sa Reygun's Restaurant. Then you'll see the weird flowers and balloons outside the  building. Did you get it?]

Yung totoo? Kakaiba talagang magbigay ng direction and description tong babaeng to eh.

"Okay?" Di pa talaga ako sure.

[ See you later bessy! Byeee~]

Call ended

Aisht kailan ba ako makakatanggi sa bessy ko?

Triple Danger: Treacherous Couple! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon