Substitute Ending

2.3K 53 16
                                    

SUBSTITUTE ENDING
(Para sa mga hindi maka-move on/ Hindi matanggap ang totoong ending nitong Book 3)

PAALALA:
Mga bebeh, substitute ending lang po ito. Ginawa ko ito para lang sa mga may AYAW ng totoong ending. So kung SATISFIED ka na sa last chapter nitong Book 3, p'wede niyo na itong hindi basahin. Ang official ending pa rin ay 'yung namatay si Glazy, dahil 'yun na ang nakasulat at nabanggit sa kwento ng anak nila na si Jasbeer Gun Vergara (SHE'S HALF CRAZY).

PALIWANAG:
Tanong- Bakit gumawa ka nito otor kung ang totoong ending pa rin naman ay 'yung nauna mo ng napost?
Sagot- Kasi nangako ako. May napangakuan ako na gagawan ko ng substitute ending itong Book 3. Ayoko silang biguin at tawagin akong PAASA. :) (Ayaw ni otor sa mga paasa. So once na nangako ako, you can expect na matutupad 'yun.) Chos! :)
Tanong- P'wede ba 'yun? Dalawa ang ending?
Sagot- P'wedeng p'wede! Heto nga oh, nagawa ko na :) Wala naman' rule na nagbabawal sa dalawang ending :) Push natin to.
Tanong- Otor p'wede bang ito na lang ang totoong ending? Ang sakit kasi ng official ending.
Sagot- Hindi. Sorry mga bebeh, pero namatay talaga si Glazy. Nabaliw si Thea. Nagkaroon na ng kanya-kanyang buhay ang mga characters. Hindi na nag-asawa ulit si Kelvin. Lumaki si Gun na walang ina, pero naging successful na Doctor. Sub lang talaga itong ending na 'to. Panghilom ng kaunti sa mga sugatan niyong puso. :)

H'wag na nating patagalin..

TRIPLE DANGER: Treacherous Couple!
Substitute Ending

Glazy Jean Vergara POV

"Now watch your wife. Glazy, jump!" Nanginginig at nawawalan na ng lakas ang buong katawan ko. Nakatutok pa rin sa dibdib ni Kelvin ang baril na hawak ni Thea.

"You're crazy, Thea! Glazy umalis ka na dito!" Kelvin's voice was shaking at alam kong kinakabahan din s'ya.

Pero mas kinakabahan ako. Natatakot ako na baka bigla na lang makalabit ni Thea ang baril niya at masaktan ang asawa ko.

"Hindi ka ba tatalon? I'll kill your f*cking husband pagkabilang ko ng tatlo!" Malabo na ang paningin ko dahil sa patuloy na pag-agos ng luha mula sa mga mata ko. Ano bang gagawin ko?

"Ano ba Thea! Hindi ako ang pumatay sa Mama mo!" I can feel the desperateness in his voice.

Naniniwala ako na hindi si Kelvin ang pumatay sa Mama ni Thea, pero pinagpipilitan pa rin n'ya! Siguro.. kahit na ano pang sabihin na paliwanag ni Kelvin sa kanya.. hindi na siya makikinig.

"Glazy can you hear me? One." Hindi siya makikinig, dahil sarado na ang isip niya at nalason na ng paghihiganti ang puso niya.

Napasinghap ako nang makita ko kung paano lumuhod si Kelvin sa ginawang pagsuntok sa kanya ng mga tauhan ni Thea.

Siguro nga.. siguro nga wala na kaming magagawa pa.

Unti-unti akong humahakbang paurong habang nakatitig lang kay Kelvin.. sa asawa ko.

"Glazy h'wag! H'wag kang makinig kay Thea!" He was also looking at me. Malabo man ang paningin ko, nakita ko pa rin ang pagpatak ng mga luha sa pisngi niya.

"Two! You saw how I killed Niegel. I never hesitate, Glazy." Tama siya. Hindi siya nagdadalawang isip sa pagpatay. Nakita ko kung paano niya binaril si Niegel. Nasaksihan ng mga mata kong ito.

Ayokong mangyari 'yun sa pinaka-importanteng tao sa buhay ko ngayon. Hindi ko kakayanin kung sasaktan niya ang asawa ko sa harapan ko, lalo pa na may pamimilian naman ako. May magagawa pa ako para iligtas si Kelvin. Kaya ko siyang iligtas, pero.. pero ang resulta nu'n ay mawawala naman ako ng tuluyan sa buhay niya... at sa buhay ng anak namin.

Triple Danger: Treacherous Couple! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon