CHAPTER 17: MY SUBSTITUTE HUBBY

3.8K 110 31
                                    

CHAPTER 17: MY SUBSTITUTE HUBBY

"I'll be his dad."

Since nang sinabi niya yan, hindi pa rin ako maka-get over. Hindi ko akalain na magpiprisinta talaga siya na maging substitute ni Kelvin para lang makasali sa palaro si Gun.

Isipin mo, isang Cross Liondelle ang magsusuot ng sako sa paa at magtatatalon na parang kangaroo? Hindi kapani-paniwala!

Pero kasalukuyan ngayong nangyayari sa harapan ng dalawa kong mata. End of the world na ba?

Pinagkakatuwaan tuloy siya ng mga tao.

Narinig ko pa nga, nakakatuwa daw na ang isang high profile na tao ay makikisali sa larong pambata. Kitang-kita daw ang pakikipagkapwa tao at ang kabaitan nito.

"Ready, get set.. GO!" and the crowd cheers.

At first nahuhuli kami. Kailangan pa kasi magkakahawak kamay. Eh dahil nga malusog si Gun, nahihirapan siyang tumalon ng may sako. Para na nga namin siyang binibitbit ni Cross eh.

Since pinagtatawanan lang rin naman kami ng mga nanonood, tawa na lang rin ako ng tawa.

So dahil palpak ang unang game, umiyak na naman si Gun. Pinapatahan ko nga siya eh nang bigla na lang siyang buhatin ni Cross. May kung anong ibinulong siya kay Gun and with that ay tumigil na agad sa pag-iyak ito.

Then Cross smiled at me.

Bakit ba ang bait-bait niya sa akin ngayon?

Hindi pa rin ako sanay.

Bukod sa pagiging mabait niya may isa pa akong napansin sa kanya. Dati ko pa yun iniisip everytime na nagkikita kami at tinititigan niya ako. Ngayon ko lang narealize.

His eyes..

Nagbago na ang mga mata niya.

Ang dating itim na itim sa galit na mga mata, ngayon ay kulay abo na.

Naalala ko, nagpatransplant nga pala siya ng mga mata dahil sa aksidente nila ni Kelvin dati. Siguro mabait ang totoong may-ari ng mga mata niya kaya siya biglang nagbago. Oh well.. malay ko ba diba?

Dapat ko na rin bang pa-operahan si Kelvin?

"Mommy let's go!" Then I'm back to reality.

Nakapwesto na sila sa gitna together with other families. And yes, karga-karga pa rin siya ni Cross.

Bakit nga ba magkasundo silang dalawa? Nakakapagtaka din si Gun.

Nagulat na lang ako nang bigla akong higitin ng host palapit sa dalawa.

"Okay parents this time kayo lang ang maglalaro. Kaya itabi muna si baby."

Ha?! Teka-bakit kami lang?!

Napansin ko na ibinaba na ni Cross si Gun sa tabi namin. Yung totoo? Game na game siya?

Bakit bigla na lang akong kinabahan? Parang may mali..

"This game is called Eat-My-Apple! Exciting huh!"

May ipinwesto silang mahabang parang sampayan kung saan may mga nakasabit na apple.

Don't tell me--

" Mommy! You're going to eat the apple!" At tuwang tuwa pa talaga ang anak ko huh!

"Ah.. yes baby. Kakainin ko... lahat." Shete! Pwede bang magback out?!

Hindi naman kasi kami mag-asawa nitong partner ko eh! Hello paikot-ikot ang apple no! Magkakahaluan kami ng laway!

Pero.. bakit parang okay lang sa kanya? Nakapwesto na talaga sya sa harapan ko!

Triple Danger: Treacherous Couple! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon