CHAPTER 8: UNEXPECTED REUNION

4.2K 110 20
                                    

CHAPTER 8: UNEXPECTED REUNION ♡

Napabalikwas ako sa sobrang sama ng panaginip ko.

Sa panaginip ko, may isang nasusunog na kotse. Hindi ko alam kung bakit iyak ako ng iyak at nagpupumilit na lumapit dito. Ngunit hindi ko magawa dahil may mga taong humihila sa akin. Unti-unti nila akong inilalayo sa kotseng nasusunog.

Marahas kong pinunasan ang mga butil ng pawis na namuo sa noo ko.

Pang-ilang beses na ba 'to?

Hindi ito ang una o pangalawa. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko nang napanaginipan ang pangyayari na 'yon.

Paulit-ulit sa hindi ko malamang dahilan.

Pero mukhang may iba ngayon...

Pagkatapos kong punasan ang pawis ko, naramdaman kong may dumadaloy na tubig sa mga pisngi ko.

Katulad ng panaginip ko, umiiyak na din ba ako ngayon? Ano ba talagang nangyayare sa akin? Epekto lang ba ito ng aksidenteng nangyare dati?

Naputol ang pag-iisip ko at naging aware ako sa paligid nang biglang may bumusina mula sa labas.

Hala! Anong oras na ba?!

Sinulyapan ko ang alarm clock na nasa bed side table at halos lumuwa ang mga mata ko nang makita ko kung anong oras na!

Shete! Napahaba ang tulog ko ngayon-Ah hindi! Late lang talaga ako nakatulog. Mga around 3 am na nga yata yun eh! Sino bang makakatulog nang maayos pagkatapos makabasa ng ganu'ng text message?!

Bwiset ka Kelvin! Ano bang ginawa niyo kagabi at nakapag- reminisce pa kayo ng Thea na yun?!

After cursing them a hundred times, binilisan ko ang pag-aayos sa sarili. But unfortunately hindi ko na naabutan sa baba si Gun and even Kelvin.

Umalis na lang din ako agad ng bahay since nakaayos na ako.

Sa Hotel.. para lang akong timang na nakatulala sa kawalan.

I know marami akong dapat gawin pero wala ako sa tamang huwisyo ngayon. Para akong zombie.

Every time I try to clear my mind, mas lalo kong naiisip ang text message na nabasa ko.

Stupid brain! Wala ka talagang kwenta! Stupid curiosity! Siguro much better kung hindi ko na lang pinairal ang pagiging pakialamera ko!

I sighed.

Pang sampung beses ko na yatang buntong hininga to.

Until mag-lunch break na.

Palabas na ako ng hotel nang magtext sa akin si Inggrid.

Pinapapunta nya ako sa Reygun's restaurant to meet her, which is a co-incidence dahil doon naman talaga ako papunta para kumain.

It only takes a couple of minutes para marating ko ang restaurant and I bet napaaga ako ng dating. Wala pa kase si Inggrid.

Paupo na ako sa vacant table na nasa harapan ng counter nang may mapansin ako.

Isang familiar guy sitting in a familiar spot.

And to confirm kung tama ba ako..

Nilapitan ko sya without any hesitations.

He's sitting on the left corner and nakajacket syang dark blue. Underneath the hood of his jacket, ay isang black hat which is nakatulong para hindi masyadong makita ang mukha nya.

Now I'm sure na tama ako.

I immediately sat beside him.

And that caught his attention. Kumakain na kase sya.

Triple Danger: Treacherous Couple! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon