CHAPTER 9: I'M LUCKY TO HAVE YOU

3.6K 96 8
                                    

CHAPTER 9: I'M LUCKY TO HAVE YOU

Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Simula kase nang higitin nya ako mula sa Reygun's restaurant wala ni isa sa amin ang nagsasalita.

Tahimik lang syang nagmamaneho.

At ako? Hindi ko rin magawang magsalita.

Kelvin.. ang dami kong gustong itanong sayo. Kaya lang hindi ko alam kung paano. Hindi ko alam kung ano ang tamang paraan para itanong sayo ang lahat nang yon. At hindi ko alam kung ngayon na ba ang tamang panahon para i-open up sayo ang bagay na yon.

"We're here." Hindi ko namalayan na kanina pa pala kami nakatigil.

Hawak hawak ni Kelvin ang pinto ng kotse at hinihintay ang pagbaba ko.

I breathe deeply bago tuluyang bumaba.

I was a bit confused  nang magsink in sa utak ko kung nasaan kami ngayon.

"Anong ginagawa natin dito? Mamayang 3 pa ang dismissal ng klase ni Gun."

Yeah nasa school kami ni Gun. And with Kelvin's mischievous smile, mukhang alam ko na kung anong pinaplano nya.

Hinawakan nya ang kamay ko and he kissed it lightly.

"Wifey, let's celebrate your birthday today as a family."

"Hubby.."

"Stay here. Susunduin ko lang si Gun." Then he kissed my hand again bago sya pumasok sa school building.

Kanina lang super pre-occupied ang isip ko about what I saw in his cellphone, but now.. now in just a split second bigla na lang naglaho. I'm excited sa mga mangyayari mamaya.

Icecelebrate namin ang birthday ko bilang isang buong pamilya? Haaay.. kailan ba ang huli naming labas as a family? Medyo matagal na din kung iisipin.

This afternoon will be perfect!

"Mommy!"

Gun is running carefree papunta sa akin.

And the moment na nakalapit na sya ay bigla syang nagsuper hug sa bewang ko.

"How's school baby? Binigyan ka ba ng star ni teacher?" I asked habang yakap ko din sya.

Then bumitaw na sya sa pagkakayakap and full of energy na ipinakita ang kamay nya na may tatlong star.

I automatically smiled.

"Wow! Ang galing galing naman ng baby ko! Dahil dyan.. Mommy will give you a super kiss!" I immediately lean downward and kissed him a thousand times sa pisngi.

"Stop mommy! Stop! Hihihihi~ Stoooop!"

He giggles continuously habang wala pa rin akong tigil sa paghalik sa kanya.

"Mommy stop! Ahihihi~ I have to tell you something!"

Then I stopped.

"What is it baby?" I curiously asked.

"Ssssh! It's a secret." Aba! At marunong nang magsecret ang anak ko!

Magsasalita na sana ako nang marinig kong tumatawa ng mahina si Kelvin.

He's standing sa gilid namin ni Gun.

Malamang kalokohan lang tong sasabihin ni Gun.

"Mommy, promise that you won't tell anyone." Ibinalik ko ang atensyon ko kay Gun.

Pero syempre dapat magmukha pa rin akong curious para hindi madisappoint ang baby ko.

"I promise. Now tell me, ano bang secret ng baby ko?"

Triple Danger: Treacherous Couple! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon