CHAPTER 39: WHAT WAS HIDDEN

1.3K 40 4
                                    

CHAPTER 39: WHAT WAS HIDDEN

Sobrang bilis ng pangyayari. Laking pasalamat ko kay Niegel dahil dumating siya para iligtas ako bago pa ako tuluyang mahulog. Hinang-hina ang katawan ko dahil sa sobrang takot at dahil na rin sa saksak sa akin ni Thea. Si Thea, agad siyang nakatakbo palabas nang dumating si Niegel. Ngunit naharang din siya ng mga guwardya at hindi rin nagtagal ay dumating din ang mga pulis upang hulihin siya.

Thankfully, hindi naman malalim ang sugat, pero ramdam na ramdam ko ang sakit nito na para bang nakakonekta sa puso ko. Hindi ko pa rin nakita si Gun. Nawawala pa rin ang anak ko.

Naabutan pa ni Kelvin na isasakay pa lamang sa police mobile si Thea at ako naman ay nakahiga na sa stretcher at pasakay na sana sa ambulance. Thea was glaring at Kelvin bago siya tuluyang sumakay at ilayo ng mga police.

“Glazy needs to be treated. Sumunod ka na lang sa Hospital.” That was the last thing I heard bago isara ni Niegel ang pinto ng ambulansya.

Gusto kong tawagin si Kelvin, pero hindi ko na siya makita. I need him. Nanghihina ako at nasasaktan. Gusto ko nasa tabi ko siya ngayon.

***
THEA POV

This is not the end. We're not even at the climax yet, kaya h'wag kayong magdiwang at magpaka-kampante. Kelvin Josh Vergara, isinusumpa ko na hindi ka na magiging masaya for the rest of your mere life. Habang nabubuhay ako, hindi ako titigil hanggat hindi mo pinagsisisihan ang kasalanan na nagawa mo sa pamilya ko.

I'm still carrying the pain inside me. There's not even a second na hindi ko naaalala ang gabi na yun.

“Happy birthday Mama. Happy birthday Mama. Happy birthday, happy birthday. Happy birthday Mama! I love you!” I was sitting at the backseat of our car.

“I love you more!” She looked back and smiled at me, but when she returned her eyes on the road, a bright flash of light was coming in our direction. It was a fast motorcycle. Mama steered the wheel away from the blinding light of the motorcycle.

The next thing I remembered was Mama's bloody face. I went out of the car to call for help and there I saw the thirteen year old Kelvin Josh Vergara. He was the one riding the motorcycle. He looked terrified while standing behind his car that was now lying on the ground.

“Help! Please help my Mama!” I was so desperate for his help, but he ignored me.

He rode his motorcycle as fast as he can.

My Mama died because of him. It was too late when she reached the Hospital.

I was so glad when the Police informed us that they already caught the suspect. After all, I know that it was really his fault. The road we were travelling was a one way lane. He shouldn't be travelling on the opposite direction. And one more thing, he was a minor.

I was surprised to see an unfamiliar face behind the bars. It was another man, not Kelvin Josh Vergara. I insisted that he was not the right one, but no one listened. That was when my Dad told me about the kind of Power the Vergara had. They can change the truth if they want to. And we, the powerless people below, will just bear with their cruelty.

But I didn't gave up. I made some pamphlet containing the truth about our accident that killed my Mother and I distributed it everywhere. My Dad also fought for my Mother's justice. Then the Vergara made a move. My father's business went down. They accused my father of some absurd crime he didn't even committed.

Until now, my father is still in jail.

It all started because of you Josh. Kung tinulungan mo lang sana kami. Then my Mother would have been alive right now.

***
GLAZY POV

“Ma, okay nga lang po ako.” Nakailang beses ko ng sinabi kay Mama na okay na talaga ako, pero hindi pa rin siya tumitigil sa pag-iyak. Si Niegel kasi ikinwento pa kay Mama lahat. Ayan tuloy.

“Sige na Glazy, magpahinga ka na diyan. I-uuwi ko na 'tong si Mama.” Mabuti na lang kasama niya si Ate Wenzy.

“Hindi! Dito lang ako!” Ang kulit talaga ni Mama!

“O sige! Dito ka lang! Humalera ka sa tabi ni Glazy at pasasalinan din kita ng dugo! Teka lang tatawagin ko na yung nurse!”

Hinawakan ko ang kamay ni Mama. I know sobrang natakot din siya sa nangyari sa akin kaya ayaw niya akong iwan ngayon.

“Ma, sige na po umuwi na kayo.” I said.

Ibinaling niya ang tingin kay Kelvin na kasalukuyan ngayong naka-upo sa sofa na nasa paanan lang ng kama. Kaya naman napatayo bigla si Kelvin.

“Ikaw na bahala sa anak ko. Tawagan mo ako agad kapag may nangyari.”

“Ma, walang mangyayari.” Salungat ko sa sinabi niya.

“Basta! Hindi natin alam ang mga pwede pang mangyari. Wala na nga ang apo ko--”

“Tayo na Ma! Umuwi na tayo! Glazy magpagaling ka!” Hindi na naipagpatuloy pa ni Mama ang mga sinasabi niya dahil hinigit na siya ni Ate Wenzy palabas ng kwarto.

Ngayon, dalawa na lang kami ni Kelvin na naiwan sa loob. Nakatitig lang siya sa akin at hindi ko alam kung bakit ang bigat sa pakiramdam.

“I'm sorry.” I said out of the blue. Kailangan kong magsorry sa kanya dahil sa ginawa kong pagtakas sa Mansion. And maybe yun din ang dahilan kung bakit ganyan na lang siya makatitig sa akin ngayon. Galit siya.

“Glazy what were you thinking? I expected you to stay at home and just wait.”

“Hindi ako makatiis na walang ginagawa at nasa Mansion niyo lang! Kelvin, naghihiganti si Thea. Galit siya sa'yo, sa pamilya mo. Alam kong hawak niya rin si Gun!”

“Muntik ka ng mapatay ni Thea! Ang simple simple ng sinabi ko sa'yo Glazy, pero hindi mo pa rin magawa! I told you to wait! But you made me look like a fool! Wala ka bang tiwala sa'kin na mababawi ko si Gun?”

“Meron! Alam kong ginagawa mo lahat para sa anak natin, pero Kelvin paano naman ako?”

“Wala kang dapat gawin! Just do what I say!”

“Kelvin--”  “Simula ngayon, hindi ka na pwedeng lumabas. Yun lang ang maitutulong mo.”

***
NIEGEL POV

I-coconfine mo si Glazy just to make sure na hindi na siya masasaktan? You're really a f*cking fool Kelvin!

“Sir? Papasok ho kayo?” The nurse approached me as she was about to open the room's door.

I smiled at her before I walked towards the elevator.

Go ahead Kelvin. Ikulong mo si Glazy, then one day you'll realize na nasasakal mo na siya. Si Glazy na mismo ang lalayo sa'yo. At kapag dumating ang araw na 'yon, sa akin siya pupunta.

XXX
SAYONARA CHINJI

Hello readers! Thank you sa mga nakapaghintay ng update! Nako sorry ang ikli lang nito, pagtyagaan niyo na muna. Tamad ang otor. Medyo nahirapan ako sa story ni Thea. Pinag-isipan ko siya ng ilang araw. Kasi ang totoo niyan sa simula pa lang nitong Book 3, wala talaga akong naisip na reason niya para magalit kay Kelvin. Ayan tuloy nagawa kong bad si KelvinMyLabSoSwit! At si Niegel pa pala! Gusto niya talagang agawin si Glazy eh pwede namang ako na lang BWAHAHAHA! HUWAAAT? Chos! Geh na nga bye na.
VOTE sa mga gusto na agad ng kasunod (Malay niyo sipagin ang tamad na otor)
COMMENT sa mga naiinis kay Kelvin (OA na sa pagka-protective bes)
FOLLOW sa mga hindi pa belong
PM sa mga may ipinaglalaban (Pag-usapan natin yan)

PS: Oooy! Pansinin niyo naman yung New story ko. Nilalangaw na bes hahahaha! Check out 2550 habang naghihintay kayo ng update nito :) I'll be happy to receive any feedback.

Triple Danger: Treacherous Couple! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon