CHAPTER 29: MALAYA KA NA

1.5K 44 20
                                    

CHAPTER 29: MALAYA KA NA

"Tita lumakas na yung ulan. Hindi ba natin papapasukin sa loob si Tito Kelvin?"

"Lex! Ikaw talagang bata ka! Pumasok ka sa kwarto mo! Gawin mo na ang assignment mo!"

"Mama naman eh! Hindi ko kayang sagutan yung assignment ko, mangongopya na lang ako sa school."

Napasulyap ako sa bintana. Dahil sa gabi na at patay naman ang ilaw sa labas ng bahay ay hindi ko makita kung malakas nga ang ulan. Pero bahagya kong naririnig ang mga patak nito. Pinunasan ko ang mga basa kong kamay gamit ang white handkerchief na nakatali sa ref. Kakatapos ko lang kasi maghugas ng mga pinagkainan. Hanggat maaari, gusto kong may ginagawa. Gusto kong malibang ang isip ko kahit na alam kong niloloko ko lang ang sarili ko. Ayoko lang makita ako ng anak ko na umiiyak at nasasaktan. Hanggat maaari ayokong magtanong siya, magtaka at maapektuhan.

"Glazy, patutulugin ko na itong batang ito ha. At may pasok pa ito bukas di ba?"

Tumango na lang ako atsaka inalalayan ni Mama si Gun na bumaba ng upuan. Half asleep na ang anak ko dahil sa kakahintay sakin. Ayaw kasing matulog ng hindi ako ang katabi. Pero hindi na siya nakaangal ngayong akay akay siya ni Mama papuntang kwarto dahil sa sobrang kaantukan.

"Tita oh." Natulala ako sa biglang inabot ni Lex sa akin. Isang dilaw na payong.

"Lex ano ba?! Matulog ka na nga!" Hila-hila ni Ate Wenzy si Lex papasok sa kwarto. I can't blame that kid, wala naman siyang alam sa nangyayari eh.

Ngayong mag-isa na lang ako sa salas ay mas lumakas pa ang tunog ng patak ng ulan. Pero hindi ako doon nabibingi. Mas nangingibabaw ang malakas at mabilis na tibok ng puso ko. Ramdam na ramdam ko ang guhit na naglalaro sa bandang tiyan ko paakyat sa dibdib. Napapaso na naman ako. Anytime alam kong babagsak na naman ang mga luha mula sa mga mata ko.

Napahigpit ang pagkakahawak ko sa payong.

Para bang magkakonekta at magkasabwat ang mga paa ko at ang hinihingal na puso ko, dahil sa dere-deretso kong tinungo ang kinaroroonan ni Kelvin.

Naka-upo siya sa gilid ng kalsada at nakayuko. Basang-basa na siya ng ulan pero parang wala pa rin siyang balak umalis dito.

Bakit mo pa ginagawa 'to Kelvin? Hindi ba't hindi naman ako ang pinili mo? Bakit ka pa rin nandito?

Marahan kong itinapat sa kanya ang payong. At sa bawat patak ng ulan na tumatama sa akin ay mas nararamdaman ko ang lamig na namamagitan sa aming dalawa.

Dahan dahan siyang tumingala. Hindi ko sinalubong ang mga mata niya. Umiwas ako. Umiwas ako kasi baka mahulog na naman ako. Baka umasa na naman ako at lolokohin ko na naman ang sarili ko na baka may pag asa pa. Baka naman may pag-asa pang natitira. Pero wala naman na.

Tumayo siya at kahit hindi ako nakatingin sa kanya ay ramdam ko ang bigat at init ng titig niya sa akin. Bahagyang lumapat ang malamig na palad niya sa kamay ko nang kunin niya ang payong na hawak ko. Tumalikod na ako at hahakbang pa lamang nang tumigil ang patak ng ulan sa kinatatayuan ko.

"I'm sorry." Kahit na parang pabulong niya itong sinabi ay malinaw na malinaw itong pumasok sa puso ko.

Muli akong humarap sa kanya at sa pagkakataon na ito ay nakatitig na ako sa mga mata niya. Umiiyak siya.. at gusto ko siyang yakapin pero hindi ko magawa.

"Gusto kitang patawarin Kelvin. At gusto kong malaman mo na ginagawa ko lahat ng makakaya ko para mapatawad ka. Kapag dumating ang araw na yun, sana pati yung sakit mawala. Sana magawa kong kalimutan lahat. Kung.. pumunta ka lang dito para mag-sorry, narinig ko na. Pwede ka nang umuwi." Tinalikuran ko na ulit siya at kasabay nito ang pagtulo na naman ng mga hindi na naubos na luha ko.

Triple Danger: Treacherous Couple! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon