CHAPTER 21: SECOND CHANCE

3.4K 119 10
                                    

CHAPTER 21: SECOND CHANCE

GLAZY POV

"Calm down, okay lang si Gun."

Agad akong napatingin kay Kelvin na kasalukuyang nakayakap sa akin. Nakatingala ako sa maamo niyang mukha. Puno ng halo-halong emosyon ang mala-buhangin niyang mga mata.

This time, para akong nabunutan ng sobrang habang tinik sa dibdib nang dahil sa narinig ko mula sa kanya.

"Okay lang si Gun?! Nasaan siya? Paano mo nalaman? Nakita mo ba siya?"

Sa dinami-dami ng tanong ko, isang ngiti lang ang tugon niya.

Ano ba talaga?! Kung okay lang si Gun, nasaan na ang anak ko?! Bakit hindi niya kasama?!

"Kelvin—"

"He's with Dad. Stop worrying, maybe now nasa mansyon na sila."

"Huh! Bakit sinundo siya ng daddy mo nang walang pasabi?! Halos mamatay na ako sa kakaisip kung nasaan si Gun—" I froze as I remember one thing. Nakayakap pa rin pala ako sa kanya at nakayakap pa rin siya sa akin. Tell me, gaanong katagal na kaming nakaganito?! Sh*t!

Agad akong lumayo sa kanya at pakunwaring inayos ang nagusot kong damit.

Parang kanina lang humihingi ako ng divorce sa lalaking to, tapos ngayon nakayakap ako na parang tuko sa kanya?! Ang baliw mo talaga Glazy! Boplaks!

Alam ko, pulang-pula na ang mukha ko ngayon. Hindi ko tuloy magawang tumingin sa kanya ng deretso.

"S-Susunduin ko na lang sa mansyon si Gun." Nakatungo kong paalam sabay talikod sa kanya. Tiyempo akong tatakas sa awkward situation na yon nang bigla akong na-stuck sa kinatatayuan ko.

Hawak niya ang kaliwa kong pulso at dahan-dahan itong bumababa patungo sa palad ko.

Hindi ko alam kung bakit hindi ako gumagalaw. Nananatili ako sa posisyon na yon habang pinakikiramdaman ang dahan-dahan na pagbalot ng kamay niya sa kamay ko.

Kelvin.. miss na miss na kita.

Hindi ko alam kung saan ako nakahugot ng lakas para makawala sa pagkakahawak niya. Patakbo akong lumabas ng school .. palayo sa kanya.

* * *

Mas naunang nakarating ni Kelvin sa mansyon ng mga Vergara. Nagtaxi lang kase ako at halos nakipag-away pa ako sa driver dahil ayaw niyang ipasok sa loob ng gate ang taxi niya. Hello ang layo ng lalakarin ko kapag sa gate lang niya ako ibinaba! In the end dinagdagan ko na lang ang bayad ko sa kanya.

Matagal-tagal na panahon na rin ang nakalipas nang huli akong dumalaw dito. Gayun pa man, hindi pa rin nagbabago ang kakaibang kaba na nararamdaman ko sa bandang dibdib sa tuwing narito ako. Sobrang daming memories. Ito na rin kaya ang huling tapak ko sa lugar na 'to?

Triple Danger: Treacherous Couple! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon