Tattoo
Buong araw kong hinintay ang text o tawag ni Yuki.
Walang dumating.
Inisa-isa ko na ring tinawagan ang mga kaibigan niya at nag-patulong ngunit ang sabi nila'y wala silang alam. Tanging si Andrea nalang ang hindi sumasagot sa tawag ko.
Hindi ako mapakali. Maski ang mga pagkaing dinala ni Aling Sally para sakin ay hindi ko man lang nagalaw.
Kinagabihan ay pinili kong pumunta sa bahay ni Andrea. Sabi ng mga kaibigan ni Yuki ay sila ang huling mag-kasama pauwi mula sa kanilang school. Naisip kong baka pinagtatakpan lang ni Andrea ang kapatid ko kaya hindi niya rin ako sinasagot. Kailangan ko lang siguraduhin.
Halos maligaw ako sa Tondo. Ang binigay na Address ni Erica ay sa isang baranggay sa Delpan.
Maraming tambay ang kalsadang kailangan kong pasukin para marating ang bahay ni Andrea. Nilagay ko ang mga kamay ko sa bulsa ng suot na jacket habang nag-lalakad ng diretcho.
"Pst.. miss tingin ka naman dito!"
"Miss daan ka ulit ha?"
"Miss, anong pangalan mo?"
Sambit ng ilang lalaking nadaanan ko. May nag-takbuhang mga bata sa harap ko kaya kinailangan ko huminto.
"Miss ang ganda mo naman.."
Mabilis kong nilingon ang lalaking nag-salita. Tatlo silang mag-kakasama at nakaupo sa kahoy na silya. Sa gitna nila ay maliit na mesa kung saan nakapatong ang iniinom nilang alak.
Nang mag-tama ang paningin namin ay para siyang natakot. Seryosong-seryoso ang mga mata ko. Walang bahid ng kahit na anong emosyon. Malamang ay iyon ang nakita niya kaya tila siya nakakita ng multo.
"A-ah.. eh.." Utas niya nang mag-simula akong humakbang palapit. Binaba ko ang suot na face mask hanggang sa aking baba at mas lalo siyang natulala.
"San ang bahay ni Andrea Briones dito?" Seryosong kong tanong.
"B-Bahay? M-Maraming bahay d—" Binatukan na siya ng isa niyang kasamang mukang lasing na.
"Tanga, tinatanong kung san ang bahay mo."
Umirap ako at aambang aalis na.
"Briones! O-Oo miss.. yung katabi lang ng kahoy na pinto na yun. Yung may poster ni Kap."
Muli kong sinuot ang facemask habang matalim siyang tiningnan. Muling naestatwa ang lalaki habang pinanood akong umalis.
Labis ang kaba ko habang papalapit sa bahay na tinuro ng lalaki. Halos kadikit lang ito ng katabing bahay at parehong gawa sa kahoy ang haligi.
Nang sumilip ako sa nakabukas na pinto ay agad akong natigilan.
May isang ginang na nakaupo sa kahoy na sofa at mugto ang mga mata. Sa tabi niya ay batang lalaki na hinahaplos ang kanyang likod para mahimasmasan ito.
Mabigat man sa kalooban ay tinuloy ko ang pag-hakbang palapit. Marahan akong kumatok.
"Tao po? Pasensya na po sa istorbo.. gusto ko lang po sanang makausap si Andrea.. andito po ba siya?"
Muling humagulgol ang ginang. Nang makabawi ay pagod siyang tumayo.
"Papasukin mo nak.." Utos niya sa bata na agad nitong sinunod. Lumapit siya sakin ngunit di niya nagawang ngumiti.
"Ate, tara po.."
Tumango ako at pumasok na. Nang makalapit ako sa ginang ay agad niyang hinawakan ang mga kamay ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/160651688-288-k982384.jpg)
BINABASA MO ANG
Played to Love You
Hành độngShe's a silent assassin, she plays with other people's lives. He's a hot gambling crackerjack, he plays with money. But when life starts to play, it will never be easy. She's paid to kill him but he's not yet done playing. All of a sudden, both o...