Moonlit
Wala sa sarili akong tumakbo patungo sa emergency exit. Hindi na ako lumingon pa. Kasabay ng pag-lapat ng mga paa ko sa sahig ay ang mabigat na pag-tulo ng aking luha.
Bakit ko ba naramdamang iba ako sa mga babaeng dumaan sa buhay ni Cloud? Bakit ko binura sa isip ko na laro lang ito sa kanya? At hindi pa siya nakuntento sakin...pati si Leicia?? Anong meron sa kanila? Iniisa-isa niya ba kaming Scorpion para lang makaganti siya? At hindi na ako mag-tataka kung bakit ganto ang paraan niya dahil noon palang, babaero na siya!
Pero hindi ko inakalang ganito kasakit. Sobrang sakit ng epekto niya. Sana pisikal nalang niya akong sinaktan. Hindi yung ganitong bibigyan niya ako ng sakit na hindi ko malaman kung paanong pahihilumin.
Okay na sana ako eh..kasi pinaramdam niya saking hindi na ako nag-iisa. Masakit tanggapin na pati 'yon ay may hangganan din. Hindi pa nga kami nag-sisimula, nawala na agad sakin.
Para akong nawawalang bata nang tuluyang makalabas ng hotel. Ni hindi ko nasuot ang sapatos ko sa pag-mamadaling hanapin siya kanina pero wala na akong pakialam.
Alam kong kailangan ko pa rin siyang harapin dahil kay Yuki pero hindi ko lang kayang makita siya ngayon. Hindi ko kayang manatili sa isang kwarto kasama siya dahil ayokong makita niya akong ganito. Ayokong maramdaman niyang panalo siya dahil mas lalo akong malulugmok.
Hindi ko nga lang alam kung saan ako pupunta. Wala akong hawak na pera. Wala na ang apartment. Wala na si Sairyn. Wala na ang Scorpion.
Punyetang luha nalang ang meron ako at sakit na hindi ko maintindihan.
Niyakap ko ang sarili habang naglalakad sa kalsada. Sa harap ng hotel ang kahabaan ng Roxas Boulevard at isang tawid lang ay baybayin na ng Manila de Bay. Doon nalang muna siguro ako mag-papalipas.
Nakita ko nakakabighaning liwanag ng bilog na buwan, ilang sandali lang ay nawala ang liwanag nito dahil natakpan ng itim na ulap. Parang kinurot ang puso ko nang mapagtantong ganoon ang nararamdaman ko ngayon.
Ang liwanag na pinakita ni Cloud sa buhay ko ay siya rin ang mag-aalis. . .
Siya rin ang mag-bibigay ng kadiliman. . .
Pinalis ko ang luha sa aking pisngi at nag-hintay ng tamang tyempo sa pag-tawid ngunit natigilan ako nang may makitang nakaparadang pamilyar na motor sa kabilang kalsada.
Motor ni Leon iyon! Hindi ako pwedeng mag-kamali.
Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Tadhana na siguro ang nagsasabing hindi ako nararapat dito.
Hindi ko pa alam ang totoong dahilan sa nangyari sa apartment. Bukod kay Rico ay wala pa akong nakakausap na Scorpion. Hindi ko alam kung dapat ko bang pagkatiwalaan si Leon pero kumpara sa kanila ni Cloud...mas kilala ko si Leon.At sa ginawa ni Cloud ngayong gabi, napatunayan ko ring kalokohan ang mag-tiwala sa kanya.
"Umi?"
Natigilan ako sa pag-tawid nang marinig ang boses ni Leon. Lumabas siya mula sa pagitan ng dalawang nakaparadang sasakyan ilang hakbang lang ang layo sakin. Tanging ang kahel na ilaw lang mula sa mga poste at sa mga iilang sasakyang dumadaan ang nag-sisilbing liwanag sa paligid.
"Leon.."
"A-Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya. Dahil madilim ay hindi ko mabasa ang kanyang mga mata.
Muling lumandas ang luha sa aking pisngi at mabilis ko iyong pinalis.
"Umalis ako sa apartment. M-May nangyari.. may mga nag-tangka saking hindi ko kilala pero lahat sila may tattoo ng Scorpion kaya akala ko––"

BINABASA MO ANG
Played to Love You
БоевикShe's a silent assassin, she plays with other people's lives. He's a hot gambling crackerjack, he plays with money. But when life starts to play, it will never be easy. She's paid to kill him but he's not yet done playing. All of a sudden, both o...