C̶h̶a̶p̶t̶e̶r̶ 40

206 9 2
                                    

Final Chapter TᴖT

Can't believe I'm already writing this part *crying brb*
But if you reached this part,
I am thankful for you ̆̈ ☁︎ 𓂃 ࣪ ִֶָ  .

________________

Whitest Cloud

Umawang ang labi ni Cloud nang mapunta ang paningin niya sa namamaga kong pisngi hanggang sa bumaba iyon sa katawan ko. Sinubukan ko pang itago ang dibdib ko ngunit huli na ang lahat.

"Motherfuckers!!!"

Biglang binalot ng galit si Cloud.

Galit na ngayon ko lang nakita.

Walang awa niyang pinagsusuntok ang dalawang nakahawak sa kanya. Rinig na rinig ko ang tunog ng lumalagapak na kamao sa kanilang panga. Ang ilang sumubok lumapit ay pinapatumba na niya agad bago pa man siya mahawakan.

Labis-labis ang pag-aalala ko para sa kanya. Sa galit ay hindi na niya nagagawang mag-isip pa kundi ang sumugod. Pero kahit pa malakas si Cloud ay matatalo siya sa bilang ng kalaban niya. Lampas sampu ang nakapalibot sa kanya bukod pa sa mga kalalakihang nasa paligid. Baka hindi niya sila kayanin lalo pa't mag-isa lang siya.

Napasinghap ako nang mabilis niyang binunot ang kanyang baril at walang anu-ano'y pinagbabaril ang mga napatumba niya sa sahig at ang dalawa pang lumapit.

Ngunit natigil ang lahat nang tumabi sa akin si Leon at mag-paputok ng baril sa ere.

Umiinda sa sahig ang limang nabaril ni Cloud. Nakatutok na rin sa kanya ang mga baril ng iba pa. Nanginginig ang kalamnan ko habang nakatitig sa kanya. Nagdadasal na wala sanang mag-paputok sa kanila dahil paniguradong agrabyado si Cloud.

"Masyado ka namang matapang." Sambit ni Leon habang humakbang papunta sa likuran ko.

Muli niyang pinaikot ang kanyang braso sa dibdib ko, habang hinahaplos ang nguso ng baril sa aking braso.

"L-Leon.."

"Leon, ano?? Bubutasan na namin 'to. Tarantado eh!" Galit na sambit ng isa niyang kasamahan. Humihingi ng permisong gantihan si Cloud pero umiling lang si Leon.

"You fucking piece of shit!!! How can you fucking do this to her?! Hah?!" Tinutok ni Cloud ang baril niya kay Leon. Mabilis ang pag-hinga. Umaapoy ang mga mata sa galit.

"Ang alin? Yung ganito ba?" Ngisi ni Leon at marahas na hinawakan at pinisil-pisil ang dibdib ko.

Nag-tawanan ang ilang lalaking naroon kasabay ng pag-hikbi ko. Hindi ako makatingin kay Cloud. Pinikit ko ng mariin ang mga mata ko na para bang mabubura ng kadiliman ang sakit na nararamdaman ko at panigurado, pati ni Cloud.

"Leon please tama na..." Bulong ko.

"Nag-sisimula pa nga lang tayo diba?" Sagot niya. Naramdaman kong dumikit ang mga labi niya sa aking panga at umastang hinahalikan ako doon.

Sinubukang sumugod ni Cloud pero hindi pa man siya nakakahakbang ay muli nang tinutok ni Leon ang baril sakin.

"Ops." Nanunuyang tumawa si Leon.

Hikbi nalang ang naisagot ko. Halo-halong emosyon na ang bumabalot sakin pero nananaig ang takot. Natatakot ako sa maisipang gawin ni Cloud.

Nang mailayo ni Leon ang kanyang labi sakin ay saka ko lang natingnan ulit si Cloud. Nanlaki ang mga mata ko dahil inaangat na niya ang kanyang mga kamay sa ere, tila sumusuko. Maski ang baril niya ay sahig na.

Lumuluha akong umiling kay Cloud. Gusto kong humingi ng tawad dahil alam kong nahihirapan siya. Alam kong labag sa loob ang ginagawa niya at halatang tinitiis niya lang ang bawat segundong lumilipas na narito kami.

Played to Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon