C̶h̶a̶p̶t̶e̶r̶ 11

195 8 4
                                    

Break

"Sandali nga! Ano ba!" Hirap kong singhal dahil patuloy pa rin ang hila niya. Hindi niya ako pinansin at mas lalo lang humigpit ang hawak niya sa braso ko.

Pag-labas ay lumiko kami sa pasilyo katabi lang ng function hall. Walang katao-tao roon ngunit rinig pa rin ang ingay mula sa pinanggalingan namin. Nauna na sa pag-hakbang ang mga barakong lalaki na bitbit si Steve at nakita kong pumasok sila sa isang kwarto.

Ang akala ko'y dadalhin niya rin ako doon pero marahas niya akong sinandal sa pader bago pa man kami makalapit sa pinto. Naestatwa ako nang mag-tama ang paningin namin.

Hindi ako nakagalaw habang nilalabanan ang seryosong-seryoso niyang mga mata, katulad ito nung una naming pagkikita. Ang pagkakaiba lang ay tila nahaluan ng galit ang ngayon. Walang ngiti sa kanyang labi. At habang nakatingin doon ay unti-unting bumilis ang tibok ng puso ko.

"You break my rule, I break yours remember?" Napapaos niyang bulong.

Sasagutin ko sana siya na si Steve naman ang lumapit ngunit hindi ko na nagawa. Hindi ko na rin nasundan ang mga nangyari.

Naramdaman ko nalang na hawak na niya ang magkabilang palapulsuhan ko at pinako ito sa pader paangat sa ulo ko.

Naramdaman ko nalang na masyado na siyang malapit.

Naramdaman ko nalang na nag-hahari na ang mga labi niya sa mga labi ko.

Mapusok na niya akong hinahalikan.

Kakaibang init ang kumalat sa sistema ko lalo pa nang maramdaman ko ang bawat pag-galaw ng kanyang dila. Hindi ako binibigyan ng pag-kakataon para lumaban. Napapikit ako ng mariin.

Ginawa niyang isang kamay nalang ang nakahawak sa mga palapulsuhan ko. Mas bumilis ang takbo ng puso ko nang maramdaman ang isa niyang kamay na malayang gumapang mula sa pisngi ko patungo sa leeg hanggang sa balikat pababa sa aking braso.

Ngunit para akong kinuryente nang gumapang ito sa aking bewang paangat sa bandang ibaba ng aking dibdib. Bigla akong natauhan at napamulat. Kung hindi ko siya pipigilan ay mahahawakan na niya ako doon.

"C-Cloud!" Hingal na hingal kong singhal. Pinilit kong bawiin ang mga kamay ko at nang magawa ko ay naiwan ang kamay niyang nakapako sa pader ilang pulgada mula sa ulo ko.

Lasing niya akong tiningnan. Ang isa niyang kamay ay natigil sa pag-gapang at nanatili sa bandang ilalim ng dibdib ko. Ramdam na ramdam ko ang nakakapaso niyang palad doon dahil sa suot kong backless dress. At paniguradong ramdam niya rin ang kaba ko.

"That's the first time you said my name cupcake. Now I'm starting to like the idea of you breaking my rule." Aniya at saka ko lang ulit nasilayan ang ngisi niya na ilang saglit lang ay agad ding nag-laho.

"But...for that to happen, someone will have to pay."

Napapikit ako nang makarinig ng dalawang putok ng baril. Umilaw pa ang siwang ng kwartong pinasukan ng mga bodyguards niya kaya doon ako napatingin.

Napakurap ako habang nakatitig sa pinto.

"Umi.."

Sinubukan niyang hawakan ang pisngi ko para muling iharap sa kanya ang paningin ko ngunit naitulak ko siya palayo.

"Anong ginawa mo?" Singhal ko.

Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Humakbang ako palapit sa kwarto at nang ilang hakbang nalang ang layo ko ay biglang bumukas ang pintuan. Lumabas doon ang dalawang barakong lalaki pero nag-patuloy pa rin ako sa paglapit at hindi sila pinansin.

Nanlaki ang mga mata ko nang pag-silip ay nakita ko si Steve na nakaupo sa sahig at nakasandal sa pader. Duguan dahil sa tama ng bala at hirap nang huminga.

Played to Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon