C̶h̶a̶p̶t̶e̶r̶ 17

122 3 1
                                    

Decisions

"Oh fuck." Inis na singhal ni Cloud habang sinusuri ang hita niya. Mukang ngayon niya lang naramdamang nag-dudugo ang tama niya.

Tamad ko siyang tiningnan. Yan ang napapala mo sa kamanyakan mo.

"May first aid kit ba dito?" Tanong ko. Kinuha ko agad ang saklay niya at inalalayan siyang tumayo.

Nagawa niya pang kumuha ng brownie at kumagat doon bago ako sinagot.

"Yeah.. in my bedroom."

Matalim ko siyang tiningnan at inirapan dahil nanunuya ang ngisi niya habang umaakbay sakin. Inalalayan ko siya papunta sa kwartong hinalughog ko kanina. At tama ang hula ko, iyon nga ang kwarto niya.

Tinulungan ko siyang umupo sa kama tapos ay tinabi ko rin ang saklay niya.

"Saan?" Tamad kong tanong.

"Right there.." Turo niya ang pintuan na tingin ko'y para sa banyo kaya doon ako dumiretcho. Nakuha ko ang first aid kit sa isa sa mga drawers doon.

Nang lumabas ako ay wala na siyang suot na damit na pang-itaas. Hindi makapaniwala akong suminghap.

"What? Pinagpawisan ako kanina. I can't help it. I felt so hot." Palusot niya. Nag-iwas ako ng tingin.

"Hubarin ko rin ba 'to?" Tukoy niya sa gray niyang cotton-on shorts nang makalapit ako.

Inis kong hinawakan ang balikat niya at marahas siyang pinahiga. Nanunuya lang siyang tumawa.

"Wag ka nang mag-salita pwede?" Sambit ko sabay hawi sa dulo ng shorts niya. Inangat ko ang tela hanggang sa makita ko ang sugat niyang nakabalot pa sa gasa.

Nag-squat ako sa gilid ng kama para mas madali ko itong matingnan. Malalim ang tama ng bala sa hita niya kaya nakagat ko ang labi ko habang nakatitig dito.

Nang ginugupit ko na ang gasa ay inangat niya ang katawan niya gamit ang kanyang mga siko at sumandal. Sa pwesto niya ngayon ay mas nakikita niya ako. Ngunit sa pwesto din niyang iyon ay mas bumalandra sakin ang bato-bato at tigasin niyang abs.

Sinamaan ko siya ng tingin bago nag-patuloy sa ginagawa. Nilinisan ko ang sugat niya gamit ang saline. Hindi man lang siya uminda, natutuwa pa sa panunuod sakin.

"I tried to test you. And you didn't run." Natigil ako sa ginagawa at matalim siyang tiningnan. Kinakausap ko siya gamit ang mga mata ko at sinasabi kong tumahimik na siya.

"You even kissed me back." Dinilaan niya ang kanyang labi. "You're breaking your own rules for me."

Marahas akong bumuntong hininga.

"Hawak mo 'ko kanina. Sobrang lapit natin sa isa't-isa. Tingin mo ginusto 'ko yun? Napilitan lang ako." Pilit kong sinabi.

"Hmm.." Napapaos lang siyang tumawa.

Pinagpatuloy ko ang pag-gamot sa sugat niya. Binabalot ko na ito ng panibagong gasa nang hawakan niya ang buhok kong wig. Nagitla ako, natatakot na matanggal iyon.

Masama ko siyang tiningnan at agad hinawi ang kamay niya. Ngunit nang matapos ako sa pag-lagay ng gasa ay hinawakan naman niya ang baba ko at marahang pinaharap sa kanya.

Played to Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon