C̶h̶a̶p̶t̶e̶r̶ 32

133 5 0
                                    

Home

Hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko habang paulit-ulit na tinitingnan ang mga pictures ni Yuki.

Lahat ng iyon ay stolen shots lang pero sa bawat kuha niya ay kitang-kita ko ang ngiti sa kanyang labi. Mas maputi na nang bahagya ang kanyang morenang balat at mas nag-kalaman ang kanyang pisngi. Ang hindi lang nag-bago ay ang itim at diretcho niyang buhok na abot bewang ang haba.

Sa ibang kuha ay nag-lalakad siya kasama ang dalawang babae na mukang kaedad niya, ang isa ay blonde ang buhok at mukang Amerikana habang ang isa ay mukang Koreana. Ang ilang kuha naman ay nasa coffee shop sila at halatang abala sa pag-aaral. May laptop at libro sa harap niya habang ang babaeng Amerikana ay may hawak na sketch pad. Saka ko lang napag-tanto na halos lahat ng customers sa paligid niya ay foreigner.

"She's in New York...studying." Sambit ni Cloud.

Mukang nakuha niya ang tanong sa isip ko dahil nilapit ko ang isang picture sa mukha ko para matingnan maigi ang mga tao sa paligid ni Yuki. Dahan-dahan kong binaba ang aking kamay habang hinahaplos ang litrato gamit ang aking hinlalaki.

Napangiti ako. Muling tumulo ang luha sa aking pisngi at agad iyong pinalis ni Cloud gamit ang kanyang daliri. Nilingon ko siya at kinuwelyuhan gamit ang isang kamay.

"Bakit dito mo siya dinala? T-Talaga bang nag-aaral siya doon? O baka naman edited lang tong mga 'to?! Gagamitin mo lang para mapasunod mo ako?!" Sinanghalan ko siya nang mapagtantong may punto ang nasa isip ko.

Tumalim ang tingin ko nang lumapad ang ngisi sa kanyang labi.

"Hindi ko kailangan niyan para mapasunod kita. And that's already proven." Mayabang niyang sinabi.

Wala sa sarili kong nabitawan ang damit niya, napapakurap.

Pinuno ko ng hangin ang baga ko at pinigilan ang pag-hinga. Hindi ako makatanggi. Maski ang sistema ko ay ayaw pag-takpan ang sarili. Iniwas ko ang mukha ko sa kanya at binuga ang inipong hangin sa gilid.

Pag-harap ko ay hawak na niya ang kanyang bagong cellphone at ilang sandali lang ay iminumuwestra na niya ito sakin. Naka-play doon ang video kung saan palabas si Yuki kasama ang parehong mga babae sa entrada ng isang prestihiyosong Unibersidad sa New York.

"She chose that school herself. She told me she wanted to pursue fashion design."

Muling lumambot ang puso ko habang pinapanood ang aking kapatid. Noon pa man, alam kong ito na ang hilig ni Yuki. Maski noong bata pa siya, tuwing nag-eensayo kami ni Papa noon ay sinisigurado naming mauuwian namin siya ng barbie dolls or di kaya'y paper dolls dahil paborito niyang damitan ang mga ito.

"S-Sinabi niya talaga 'yon?" Pinigilan kong pumiyok.

"Hmm-mm.."

"Ano pang sinabi niya Cloud? Please sabihin mo sakin.. Sinabi niya ba kung bakit niya ako kailangang..iwan? Kahit anong dahilan kung bakit hindi niya ako tinawagan o minessage man lang?" Buong pag-asa kong tanong.

Tumikhim si Cloud.

"That...I can't tell. Gusto kong si Yuki mismo ang mag-sabi sayo ng lahat, Umi."

"Cloud naman...ikaw yung nandito eh. Please naman... Promise, hindi na kita pag-dududahan. Mag-titiwala na talaga ako ng buong-buo. I...trust you!"

Nag-dugtong ang kilay ko nang ngumiti siya.

"You're too fucking cute." Aniya at kinagat ang labi.

"Cloud hindi ako nag-bibiro!"

"Alright. This is what I can tell you...That night I met up with Yuki cause I. . . uhh. . . ordered some girls. . ." Binulong niya lang ang huli at ngumuso. Inirapan ko siya ngunit hinawakan niya ang baba ko at muling pinarahap sa kanya.

Played to Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon