C̶h̶a̶p̶t̶e̶r̶ 26

205 5 0
                                    

Trust

Napako ang paningin ko sa tattoo ni Cloud sa kanyang leeg. Parehong malalim ang aming pag-hinga. Ilang minuto palang ang nakalipas mula nang alisin niya ang sarili niya sa akin pero agad akong nakaramdam ng lumbay doon. Isang pakiramdam na hindi niya pwedeng malaman.

Nakapahinga ang ulo ko sa kanyang braso.

Ang akala ko pag-katapos ng second round niya ay basta nalang niya akong iiwan tulad noong una ngunit hindi iyon ang nangyari. Tumabi siya sakin sa masikip na couch. Kinailangan pa naming tumagilid at humarap sa isa't-isa para mag-kasya.

Alam kong dapat na akong bumangon at bumalik kila Leon ngunit ang maramdaman siyang kalmado sa tabi ko ay nag-bigay ng init sa aking puso. Init na gusto kong maramdaman pa ng mas matagal.

Hinahaplos niya ang aking balikat gamit ang kanyang mga daliri pababa sa aking braso. Hindi na nawala ang ngisi sa kanyang labi.

"What's in there? Hmm?" Tukoy niya sa isip ko. Sinusubukang hulihin ang paningin ko.

Kinagat ko ang labi ko, inisiip kung dapat ko bang sabihin ang bumabagabag sakin. Nang makapag-desisyon ay inangat ko sa kanya ang aking paningin.

"Hindi ka pwedeng makita ng mga kasama ko, Cloud."

Nawala ang ngisi sa kanyang labi at agad kong nakita ang pagkairita sa kanyang mga mata. Ugh. Sabi ko na nga ba.

"So you want me to pluck their eyes out?" Ramdam ko ang inis sa kanyang tono.

"Cloud please... Alam mo ang ibig kong sabihin."

Marahas siyang bumuntong hininga.

"No. And no plans on letting you go out there alone, Cupcake." Pinahinga niya ang kanyang kamay sa aking tagiliran.

"Clou--"

"I'm giving you two choices. One, we go down there and meet your friends or two, we get out of here together. No other way around."

Hirap akong bumangon at tinakpan ang dibdib gamit ang mga braso. Pinanood niya akong gawin iyon.

"Binigay ko na gusto mo. Ano pa ba?" Tanong ko sa iisang tono.

Ilang sandali kaming binalot ng katahimikan.

Bumangon din siya at umupo sa tabi ko. Kinuha kong pagkakataon iyon para ayusin ang damit ko. Napatalon ako nang maramdaman siyang tulungan ako ngunit hindi ko na siya pinigilan.

"I want you to trust me." Napapaos niyang sinabi nang matapos.

Hindi ko siya tiningnan. Nanatili akong nakatagilid sa kanya pero nag-pintig ang tainga ko nang marinig siyang may hinihingi nanaman sakin. Hindi ba't kakakuha niya lang ulit sa pag-kababae ko? Ang pagod at pagkabigo ay bumalot saking sistema.

"Hindi mo pwedeng guluhin ng ganito ang buhay ko. Hindi mo ako pwedeng pag-laruan ng ganito dahil nasayo ang kapatid ko, Cloud. Hindi ko alam kung ano ba talagang gusto mo! Gusto kong ipaintindi mo sakin kung...kung ano pa ba ang dapat kong gawin para hindi mo na ako pahirapan ng ganto." Walang preno kong nasabi.

Muli kong narinig ang kanyang buntong hininga.

Hindi ko siya matingnan. Natatakot akong baka gumawa ng guwang sa aking tiyan kapag nakita kong maamo ang kanyang mga mata. Ngunit hindi ako nakatakas nang marinig ang pagiging malumanay ng boses niya.

"Baby I'm sorry, alright? All I want is you out of that life. And I'll mess your life if that's the only way you'll be in mine." Mataman niya akong tiningnan pero hindi ko iyon masuklian. "I want you in my life, Umi. I don't care how but I'll do anything just to make it happen."

Played to Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon